Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Child Support

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Child Support on Thu Jan 22, 2015 5:11 am

Fyrha


Arresto Menor
Manghingi po sana ako ng advice.kasal kami ng asawa ko at mula madeploy po sa Japan yr 2013 Hindi po nagpapadala ng pera saakin. Kundi sa parents niya dinadaan ang pera para sa anak namin. Hindi naman po ako nagreklamo pero hindi kami ok ng asawa ko simula ng natali ako sakanya.Physically emotionally po siya nananakit. Humiwalay na kami ng anak ko sakanya dahil wala siyang work. Lahat asa sa magulang niya. Nagwork po ko sa olongapo at pansamantala iniwan ko anak ko sa ate ko Iba, zambales, yung asawa ko naman po pumnta doon at kinuha ang anak ko ipinasyal sa baguio sa lugar nila gusto daw niya makasama habang nandito pa siya sa pinas noon. Hinayaan ko lang po dahil di ko naman pinagdadamot ang bata sakanya dahil ama siya ng anak ko. Hanggang di na po binalik saakin. Ngayon po gusto ko manghingi ng advice may work po ko sa oolongapo lastyr tinapos ko lang po kontrata june2014 pinilit niya akong umalis sa work ko dahil need daw ng bata ako ang maghatid sundo sa school at bilang panguha loob niya saakin siya daw bahala sa lahat. Naniwala naman po ako dahil para din naman sa anak namin iyon. Hanggang sumapit ang Dec.last yr last na po yun na padala niya. Away bati rin kami dahil sa parents niya dun kasi kami nakatira ng anak ko sa kagustuhan ng asawa ko dun kami sakanila. Sa ngayon di na nagpapadala. Wala po ko work at ni piso wala po ako. Wala po ko malapitan sa magulang ko dahil hiwalay din po sila at inbalido naman ang nanay ko. Ano po pwede kong gawin? Mga hakbang? Hindi ko na rin nakukontak ang asawa ko sa fb o skype. Ang dami na rin namin babayaran sa school ng anak ko. Pre kinder po at 4yrs old anak namin lalaki. Gusto ko po sana magbigay siya ng sustento sa bata at para makasimula rin ako para samin ng anak ko. Pansamantala nakatira kami ngayon sa tirahan ng kaibigan kong babae.sana po mabigyan nyo ako ng advice. Wala po kasi akong alam pagdating sa batas. Maraming maraming salamat po.

View user profile

2 Re: Child Support on Thu Jan 22, 2015 8:30 pm

concepab


Reclusion Perpetua
Maaring mo siyang sampahan ng kasong financial violence/abuse under RA9262. at kung ang pagiging irresponsable nya ang nagdudulot din sa inyo ng emotional and psychological abuse maari itong idagdag sa kaso.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum