Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

FATHER'S RIGHT

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 FATHER'S RIGHT on Mon Jan 26, 2015 10:59 pm

ACQUIATM


Arresto Menor
KUMUSTA PO SA LAHAT,
Isa po akong ofw na nagtatrabaho sa bansang arabyano.May kinakasama po ako dati hindi po kami kasal at may tatlo kaming anak mga babae po lahat.Maganda naman po ang unang pagsasama namin dahil maganda naman po ang ipinakita nya at honest sya nong una.Bago po kami nagsama ang sabi po nya may anak sya sa una nyang bf at tanggap ko naman po yon.Dinala nya yong anak nya sa inuupahan namin dahil alam nya na kaya ko silang buhayin dahil may trabaho naman ako.After 3months lumabas na ang tunay nya na pagkatao,pag uwi ko po galing sa trabaho wala sya at yong anak nya nadatnan ko nalang ang mga kaldero na walang laman at nagkalat ang mga gamit sa bahay,may nakapagsabi sa akin na nasa sugalan kasama ang kapatid nya na babae.Doon na po nag umpisa ang pag aaway namin.Kinausap ko sya na wag ng magsugal dahil hindi magandang besyo yan dahil ako hindi ako nagsusugal ang sabi naman nya itigil na raw nya,pero inaantay lang pala nya ako na maka alis papunta sa trabaho aalis din sya at halos doon na sya tumira sa sugalan.Naisipan ko pong mag anak kami at nagpapagawa po ako ng maliit na sarisari store para meron syang mapaglilibangan at nagkakabaon baon na ako sa utang dahil hindi parin sya nagbago.Isang araw day off ko po yon,kinausap nya ako na pumunta sa cavite dahil na mimis na raw po nya ang lugar na yon dahil doon daw po sya lumaki.Para akong tinamaan ng malaking bato dahil pagdating namin sa bahay ng kapatid nya ipinakilala nya sa akin at ipanagtapat nya sa akin na may isa pa pala syang anak sa iba na naman nyang bf.Lalong sumama at lumala ang hindi magandang pagsasama namin.Dahil nga po may anak kami sa inuupahan pa rin po namin ako umuuwi kasama rin po namin ang dalawa nyang anak sa iba't iba nyang bf at patuloy parin po ang pagsusugal nya.Isang araw po kinausap na naman po nya ako na meron daw po syang pamangkin sa probensya na nagaaral na ng high school kukunin daw po nya at sa amin na paaralin para daw po may makakatulong sa kanya pagbantay sa mga anak nya,ako namang si tanga pumayag naman po.After a year hindi na po siguro sya nakatiis ipinagtapat po nya na anak din pala nya yong sinasabi nyang pamangkin nya na galing sa probensya.Parang nabagsakan ako ng isang malaking bato na kasinlaki po ng isang buong bahay at doon na po ako nagising.Nagpasya na po akong hiwalayan sya dahil hindi ko na po kinaya lahat,ayaw po nya pumayag.Hindi na po ako umuuwi ng bahay at tiniis na hindi ko po makita ang mga anak ko.Ilang beses po sya pumunta sa trabaho ko kasama po ang mga anak ko at nag eskandalo po sya doon para daw matanggal ako sa trabaho ko sa awa po ng diyos hindi naman po ako natanggal.Umuwi po sila sa cavite kasama mga anak nya lahat at tuloy tuloy po ang pagsusustento ko sa mga anak ko at 2x a month po ako nagpapadala.Hanggang nakapag abroad po ako dito sa saudi at lalong napapalayo na po ako sa mga anak ko.Minsan po ginagamit po nya ang mga anak ko para po makapagpadala po ako ng malaking halaga,sasabihin po nya may sakit po yong anak ko kahit po wala.Tinatawagan ko yong panganay ko pong anak dahil 8ys.old na sya at nakakaintindi na,ang tanong ko po sa anak ko kung nagbago na ba ang mama nila at ang sabi nagbago na daw po.Hanggang may binibinta po na bahay ang kapitbahay nila at binili ko po para po sa mga anak ko at inutusan ko po yong kapatid kong lalaki na sya ang mag asekaso sa lahat,bale sa kapatid ko pinadala ang pangbayad sa bahay.Isang araw sinabi ng kinakasama ko dati na dagdagan ang padala ko dahil bibili daw sya ng mga gamit sa bahay,hanggang naging 15 hanggang 20 thousand na ang pinapadala ko dahil napaniwala nya ako na nagbago na sya yon pala ang mga gamit sa bahay na kunwari inaupload at ipinakita nya sa FB hulugan pala at yong iba hiniram sa kapitbahay at pagkatapos ma kunan ng mga pictures ibinalik na,nalaman ko nlang po dahil may naawa po sa akin na kapitbahay nila sa mga kalokohan at katarandadohan nya,dagdag pa po nyan sa tuwing nagpapadala daw po ako ng malaking pera nagpapainum daw po sya kasama po mga lalaki,pumupunta sa disco bar pagkatapos nila magsugal at yong mga anak ko walang makain.May mga ebidensya po ako sa mga pinagagawa nya,at ang papayat na po ng mga anak ko ngayon.Itinigil ko po ang pagpapadala sa kanya ng pera at sa kapatid ko na po pinapadala ang pera para sya na po ang magdala at bumili ng bigas mga groceries at pambaon ng mga anak ko po,ang problema lang po dahil benibinta po ng kinakasama ko po dati ang mga bigas at groceries para lang po sya magkakapera.Hindi na po ako makapag isip at makapagtrabaho po ng maayos sa kaiisip po sa kalagayan ng mga anak ko po..pls.advice me po..
1.PWEDE PO BA AKONG MAGSAMPA SA KANYA NG KASO DAHIL SA PANLOLOKO NYA NA MAY TATLO NA PALA SYANG ANAK SA IBA'T IBANG LALAKI AT GINAGAMIT LANG PALA NYA AKO?
2.SA MGA EBIDINSYA NA HAWAK KO PO NGAYON SA PAG IINUM AT PAGSUSUGAL NYA PWEDE KO PO BANG MAKUHA YONG MGA ANAK KO SA TULONG NG KAPATID KO DAHIL NANDITO NGA PO AKO SA ABROAD?
3.HINDI PO KAMI KASAL,BALAK KO PO MAGSAMPA NG KASO AT MAKUHA ANG MGA ANAK KO SA LEGAL PO NA PARAAN DAHIL KARAPATAN KO BILANG AMA AT KAPAKANAN NG MGA ANAK KO PARA SA MAGANDANG KINABUKASAN NILA ANG NAKASALALAY DITO.

salamat po at pasensya na po kayo na napakahaba po ang binabasa nyo,sa ganitong paraan po nababawasan po ang bigat na nararamdaman ko po ngayon lalo na po siguro kong makakapagbigay po kayo ng mga advice sa problema ko po na dinadala ko ngayon..

GODBLESSED,

View user profile

2 Re: FATHER'S RIGHT on Mon Jan 26, 2015 11:14 pm

Katrina288


Reclusion Perpetua
Hi,

Dahil hindi kayo kasal ng dati mong kinakasama, yung mga anak ninyo ay illegitimate children.

Sa Family Code of the Philippines, ang illegitimate children ay dapat nasa solong pangangalaga at kalinga ng ina. Ngunit ayon sa kwento mo, maaari mo ring ipaglaban na makuha ang tatlo ninyong anak dahil hindi moral ang gawain ng ina ng mga bata. Basta may malakas kang ebidensya para dito (tulad ng testimonya ng mga testigo - kapatid mo, ikaw kung pwede ka, mga kapitbahay ninyo dati, kapitbahay ngayon ng babae, at iba pa), mga katibayan ng pagpapadala mo ng suporta, testigo at katibayan sa pagsusugal at pag-iinom niya at pagpunta sa mga disco bars/clubs, etc.

Pwede mong bigyan ng Special Power of Attorney ang kapatid mo para siya ang maging representative mo habang nandiyan ka sa Middle East.

If you need more information or need legal assistance, please send an email to km@kgmlegal.ph

Atty. Katrina

View user profile http://www.kgmlegal.ph

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum