Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Mababawi ko pa po ba?

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Mababawi ko pa po ba? on Fri Jan 30, 2015 7:09 pm

Tess G. B


Arresto Menor
Hello po.

        Tanong ko lang po kung may karapatan po ba ako na bawiin ang mga nagastos ko sa

tatay ko na namatay na at may naiwan na bahay at lupa. Nagbabalak kami ng aking mga

kapatid ibenta sa tamang hatian pero naisip ko po na paano na ung mga pinaluwal ko nung

nagkasakit ang tatay ko at pati ang libing. Walang nilabas na pera ni isang kusing ang mga

kapatid ko. Ako lang ang halos nagmalasakit sa tatay ko. At nagkaroon po kami ng aking mga

kapatid ng kasunduan (verbal) na ibabalik sakin ang mga nagastos ko kapag naibenta na ang

lupain. Pero lumipas ang maraming taon, nagka interes din sila at ayaw na nilang ibigay o

ibalik ang mga nagastos ko. Ang gusto nila pantay pantay na hatian lang at wag ko daw

isama ang nagastos ko sa namatay na. may karapatan po ba akong habulin lahat ng pera ko

kung sakaling mabebenta na ang bahay ng tatay ko? may mga ibedensya naman po ako

na ako ang gumastos nung nagkasakit at nung inilibing ang tatay ko. Gusto ko lang naman po

maibalik ang mga nagastos ko. At ano po ang dapat kong gawain sa legal na paraan?

matulungan nyo po at masagot nyo po agad ang aking mga katanungan.

Maraming salamat po.

View user profile

2 Re: Mababawi ko pa po ba? on Fri Jan 30, 2015 8:53 pm

AWV


Reclusion Perpetua
Meron ba kayong kasulatan ng mga kapatid mo na paghahatian nyo ang gastos sa father nyo? Kung verbal at walang kasulatan, kalimutan mo na dahil father mo rin naman yung namatay eh! Ganyan talaga ang buhay kung sino ang nakaka angat sya ang magsakripisyo.

View user profile

3 Re: Mababawi ko pa po ba? on Fri Jan 30, 2015 11:25 pm

Ladie


Prision Mayor
May ginawa ba kayong Extra Judicial Settlement agreement na ibebenta ang property at equally divided among you? Kami ganyan din ang naging problema namin gusto pantay pantay ang hatian sa pinagbentahan ng property, pero hindi ako pumayag dahil ako ang lahat gumastos sa libing at funeral service ng tatay namin. Wala silang magawa para makuha nila ang gusto nila, kundi magpetition sa court para ipamahagi ang mana namin. Hindi nila magawa magpetition dahil mahihirap lang kaming magkakapatid, pero ipinagtanggol ko ang aking karapatan bilang isang kapantay nilang tagapagmana. Dahil ung amilyar, transfer tax, notarial fees, estate tax na kailangang bayaran bago namin puedeng ibenta ay wala ring gustong magabono kundi ako, pati na ung capital gains tax sa sale na babayaran kpag nabenta na, kaya sa EJS agreement iniligay nila lahat ng abono kong expenses and others to be subtracted before equally sharing the proceeds from the sale. Good luck!

View user profile

4 Re: Mababawi ko pa po ba? on Sat Jan 31, 2015 3:48 pm

Tess G. B


Arresto Menor
Nai sama nyo po din ung abono nyo sa funeral sa EJS po? Kc wala pang kaming nagagawang pirmahan kundi puro verval palng po. Pero gusto ko sanang ako na bibili ng bahay ng tatay ko basta lahat ng inabono ko at taxes ay ibabawas sa bahay para mabawi ko ang mga inabono ko at hinde din mawala ang bahay ng ama kong namayapa na. Kc ang mga kapatid ko ay pera lng ang mahalaga sa kanila wala na silang pakelam sa isat isa.
7 kaming magkakapatid at biglang sumulpot ang nanay ko na matagal na nanahimik dahil hiwalay sila ng tatay ko ng almost 20 yrs.
Sa ngayun po, tatlong pamilya silang nakatira sa bahay na kapatid ko pero hinde din nila binabayaran ang taxes since namatay father ko at ang tittle ay nasa isa ko ding kapatid na hinde dun nakatira. nag aaway away na sila sa mana, dun sa nakikinabang at dun sa hinde nakatira sa bahay. Kaya gusto ko ng matapos na ang kaguluhan sa aming magkakapatid, kaya po naisip kong ako nalang ang bibili ng bahay at lot sa kundisyung gusto ko isama sa ibabawas ang lahat ng gastos ko kasama yung hospital bill, medicines and pati na yung lot na binili ko sa sementeryo. Ano pa ba ang dapat kung gawin? Thanks po sa reply malaking tulong po ito sa akin.

View user profile

5 Re: Mababawi ko pa po ba? on Sun Feb 01, 2015 1:13 am

angrybird


Arresto Menor
Tess G. B wrote:Nai sama nyo po din ung abono nyo sa funeral sa EJS po? Kc wala pang kaming nagagawang pirmahan kundi puro verval palng po. Pero gusto ko sanang ako na bibili ng bahay ng tatay ko basta lahat ng inabono ko at taxes ay ibabawas sa bahay para mabawi ko ang mga inabono ko at hinde din mawala ang bahay ng ama kong namayapa na. Kc ang mga kapatid ko ay pera lng ang mahalaga sa kanila wala na silang pakelam sa isat isa.
7 kaming magkakapatid at biglang sumulpot ang nanay ko na matagal na nanahimik dahil hiwalay sila ng tatay ko ng almost 20 yrs.
Sa ngayun po, tatlong pamilya silang nakatira sa bahay na kapatid ko pero hinde din nila binabayaran ang taxes since namatay father ko at ang tittle ay nasa isa ko ding kapatid na hinde dun nakatira. nag aaway away na sila sa mana, dun sa nakikinabang at dun sa hinde nakatira sa bahay. Kaya gusto ko ng matapos na ang kaguluhan sa aming magkakapatid, kaya po naisip kong ako nalang ang bibili ng bahay at lot sa kundisyung gusto ko isama sa  ibabawas ang lahat ng gastos ko kasama yung hospital bill, medicines and pati na yung lot na binili ko sa sementeryo. Ano pa ba ang dapat kung gawin? Thanks po sa reply malaking tulong po ito sa akin.

Kapag walang will na iniwan ang father nyo at sumulpot ang mother nyo, dalikado ang partehan nyo dahil ang mother nyo will be the heirs in line before any of you and your siblings. Kasal ba ang parents nyo? If so malamang yan ang dahilan kaya bumalik sya. Hindi nawawala ang mga gahaman sa mundo. As a wife she can decide the inheritance before the childrens.

View user profile

6 Re: Mababawi ko pa po ba? on Tue Feb 10, 2015 5:19 am

Ladie


Prision Mayor
AngryBirds wrote:

"Kapag walang will na iniwan ang father nyo at sumulpot ang mother nyo, dalikado ang partehan nyo dahil ang mother nyo will be the heirs in line before any of you and your siblings. Kasal ba ang parents nyo? If so malamang yan ang dahilan kaya bumalik sya. Hindi nawawala ang mga gahaman sa mundo. As a wife she can decide the inheritance before the childrens."

For AngryBirds:  I think if legally married ang father and mother nila, the property is conjugal wherein only half of it be the share of the sumulpot na mother.  Ung other l/2 is equally shared among the siblings and the surviving mother-wife.

For Tess G.B.:  Nai sama nyo po din ung abono nyo sa funeral sa EJS po? Yes... pati ung sa hospital at memorial park at lahat na expenses incurred sa property. Pero ung ibang gastusin sa libing ay sa abuloy kinuha. Hindi kasya ang abuloy para sa funeral service at memorial park kaya abonado ako.  Ung gastusin related to the property dapat magiging liabilities (utang) ng property at nagabono ako kaya kailangan bayaran out of the sale ng property.  Sale minus expenses equals gain that should be equally shared among heirs as I mentioned above to AngryBirds.  Kasi kaming siblings unang namatay si nanay at binalak ding ibenta ni tatay ang property but was in vain because only half of it belongs to tatay, and the other half ay inheritance na namin from nanay at hindi mabenta benta ni tatay the whole property kasi nga l/2 lang ang kanya. Ung EJS namin kasi was to sell the property and all expenses as specified will be subtracted from the sale price and the remaining proceeds will be equally shared among us siblings. Kapag may improvement sa lote (house and lot), you cannot subdivide it equally, kasi madadamage ung improvement.  Ung tatay ko (7 siblings) may namanang property (exclusive property ng lola ko) kaya walang karapatan ung lolo ko duon.  Ibang siblings gusto ibenta, ung iba gusto property pero matatamaan ung bahay.  Kaya ginawa nila, pinasubdivide equally ung lupa. Ung may lupa na kung saan nakatayo ung bahay, ay binayaran niya ang bahay at ung ibang bahagi ng lupa na tinitirikan ng bahay that belong to other siblings ay binili din niya.  Ung halaga ng bahay ay equally shared ng 7 siblings.  So sa EJS ay puede ninyong pagkasunduan ang nagugustuhan ninyo, at walang intervention ang korte sa pinagkasunduan ninyo.  Search mo ang Rule 73 and 74 ng Rules of Court regarding EJS at Judicial Settlement at Civil Code tungkol sa heirs succession at Family Code tungkol sa property, inclusive, community or conjugal ito.  Wish you amicably and lovingly settle your problem.  Good luck!

View user profile

7 Re: Mababawi ko pa po ba? Today at 12:41 am

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum