Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

help po about sa ancestral land

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 help po about sa ancestral land on Sat Feb 07, 2015 9:02 pm

emghe87


Arresto Menor
Ang bahay at lupa na kainatitirikan namin ay sa aming lolo at lola..ang aking ina ay bunso sa kanilang anak(kasalukuyan 3 nalang ang nabubuhay)..may kalakihan ang bahay ng lolo at lola ko kasya 2 o 3 pamilya.dinivide(divide) ito kasi ung tyuhin ko matandang binata tumitira sa lola ko o ina nya sa kabilang division at kami naman magkapamilya sa kabila ng bahay.ung ibang kapatid ng mama ko pala may kanya kanya ng pamilya at lupat bahay.. more than 50yrs old na ang tyuhin ko ng magka-asawa ito pero actually hindi itong babae ang niligawan nya..ung napangasawa nya ang lapit ng lapit sa tito ko kaya umo-o(oo or opo) nalang ang tito ko..ng panahon na yun mga year1998 ata yun ang panahon na nabenta ang ekta-ektaryang lupain ng lolo at lola ko at syempre may partihan ang mga anak nila (mga tito at tito ko, kasama na mama ko) ung lupa pala na kinatitirikan namin ay may assosasyon na humahawak( urban poor association) at dito buwan buwan o taon taon nagbabayad ang myembro ng asosasyon..halos nakabayad na ng sobra kalahati ang lola ko bilang may-ari ng lote..tapos nung namatay ang lola ko ang tyuhin ko na ang nagpatuloy magbayad..namatay din ang tyuhin ko(taong 2000) mga 2 taon after magpakasal(meron silang 1 anak na babae).. ang siste kinuha lahat ng pera ng tyuhin ko ng asawa nya pati pera ng lola ko (pero wala kami ebidenxa)..binayaran nya lahat ang lupa para makuha ang titulo..ngayon nakapangalan na sa tyahin in law namin ang titulo ng lupa sa bahay na kinatatayuan namin.at yung tyahin in law ko nasa australia na ngayon kasi nakapangasawa ng australiano na naging ka-chat nya(syempre malaking isda) kasalukuyan nakatira ngayon sa kabila ang KaPaTid ng tyahin in law ko at ngayon sila na ang nagmamagaling kasi daw nasa ate nya ang titulo ng lupa..ang bahay ay sa aking lolo at lola pa..una kaming nakatira dito kaysa sa kanila more than 55 years na ang mama ko dito ako naman 28 years na..nagkagirian ngayon ang mama ko at kapatid ng tyahin in law namin..natatakot kami sa pwede nilang gawin..masakit sa amin na kami na nagtagal na nakatira dito at mama ko bilang first blood ng pamilya ay pwede nalang ipatapon o palayasin..mayron po ba kaming laban? kung ipapakaso nila kami? para sa akin opportunista ang tyahin in law namin kasi una palang hindi xa niligawan xa ang lapit ng lapit sa tyuhin ko kasi ng panahon na un maraming pera ang tyuhin ko..pagkamatay ng tyuhin ko palipat lipat ng bahay ang tyahin in law ko kasi kapag may property ang boss nya( kasi nagtatrabaho din xa) halimbawa bagong building o bagong tayong negosyo na may lugar na tirahan) doon xa pinatitira..duda namin kabit xa ng boss nya kasi napakalaki ng importanxa ang pinapakita ng boss nya sa kanya, ngayon nasa australia na xa, nakapangasawa ng k-chat na australiano na ubod ng yaman.. i need advise sa pwede naming gawin mas mabuti na yung handa..sa kasalukuyan mahirap po kami wala kaming kakayanan o salapi...mahirap maging mahirap talaga may habol po ba kami sa titulo kasi ung lola ko naman ang nagbayad ng kalahati? ? i desperately need your advices.. thank you po

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum