Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Good day! please help me. (middle name. illegitimate.)

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

myxk0h2325


Arresto Menor
good day! may katanungan po sana ako na gusto ko po magkaroon ng linaw. tungkol po sa birth certificate ko. wala po kasi akong father na nakalagay pero meron po akong ginagamit na middle name, bale surname and middle name ko po na gamit ay yung sa mama ko. sa birth certificate po ng mga anak ko, sa marriage contract, sa driver's license, sa rehistro po ng motor ko and other properties (receipts etc.), sa diploma ko at sa tor po. as in lahat po ng legal documents e gamit ko po yung name ko mula po noon. sa philhealth , pagibig at sss po yun din nkalagay. i just found out na di po pala dapat ganun nitong nag aapply po ako ng i.d. sa sss. almost 4 years na po ako naghuhulog sa sss,pagibig at philhealth. last week po e nag apply nga ako para sa i.d. pero sabi po dun ay di raw po pwede ang birth certificate ko dhil illegitimate po ako. john marty maico bardos po ang nakalagay na dapat po e wala yung maico dahil wala nga po ako father na nakalagay sa birth certificate. sabi po sa akin nung staff e kelangan ko po pumunta ng city hall para ipabago. ang iniisip ko po e pag nangyari po yun lahat po ng papeles ko kelangan ayusin. pwede po kaya ito na bigyan ng power of attorney para po yun pa rin po ang gagamitin kong pangalan? sana po ay masagot nyo ang aking katanungan at mabigyan ako ng advice. thank you po and more power.
- John Marty Maico Bardos

View user profile

centro


Reclusion Perpetua
Ang birth certificate mo ba ay naka NSO security paper na?
Anong name ang nakasulat at anong name ang kasalukuyang nakalagay sa SSS mo?
Clarify ko na rin, Bardos is mother's surname? John is given 1st name at Marty is given 2nd name? Ano ang Maico?

View user profile

myxk0h2325


Arresto Menor
yes po. NSO na po siya. nasa sss ko po ay John Marty Maico Bardos.
John Marty = given name po
Maico = Middle name po ng mother ko na dapat daw po wala dahil wala po akong father n nakalagay sa birth certificate.
Bardos = Surname po ng mother ko.
bale ang sabi po sakin sa SSS dapat daw po ang nakalagay lang sa birth certificate ko ay John Marty Bardos. wala daw po dapat ako middle name.

View user profile

myxk0h2325


Arresto Menor
bale po ang gusto ko po malaman ay kung pwede po ba ito mabigyan ng power of attorney na nagsasaad po na pwede ko sya magamit ng tuluyan?
iniisip ko po kasi na kung tatanggalin ang middle name ko po sa birth certificate ay napakarami ko po kelangang baguhin na papeles. pati po ata school records (TOR etc.) kelangan baguhin dahil may middle name po ako dun.

View user profile

centro


Reclusion Perpetua
Your situation.  You are an SSS member using your popular name.  However when you applied for an SSS Unified Multi Purpose ID which requires a birth certificate in security paper, they detected the discrepancy. They did not process your ID.

My opinion.
1. Changing your birth certificate requires several processes at the office of civil registry.  Removing a middle name goes through a court petition.  Matagal po ito.  After you get a corrected NSO authenticated BC, you can work on correcting the names of other IDs providing these institutions with the corrected BC and an affidavit.
2. Why not try applying again for an SSS using your current birth certificate and providing them with 2 secondary documents.  https://www.sss.gov.ph/sss/DownloadContent?fileName=SSSForms_Change_Request.pdf.  if it does not work, since SSS lang naman ang may issue sa BC mo for now, huwag ka munang kumuha ng ID.  Recognized member ka pa naman as John Marty Maico Bardos.
3. To further strengthen your identification based on current status, try mo rin kumuha ng digitized Philpost ID, Comelec ID and even Philippine passport and NBI clearance.  Anyway may BC ka na in security paper. Pag official IDs ang mga ito.

Hindi sa tingin ko applicable ang special power of attorney dito.  Pag gusto mong ipasabi na si John Marty Maico Bardos at si John Marty Bardos na ipinanganak noong xx, xxx, xxxx sa xxx, xxx ay iisa, Affidavit of Disperancy of Name or Affidavit of Disinterested Parties (with 2 witnesses) ang legal document na gagamitin.

Advice lang po ito.  Update mo ang forum on what happened.  Hope this helps.



Last edited by centro on Thu Feb 12, 2015 3:41 pm; edited 2 times in total

View user profile

myxk0h2325


Arresto Menor
so gagamitin ko pa din po yung john marty maico bardos sa postID , ComelecID and sa passport? hmm ... pinagtataka ko lng po kasi tlga dun sa SSS, may problema pala sa birth certificate ko e bakit di pa nila sinabi nung nagparegister pa lng ako sa knila almost 4 years ago? and bakit po sa drivers license,philhealth and pagibig di nmn po nakwestiyon at binigyan ako ng ID?

View user profile

centro


Reclusion Perpetua
myxk0h2325 wrote:so gagamitin ko pa din po yung john marty maico bardos sa postID , ComelecID and sa passport? hmm ... pinagtataka ko lng po kasi tlga dun sa SSS, may problema pala sa birth certificate ko e bakit di pa nila sinabi nung nagparegister pa lng ako sa knila almost 4 years ago? and bakit po sa drivers license,philhealth and pagibig di nmn po nakwestiyon at binigyan ako ng ID?

Di pa sila strict noon.  Dahil digitized na ang ID na ang primary basis ay Birth Certificate from NSO.  Ganyan na rin sa DFA for Philippine Passport, NBI clearance at Philpost for Postal ID.  Sa school NSO authenticated na rin ang kailangan. For now, consistent pa rin ang official identity mo. Name in NSO authenticated birth certificate is same as what you have for important institutions and documents like marriage contract, LTO, PAGIBIG, PhilHealth etc.

Inuulit ko, pag change in name beyond typographical error sa Office of Civil Registrar, court petition ang kailangan with various requirements.



Last edited by centro on Thu Feb 12, 2015 6:52 pm; edited 1 time in total

View user profile

myxk0h2325


Arresto Menor
hmm ... so meaning po na kelangan ko po talaga ipatanggal yung MAICO kahit magpagawa po ako nang Affidavit of Disperancy of Name or Affidavit of Disinterested Parties? may magiging involve po bang pera or malaki po ba ang magagastos pag nagpagawa ako ng affidavit?

View user profile

Kitlawrence


Arresto Menor
Hello atty,
wala po ba problema pagkuha ng passport
Kahit wala middle name? May nababasa po kasi ako
Nagkakaproblem sila sa pagkuha ng passport dahil
wala sila middle name. Pls advice

Kit

View user profile

freyalicious


Arresto Menor
hello kit,

wala din ako middlename pero nakakuha ako kaagad ng passport as long na complete docs mo

View user profile

Kitlawrence


Arresto Menor
Thank u po sa advice.. Nawala ang worry ko 😊

View user profile

centro


Reclusion Perpetua
Kitlawrence wrote:Hello atty,
wala po ba problema pagkuha ng passport
Kahit wala middle name? May nababasa po kasi ako
Nagkakaproblem sila sa pagkuha ng passport dahil
wala sila middle name. Pls advice

Kit

The law recognizes no middle name for illegitimate children using the surname of the mother.
Kailangan consistent lang ang paggamit. Walang middle name sa Certificate of Live Birth, school records, government institution etc. Provided you show DFA an NSO certified BC, wala dapat problema, Your passport will also show no middle name.

View user profile

grace Romero


Arresto Menor
good morning po.. ako po so MARY GRACE ROMERO at may tanong po ako about sa NSO BC ko, illigetimate child po ako, kaya wala akong middle name at surname ko ang sa mama ko..ngunit sa NSO BC ko nandoon naman ang papa ko at may 2nd page na may affidavit of paternity po... mula elementary to college lahat Nang records ko ay walang middle name at Hindi Kay papa na surname and dinadala ko...ang tanong ko po ay, Hindi ba affected pag kukuha na ako ng board exams kahit wala akong middle name?? or pag kukuha ako Nang passport....?? ayaw ko na sanang palitan ang surname ko kahit na acknowledged pa ako Nang papa ko....

kaylangan ko po Nang payo nyo..maraming salamat..

View user profile

Jemstone


Arresto Menor
Ano na po update dito same situation here hndi ko alam paano ayusin may middle name sa BC ko,, pero illegitimate ako,

View user profile

centro


Reclusion Perpetua
grace Romero wrote:good morning po.. ako po so MARY GRACE ROMERO at may tanong po ako about sa NSO BC ko, illigetimate child po ako, kaya wala akong middle name at surname ko ang sa mama ko..ngunit sa NSO BC ko nandoon naman ang papa ko at may 2nd page na may affidavit of paternity po... mula elementary to college lahat Nang records ko ay walang middle name at Hindi Kay papa na surname and dinadala ko...ang tanong ko po ay, Hindi ba affected pag kukuha na ako ng board exams kahit wala akong middle name?? or pag kukuha ako Nang passport....?? ayaw ko na sanang palitan ang surname ko kahit na acknowledged pa ako Nang papa ko....

kaylangan ko po Nang payo nyo..maraming salamat..

Changing your birth certificate requires several processes at the office of civil registry. Removing a middle name goes through a court petition. Matagal po ito. After you get a corrected NSO authenticated BC, you can work on correcting the names of other IDs providing these institutions with the corrected BC and an affidavit.

You have two approaches.
1. Stick with your NSO certified BC which is official and work on the changes on the other documents. With a BC, this is an easier task. Subukan mo munang magtanong sa isang school. Then SSS, LTO kung driving, PhilHealth, postal ID, PAGIBIG, baptismal certificate etc. Pag passport, NSO certified BC ang recognized.

2. File a petition in court to remove the middle name.

With your father's name, your mother can ask for support. You will be recognized in the inheritance.

View user profile

centro


Reclusion Perpetua
Jemstone wrote:Ano na po update dito same situation here hndi ko alam paano ayusin may middle name sa BC ko,, pero illegitimate ako,

NSO certified ba ang birth certificate mo?
May recognition of paternity ba sa birth certificate?
Ano ang gusto mo, dala ang last name ng mother or ng father?

View user profile

Jemstone


Arresto Menor
hello sir centro ang Problema ko naman po eh ganito,, Sa Birth Certtificate ko meron ko,,.. Jem R. Santos nklagay middle initial.. Hindi naman ako na acknowledge ng tatay ko,,, lately ko lang din nlaman un ganito nun nagaayos ako ng mga ID.. dapat wala ako middle name .. Sa SSS tinangal nila middle name ko,,siguro po sa tradisyon dati kaya nlagayan ng middle initial un birth certificate ko,, ang problema ko ngayon eh,, lht ng documents ko kht diploma meron na yan middle initial na R. . Ano po ba dapat ko gawin.. Lumalabas kasi na kapatid ko mama. Ano po proseso ng ganito.. Balak ko po kasi kumuha ng passport.. Matagal po ba talaga mag patangal mg middle name? Db po yan nman ang tama gawin kapag hndi ka acknowledge ng tatay... Dpt surname lang ng nanay ang gamit at blank ang middle name. Paano po dpt gawin? Salamat po

View user profile

Jemstone


Arresto Menor
Sir centro bali po gamit ko Middle name ng mama ko at lastname nia mula elentary hangang college.illegitimate ako na hndi acknowledge ng tatay ko,,. Sa NSO BC ko,, nklagay eh Jem R. santos Middle initial tlga . Ano po dpt ko gawin,, dapat po tlag ipa tangal ko middle name ko? Hndi ko din alam bkt meron nklagay na middle initial sa BC ko,, kng alam ko lang sana noon.. Eh hndi ko na gnmit middle name ng mama ko,,

View user profile

Jemstone


Arresto Menor
Sana atty. matulungan nyo ako dahil hndi ko alam ano una ko asyusin dito.. Pumunta ako sa NSO ang sagot lang sakin,, optional pwde daw hndi ko gamitin o gamitin,, sa higpit ng DFa ngayon at SSS . Sinusunod lang nila ang batas n dpt wala middle name ang illegitimate child,,na hndi acknowledge ng tatay,, patay ndin kc tatay ko at nbalitaan ko nlg na patay na, ano po proceso na dpt gawin sa sitwasyon ko, mukhang mihihirapan ako,,kong ipapatangal ko middle name ko pero un po kasi ang tingin ko na tama,,salamat po sa sagot niyo,, hintayin ko po,

View user profile

centro


Reclusion Perpetua
Jemstone wrote:hello sir centro ang Problema ko naman po eh ganito,, Sa Birth Certtificate ko meron ko,,.. Jem R. Santos nklagay middle initial.. Hindi naman ako na acknowledge ng tatay ko,,, lately ko lang din nlaman un ganito nun nagaayos ako ng mga ID.. dapat wala ako middle name .. Sa SSS tinangal nila middle name ko,,siguro po sa tradisyon dati kaya nlagayan ng middle initial un birth certificate ko,, ang problema ko ngayon eh,, lht ng documents ko kht diploma meron na yan middle initial na R. . Ano po ba dapat ko gawin.. Lumalabas kasi na kapatid ko mama. Ano po proseso ng ganito.. Balak ko po kasi kumuha ng passport.. Matagal po ba talaga mag patangal mg middle name? Db po yan nman ang tama gawin kapag hndi ka acknowledge ng tatay... Dpt surname lang ng nanay ang gamit at blank ang middle name. Paano po dpt gawin? Salamat po

Ayon sa added info mo, ang tama sa pananaw ko ay first name, walang middle initial (ni nanay), last name ni nanay vs. sa kasalakuyan na first name, middle initial ni nanay at last name ni nanay. Para matama, balik dapat sa Office of Civil Registry. Magtanong kung ano ang proceso sa pagtanggal ng middle initial. Maaaring dapat mag file sa korte na matagal o clerical error. May mga help desk sila na maaaring assist sa iyo. Pag naayos sa Office of Civil Registry, kailangan maupdate ang record ng NSO para sa malinis ng birth certificate in security paper. Medyo matagal din ang paghihintay from NSO after correction ng Office of Civil Registry.

View user profile

Jemstone


Arresto Menor
Opo atty. Jem R. Santos nasa BIrth certificate ko, dapat raw " Jem Santos " lang At matangal ang R. Na middle initial.. Salamat po sa sagot. Yun civil registry npo ba ang magpapasa ng correction sa NSO.

View user profile

centro


Reclusion Perpetua
Jemstone wrote:Opo atty.  Jem R. Santos nasa BIrth certificate ko, dapat raw " Jem Santos " lang At matangal ang R.  Na middle initial.. Salamat po sa sagot. Yun civil registry npo ba ang magpapasa ng correction sa NSO.
Yes the OCR ang magpapasa sa NSO pero aabot ng buwan. Maaari ding ikaw ang magmail ng documents ng OCR on their behalf para mapadali.

View user profile

Jemstone


Arresto Menor
Un middle intial ko po ba na R. Sa birth certificate ko clerical error lang po ba.. O may korte pa po, Yan napo kasi nagamit ko sa lht ng papers ko. Pwede din po ba tumawag sa nso kpg na process na ang papers ko.. At magupdate? Bihira po kasi un kaso na nagpapatangal ng middle name.. Meron po ako nabasa na post dito nagbayad daw ng 1800. Parehas kami ng problema..sa birth certificate. Salamat po.

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum