Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Dinaya na SPA ginamit para makagawa ng deed of sale...

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

Dex833


Arresto Menor
Mga sir ito po ang scenario ng aking case na idudulog...

Namatay na po ang tunay na may ari ng lupa na nakapangalan sa titulo, at meron syang 8 anak, ang mga anak na ito ay medyo illeterate, hindi gaano nakakaintindi ng tagalog at inglesh.
Gusto nilang ibenta ang nasabing lupa, at dahil nga sa illeterate sila, nagpatulong sila sa isang asawa ng pamangkon nila sa pamamagitan ng SPA.

Nakasaad sa SPA ay sa anumang transaction dalawa ang pipirma, ang pinakabatang anak ng tunay na may ari at ang pamangkin.

Ito ngayon ang problema, ang pamangkin ngayon ay gumawa ng panibagong SPA, na nagsasaad na sya lng ang pipirma sa lahat ng transaction. Ang masakit pa dito, dahil sa ileterate ang mga matatanda(mga anak ng tunay na may ari) ay nakapirma silasa pangalawang SPA. May mga transaction na nangyari dito, ngunit walang perang natanggap ang mga matatanda sa bilihan ng lupa.

Hindi alam ng mga matatanda na napabenta na pala ng pamangkin sa ibat ibang tao ang kanilang mga parte, pinangbakuran at yung iba tinayuan na ng bahay ng mga nakabili ang lupa ng mga matatanda.

Ito po ang katanungan ko, may habol pa po ba ang mga matatanda dahil cliniclaim nila na dinaya sila sa pagpirma sa pangalawang notaryo, hindi sila humarap sa notary, At hindi ipinaliwanag sa kanila ang laman nung pangalawang spa?

Puede bang magkaroon ng pangalawang s.p.a. Kung ang unang s.p.a. Ay hindi pa narerevoke?

May laban ba ang mga matatanda sa kaso kung sakaling ikakaso ito?

Last; ibenenta po sa akin ng mga matatanda ang isang lote, nung panahon na iyon di ko pa alam ang buong storya, nakapatayo po ako ng bahay ngunit di ko pa napapatapos, may nagclaim po sa lote na iyon, ang pinapakitang dokumento doon ay ang SPA at deed of sale na pirmado lamang ng pamangkin,

Tanong, anong habol ko duon gayong mas nauna ang kanyang deed of sale?
Gumadtos na ako sa bahay, anong mangyayari sa bahay? May karapatan ba akong ipagpatuloy iyon?

Hinihingian ko sila ng T.R.O. O court order, para ako tumigil sa aking bagpagawa ng bahay, tama ba yun?

Puede ko bang tulungan ang mga matatanda na magfile ng kaso para mapatunayan na nadaya sila sa paggawa ng pangalawang s.p.a ng sa gayon maging null and void ang deed of sale ng nakabili sa pamangkin?

Maraming salamat po, sana matugunan itong aking problema. Thanks....

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum