Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Underpaid & Unfair Contract Regularization Policy

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

sandbox


Arresto Menor
Graphic Designer ako dito sa company na ito simula Oct 2013 hanggang ngayon. Naregular ako pagkatapos ng 6 months contractual at 5 months probation at may sahod ako na 14,000. Nagdeclare ang sahod ko na ito mula sa ang bago naming Director of Admin. Nakalagay sa kontrata na under ako ng Banned 1 kaya yun ang sahod na makukuha ko. Napaisip ako, kasi hindi ito ang regular na sahod na inaasahan ko. Kung pagbabasehan ang ibang company para sa sahod aabot ng 16,000-20,000 ang regular sahod ng isang Graphic Designer na kagaya ko. Mula sa punto na ito hindi na ako umangal dahil may plano rin naman ako na mag-resign.

Lumipas ang buwan inabot na ako ng 2015 ng malaman kong mayroong mga bagong empleyado na kapareho lang ng Ban ko ang may mas malaki ang sahod kumpara sa akin, sa katunayan pareho kami ng estado ng isa kong kasamahan sa Graphics. Mangyari nalaman ko ito ng isa sa aking kasama sa trabaho na isang Web Developer ay nagresign dulot ng kababaan ng sahod. Naudyok din ako na magresign na rin talaga. Kaya pinatawag ako at ang aking isa pang Graphics na kasamahan ko na may balak na rin na magresign. Umabot na pati CEO ng kumpanya ay nakiusap sa amin. Dito rin inamin ni Director of Admin na mayroon siyang mga empleyado na pinasa ang 6 months regular policy, at hindi kami kasama sa bagong policy na iyon. Gusto ko lang na bago ako umalis sa kumpanya na ito na maiparating sa kanila ung hindi nila pantay na trato sa bago at lumang empleyado. AT ang mababang sahod nila sa akin at sa isa ko pang kasamahan.

Sana mayroong makatulong sa akin.

Salamat.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum