Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Is this legal? Should I comply?

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Is this legal? Should I comply? on Tue Mar 10, 2015 3:13 pm

jnsky08


Arresto Menor
last year, may nagalaw na pera yung misis ko sa hotel na pinagtatrabahuhan nya. the amount (according to her) was more or less 15 thousand. pero ang sabi ng hotel, the amount was 82 thousand. so na-inquest po misis ko. sa presinto, may pinirmahan sya waiver with the hotel na babayaran namin unti unti yung 82 thousand. wala pong nakalagay na kung magkano every month yung required naming bayaran and kung kailan po magstart. so nirelease nila misis ko with the agreement na babayaran namin unti unti. july nangyari yung incident. then, nung november 2, 2014, nagtext ako sa former manager ng misis ko asking for an account number on where I can deposit 10 thousand pesos. my plan was to deposit 10 thousand pesos every month para mabayaran namin paunti-unti yung 82 thousand. to my surprise, the manager replied and sabi daw nung may ari ng hotel, need ko daw magdeposit ng full amount. and, they said na 100k na daw yung dapat naming bayaran. 82 thousand plus lawyer's fee daw kaya naging 100 thousand. sinabi ko po sa kanila na wala akong ganun kalaki pera. nagmakaawa sa text na if pwede paunti-unti lang muna dahil iuutang ko din yung pambayad sa kanila. sabi nung manager inform nya daw yung mayari then she'll update me. so i waited.

now, march of 2015, nagtext ulit samin yung manager. ang sabi lalabas na daw anytime yung warrant ng misis ko kasi di pa namin nababayaran yung buong 100k. nakiusap kami na kung pede 30 thousan muna. ayaw talaga nila. litong-lito na kami, hindi ko alam kung san namin pupulutin yung 100k na hinihingi nila. sana po may makatulong sakin dito kung ano ang dapat kong gawin. balak ko sana humingi ng tulong sa PAO kaso baka hindi kami pansinin dahil maayos naman ang trabaho ko. buntis pa misis ko ngayon, ibang stress yung dala nitong panggigipit samin.

ang tanong ko po:
1. dapa ko bang bayaran yung 100k? or yung 82k lang ayon dun sa napagkasunduan at pinirmahan ng misis ko?
2. ganun po ka kabilis ang warrant of arrest kahit hindi kami na-inform na gusto na ng hotel na kasuhan ng tuluyan ng misis ko?
3. sapat po bang evidence yung text and palitan namin ng messages nung manager sa facebook? andun po kasi lahat and makikita dun na nageeffort naman ako na makipagusap sa hotel.
4. pwede ko po ba ilapit ang kaso ng misis ko sa PAO?

salamat po Crying or Very sad

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum