Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

child support to a cheating ex-wife

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 child support to a cheating ex-wife on Wed Mar 11, 2015 1:25 pm

imconfused55


Arresto Menor
Hi, I really need your advice. Meron po ako bf ngayon na may 2 anak sa ex-wife nya. Naghiwalay sila 5 yrs ago dahil sa panloloko ni ex-wife nya sa kanya. Nabuntis at kinasama ng ex-wife nya yung ninong ng anak nilang babae. Meron evidences si bf ng birth certificate nung anak nila ng lalaki ng ex-wife nya. Nagsampa na sya ng kasong adultery laban sa kanila ngunit ngsampa rin ng kaso yun ex-wife nya against my bf, violence against women daw pero walang sapat na ebidensya at puro gawa-gawa lamang nya. Hindi masyado naasikaso ng bf ko ang kaso dahil narin sa kakulangan ng pera kumpara sa ex-wife nya na may kaya ang pamilya. Ipinagkait pa ng ex-wife nya at ng pamilya nito na makasama nya ang mga anak nya. Nitong last Dec. 2014, nakipagkasundo sya sa ex-wife nya na iuurong nya nag kaso kung papayagan syang makita nya mga anak nya. Subalit ngayon ay nangugulo na ang babae at biglang nanghihingi ng sustento na 6k every month para sa 2 anak nila plus tuition fee sa pag aaral ng isang anak nya sa private which cost almost 50k. Hindi po kalakihan ang sahod ng bf ko at isa pa meron narin kaming anak na 1 yr old. Nakilala ko po sya after 3 yrs nung maghiwalay sila ng ex-wife nya. Ngayon, si ex-wife pa ang nagbabanta kay bf ko na ipapakulong daw at idadamay pa daw kami ng anak ko. Anu po ba ang pwede namin gawin hakbang? Wala po kaming sapat na pera para kumuha ng sarili naming abogado. Sana po mapayuhan nyo kami. Maraming salamat po.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum