Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Resignation Issues

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Resignation Issues on Thu Mar 12, 2015 9:03 pm

regicidedelferoz


Arresto Menor
Hello po,

Hingi lang po sana ako ng payo. Ako po ay isang Web Developer sa isang Web Development company. Dalawa lang kaming programmer, ako yung pinaka-senior na mag four years na sa September at yung isa ko namang kasamang programmer mag two years palang sa April. Nagbigay na po kasi ako ng resignation letter noong February 25 na nakalagay na simula February 25 magsisimula na yung 1 month ko para mag-turn over ng mga pending projects ko. Natanggap na kasi ako sa bago kong trabaho at magsisimula na ako sa March 25. Nakapirma na din ako.

Ang problema, sabi sakin ng TL ko bakit daw agad ako pumirma sa bago kong work na hindi ko pa daw alam kung papayagan akong magresign dahil nga may mga pending projects pa ako. Nung una ang gusto nilang mangyari i-extend ko ang pag-stay ko sa kanila hanggang matapos yung 2 projects ko ngayon at mga maa-approve pang mga projects ng march. Sabi ko hindi pwede dahil baka bitawan na ako nung bago kong company dahil baka isipin pa-importante ako, sabi naman nila mas kabahan daw ako kapag di ko tinapos mga projects ko kasi hindi nila ako iki-clear at di din ako tatanggapin sa bago kong work. Sabi ko kailangang kailangan ko nang lumipat dahil kailangan ko ng pera. Tapos kanina ang naging desisyon, lilipat ako pero pipirma ako sa isang contract na tinatawag nilang "sub-contract" na kahit nasa ibang company na ako gagawin ko pa din yung mga projects nila though babayaran pa din nila ako. Ang problema doon mawawalan na ako ng time para gawin yun dahil full time ako sa bago kong work.

Hingi lang po ako ng advice kung tama po ba yung ginagawa nila kasi nabasa ko dapat 30 days lang ang pag-turn over ng isang empleyado na magreresign.

Karagdagang impormasyon din po, natapos na po noong September 2013 yung napirmahan kong kontrata sa kanila.



Maraming maraming salamat po sa mga magbibigay ng opinyon.

More Power!

View user profile

2 Re: Resignation Issues on Fri Mar 13, 2015 4:08 am

council


Reclusion Perpetua
ilang araw ba ang kailangan na notice period pag nag resign ka sa kumpanya? ano ang nakalagay sa kontrata mo?

Kung natapos na noong Sep 2013 ang kontrata mo sa kanila, bakit ka pa nag-trabaho sa kanila pagkatapos nun?

View user profile http://www.councilviews.com

3 Re: Resignation Issues on Fri Mar 13, 2015 6:13 am

regicidedelferoz


Arresto Menor
salamat po sa pagreply.

lahat po ng umaalis sa company na to 30 days po ang binibigay para po makapag turn over.

kaya po ako nagta-trabaho pa din sa kanila kasi po regular na daw ako hindi na kelangan ire-new pa mga kontrata. yun ang tinatawag nilang "open contract", yan po sabi sakin ng immediate supervisor ko nung tinanong ko kung ano na mangyayari sakin kapag natapos na ang kontrata ko.

View user profile

4 Re: Resignation Issues on Fri Mar 13, 2015 7:12 am

council


Reclusion Perpetua
regicidedelferoz wrote:salamat po sa pagreply.

lahat po ng umaalis sa company na to 30 days po ang binibigay para po makapag turn over.

kaya po ako nagta-trabaho pa din sa kanila kasi po regular na daw ako hindi na kelangan ire-new pa mga kontrata. yun ang tinatawag nilang "open contract", yan po sabi sakin ng immediate supervisor ko nung tinanong ko kung ano na mangyayari sakin kapag natapos na ang kontrata ko.

Was that a probationary employment contract or for a fixed period (with a start and end date)?

View user profile http://www.councilviews.com

5 Re: Resignation Issues on Fri Mar 13, 2015 11:09 am

regicidedelferoz


Arresto Menor
may start at end po eh,. ang start po ay yung unang araw ko sa work,. at ang end date po ay 2 years pagkatapos ng first day ko,. bale september 26, 2011 - september 26 2013 po sya,.

View user profile

6 Re: Resignation Issues on Fri Mar 13, 2015 11:15 am

council


Reclusion Perpetua
regicidedelferoz wrote:may start at end po eh,. ang start po ay yung unang araw ko sa work,. at ang end date po ay 2 years pagkatapos ng first day ko,. bale september 26, 2011 - september 26 2013 po sya,.

Project-based yan so automatic tapos na yan sa takdang petsa pwera na lang kung i-extend at merong kasulatan.

Parang hindi pwede ang sinasabing "open contract" dahil merong takdang panahon lang para sa trabaho mo.

Wala kang katibayan na empleyado ka nila ngayon.

View user profile http://www.councilviews.com

7 Re: Resignation Issues on Fri Mar 13, 2015 11:30 am

regicidedelferoz


Arresto Menor
so ano po kaya ang pwede kong sabihin laban sa kanila kung pilitin po nila akong mag extend? tapos ayun po yung bagong pinapapirma sakin na sub-contract para gawin lahat ng pending projects at upcoming projects ko kahit wala na ako dito?

maraming salamat po

View user profile

8 Re: Resignation Issues on Fri Mar 13, 2015 11:41 am

council


Reclusion Perpetua
regicidedelferoz wrote:so ano po kaya ang pwede kong sabihin laban sa kanila kung pilitin po nila akong mag extend? tapos ayun po yung bagong pinapapirma sakin na sub-contract para gawin lahat ng pending projects at upcoming projects ko kahit wala na ako dito?

maraming salamat po

nagbigay ka na ng tamang notice so pwede ka nang umalis dapat.

at ipilit mo na wala kang kontrata sa kanila dahil natapos na iyon nung 2013.

View user profile http://www.councilviews.com

9 Re: Resignation Issues on Fri Mar 13, 2015 12:30 pm

regicidedelferoz


Arresto Menor
sige po maraming salamat po,. mag post po ulit ako dito kung ano ang magiging reaksyon nila,. maraming salamat po ulit! God Bless!

View user profile

10 Re: Resignation Issues on Fri Mar 13, 2015 1:41 pm

regicidedelferoz


Arresto Menor
isa pa po palang tanong sir,. pano kung di nila ako bigyan ng COE? may laban po ba ako? kasi po diba wala na din ako kontrata sa kanila kasi natapos na nung 2013?

View user profile

11 Re: Resignation Issues Today at 2:02 am

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum