Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Salary Deduction - Attendance / Tardiness

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Salary Deduction - Attendance / Tardiness on Fri Mar 13, 2015 10:38 am

JonT


Arresto Menor
Magtanong lang po ako sa mga expert kung pwede ba ang salary deduction katulad ng example ko sa ibaba.  May ipapatupad kasi ng bagong patakaran sa kumpanya namin, di namin alam kung legal ba o hindi.  Bka naman agrabyado kami mga empleyado sa gagawin bagong policy sa attendance.

Salary Deduction (Monthly *12/261) = (X) amount of minutes deducted per cutoff period

Below 14 minutes = 30 minutes tardiness
15 minutes = 1 hour tardiness
30 minutes = 1.5 hours tardiness
45 minutes = 2 hours tardiness
60 minutes = 2.5 hours tardiness
75 minutes and so on....

Sana po matulungan nyo kami sa sagot.

View user profile

2 Re: Salary Deduction - Attendance / Tardiness on Fri Mar 13, 2015 10:41 am

council


Reclusion Perpetua
Kung pumirma kayo, at sumang-ayon, pwedeng ipatupad yan.

Pwede din naman isipin na ito'y paraan para siguraduhin na pumasok kayo ng maaga.

View user profile http://www.councilviews.com

3 Re: Salary Deduction - Attendance / Tardiness on Fri Mar 13, 2015 11:27 am

JonT


Arresto Menor
Maraming salamat sa inyo. Sa ngayon, hindi pa po kami napirma ng kahit anong kasunduan. Hindi pa naipapatupad and bagong policy.

So, wala naman po bang ilegal silang gagawin sa amin kapag kami ay pumirma sa kasunduan?
Dapat po ba na isangguni muna namin ito sa DOLE?
May karapatan po ba kami na hindi sumangayon sa gagawing pagbabago?

Maraming salamat po ulit.

View user profile

4 Re: Salary Deduction - Attendance / Tardiness on Tue Mar 17, 2015 9:45 am

JonT


Arresto Menor
Anybody? comment?

View user profile

5 Re: Salary Deduction - Attendance / Tardiness on Thu Mar 19, 2015 12:07 am

thepoetsedge


Reclusion Perpetua
Do not sign anything yet kung di kayo sigurado sa epekto ng mga terms and conditions na nakasaad sa bagong patakaran nyo, kasi ang katumbas ng pirmahan ay ang inyong pagsang-ayon sa mga bagong patakaran na ipapatupad ng kumpanya nyo.

Kung sa tingin nyo ay di makatarungan yung bagong patakaran, humingi kayo ng advice sa nearest DOLE center sa inyo sa mga help desks nila. Alternatively, pwede rin kayong pumunta sa PAO (Public Attorney's Office) para kumunsulta kung ano ang nararapat gawin.

Ang magandang gawin ay ikumpara yung mga dating patakaran sa bagong gustong ipatupad ng kumpanya nyo na patakaran at tingnan kung bakit iniiba ang mga yun. Magtanong din kayo sa legal department ng kumpanya nyo (kung meron man) or HR kung meron ba silang mabibigay na payo regarding sa sitwasyon nyo. Kung wala talaga, DOLE and PAO ang best places na humingi ng tulong kung nararamdaman nyo na nilalamangan na kayo ng employer nyo sa mga bagong patakaran.

At its face, mukhang tama lang naman yung salary deduction rules na yun, sabi nga ni Sir Council. Parang reinforcement rules lang ito para maiwasan ang tardiness and absenteeism. Nasa kapangyarihan naman ng isang kumpanya ang gumawa ng mga rules and regulations para sa ikabubuti ng kumpanya, basta't di ito lantaran na lumalabag sa mga batas ng labor at iba pa.

Good luck sa sitwasyon nyo, at sana magkasundo ang parehong panig through compromise... afro

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum