Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

ACTION NEED TO DO / pls need advice

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 ACTION NEED TO DO / pls need advice on Sat Mar 14, 2015 11:25 am

cydoffury


Arresto Menor
good morning!

may tanong po ako, nagfile po kasi ang ex wife ko para sa sustento ng bata. may napag usapan narin po kami regarding sa amount na dapat ko ibigay, since maliit lang ang sinsahod ko hindi ko po maibigay ngayon ang napagkasunduan naming amount dahil may binabayaran po akong bahay 2200 ang upa/ motor for service 2800/kuryente at tubig 650. pero sabi ko nman sa ex wife ko na magbibigay parin nman ako kahit mga panggastos ng bata or pagkain sa araw araw. ngayon po ang problema ayaw niya pumayag kapag hindi ko daw tinupad ang amount na yun sa kulungan nlng daw po ako..
tanong ko lang po ano po ba pwede kong maging laban doon? since hindi ko naman papabayaan sa sustento ang bata? at may halong pananakot pa siya? eh ang sabi rin nman nang atty sa ex wife ko kahit na may napagkasunduan kami sa presyo na dapat kong ibigay eh nasa sa akin parin daw kung magkano lang tlga ang kaya kong ibigay. pwede po ba advice at kung anp dapat ko gawin? maraming salamat po sa sasagot.pwede rin ba ako magfile na sa akin nalang ang custody ng bata???

View user profile

2 Re: ACTION NEED TO DO / pls need advice on Tue Mar 17, 2015 8:31 am

Katrina288


Reclusion Perpetua
Hi,

Under the family code, child support covers living, educational and medical expenses of the child. The amount of child support depends on the necessities of the child and the capacity of the father to provide support.

Ilang taon na ba ang anak ninyo? Magkano sahod mo sa kada buwan?

Ilang taon na ba ang anak ninyo? Legal ba kayong hiwalay ng asawa mo?

Regards,
Atty. Katrina

View user profile http://www.kgmlegal.ph

3 Re: ACTION NEED TO DO / pls need advice on Thu Mar 19, 2015 10:39 am

cydoffury


Arresto Menor
sinasahod ko po is 11k and hindi rin po ako regular..8yrs old na po anak namin..and hindi po kami legal na hiwalay. hindi narin po kami nagsasama sa iisang bahay about 4yrs now. atty. is it possible na sa akin nalang ang custody nang bata? ano po ba pwede kong gawin?.. and isa pa ano po ba pwede kong gawin sa mga pananakot nia? like itataas daw niya sa korte kapag di ako nagpadala or tumupad sa usapan and papatulfo niya raw ako. eh malinaw nman po na gusto nilang malaman kung magsusustento ako. sagot ko sa kanila hindi ko nman kinalimutan responsobilidad ko sa bata. hindi bale sana kung hindi ako nagsusustento pwede niyo itaas sa korte yun. tama po ba atty.? when we face each other sa pao malinaw naman na sinabi kung magkano lang maibigay ko wala na syang mgagawa dahil sa liit ng sahod ko and may other expenses rin ako. ano po ba gagawin ko atty.?

View user profile

4 Re: ACTION NEED TO DO / pls need advice on Mon Mar 23, 2015 2:00 pm

Katrina288


Reclusion Perpetua
Thanks for the additional information.

Yes, I understand that you also have your personal expenses that you have to think about. Under the Philippine law, hindi naman kailangan na ibigay mo lahat ng isinasahod mo para sa anak mo.

Magkano ba ang hinihingi sa iyo na sustento ng asawa mo?

Kailangan na magbigay ka rin ng suporta para sa anak ninyo.

Pwede mo naman sabihin na ikaw na mag-aalaga ng anak ninyo kung pumayag ang asawa mo at kung mas bubuti ang buhay ng anak mo kung ikaw mag-aalaga at magpapalaki.

Under the Philippine law, pwede naman na sa halip na magbigay ka ng suporta ay ikaw na lang mag-aruga sa bata. Pero siyempre, kung payag naman ang asawa mo. Kung ayaw niya, baka makarating kayong dalawa sa korte.

View user profile http://www.kgmlegal.ph

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum