Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

financial support sa mother?

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 financial support sa mother? on Mon Mar 30, 2015 1:47 pm

roniecristobal


Arresto Menor
pwede po bang humingi ng financial support sa mother. ako po ang nag aalaga gumagastos sa pangangailangan ng 2 kong anak. pero gusto nya kunin sakin pero d ko ibinibigay. pwede ba akong humingi ng financial support sa kanya 9 at 13 years old ang mga anak namin ang mother nila ay nasa canada. pwede ba ako humingi ng financial support sa mother nila? nag hiwalay kami merong kasunduan pero d nya ginagawa yon.. pwede ba akong monthly humingi ng support kahit konti lng?

need advice here thanx...

View user profile

2 Re: financial support sa mother? on Wed Apr 01, 2015 7:57 am

Katrina288


Reclusion Perpetua
Yes, pwede lang humingi ng financial support para sa mga anak mo kasi dapat naman ay hati ang mga magulang sa gastusin sa mga bata. Ang child support ay para sa living, educational at medical expenses. Ang halaga ng child support ay depende sa pangangailangan ng mga bata at sa kakayahan ng magulang na magbigay ng suporta.

View user profile http://www.kgmlegal.ph

3 Re: financial support sa mother? on Wed Sep 02, 2015 12:48 pm

roniecristobal


Arresto Menor
pwede pla... san po ako lalapit na ahensya ng gobyerno pra maipaalam sa dati kong asawa ang kanya ng responsibilidad na hindi nya nagagawa sa mga anak nya? pra malaman nya na legal sa batas na mag bigay ng tulong buwan buwan pra sa mga anak nya!

View user profile

4 Re: financial support sa mother? on Thu Sep 10, 2015 9:48 am

Katrina288


Reclusion Perpetua
Padalhan mo muna siya ng demand letter. Ang demand letter ay nagsasaad na kailangan niyang magbigay ng financial support sa mga bata bilang magulang, etc. Pero kailangan alamin mo muna kung magkano ang nagagastos mo sa mga bata.

Ang financial support ay para sa:

1. living expenses (food, shelter, clothing, vitamins, personal hygiene, etc.)
2. educational expenses (tuition fee, school supplies, uniform, educational tours, school service, transportation, school allowance, etc.)
3. medical expenses (if any).

Pagna-compute mo na yan, dapat 'yong kalahati ay share ng ina.

Basta may trabaho din siya, pwede mo siya singilin. Kung wala siyang trabaho, pwede kang humingi ng support mula sa magulang ng ina (grandparents ng mga anak mo).

Pwedeng ikaw ang gumawa ng demand letter o ipagawa mo sa abogado kung gusto mong may pirma ng abogado.

Regards,

Atty. Katrina

View user profile http://www.kgmlegal.ph

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum