Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Hit and run

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Hit and run on Mon Apr 06, 2015 7:40 pm

cesan08


Arresto Menor
Good pm po... Tanong ko lang po, yung asawa ko nagmamaneho ng motor para sunduin ako, on his way, biglang nagkasagian sila ng isang tricycle, at tumalsik ang asawa ko sa pader at nagkaroon ng ilang sugat, gasgas at body pain. Hindi siya tinulungan nung nakasagian nya, imbes na tumulong ay inuna nya pa ihatid yung pasahero. May taong naawa at tumulong sa asawa ko, itinayo nya ang asawa ko pati ang motor. Pagbalik ng tricycle galing sa pagkakahatid sa pasahero, nakita nyang may tumutulong sa asawa ko at tinitigan lang nyan ito. Binanggit nila sa driver na nasagi nya ang asawa ko pero ang sagot ng driver ay kasalanan daw ng asawa ko... Sabay alis at di  na bumalik pa... Sa baranggay dinala ang asawa ko nung tumulong sa kanya.. At doon nagpablotter ito laban sa nakasagiang tricycle. Nung araw ding iyon ay Pinatawag ang driver ng tricycle na bumabyahe pa din sa terminal nila kahit nakaaksidente siya at ayaw nyang aminin na may kasalanan siya, asawa ko ang tinuturo niyang may kasalanan.. Nagharap na kami sa brgy. at di pa rin kami nagkakasundo.. Plano namin ituloy ang kaso as Hit and Run Until now ay nagmamatigas ang driver.
Walang nagyaring police report noon kasi tinakbuhan siya nung driver imbes na ireport ang aksidente. Ang tangi namin nagawa ay magpa blotter sa brgy. at magpamedical. May pictures kami ng mga sugat nya kasama ang nareleased na medico legal. Nagkaroon din kaunting sira ang motor pero di na namin napicturan.

Tanong ko lang po, may patutunguhan po ba ang aming reklamo at kung may laban po ba kami. Pasok po ba ang case as Hit and run...

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum