Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

FORGED MARRIAGE CERTIFICATE

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 FORGED MARRIAGE CERTIFICATE on Mon Apr 20, 2015 6:07 am

NeedYourHelpBadly


Arresto Menor
i got married when I was 23 years old sa Masantol, Pampanga, May 2003, and my husband was 21 back then. Ang nagkasal po samin yung current mayor that time. Ang sabi po samin as part of the requirement since wala pa kami sa age without parent’s consent na 28 y/o, kailangan daw ng parent’s consent. Since wala po parents ko with me that time, kami lang po gumawa ng letter at ako po ang nag-sign sa pangalan ng mama ko. Isa pa po, yung sa mga tumayong witness, or ninong ninang, mga totoong tao po sila na talagang kamag-anak ng asawa ko kaso ako lang din po ang pumirma sa marriage contract under din po ng name nila dahil hindi po sila nakapunta sa mismong araw ng kasal namin sa mayor’s office. Kaya lang nung July 2003 din po, same year, nag-church wedding po kami, and totoo na po na ang pumirma is mga totoong ninong at ninang namin sa kasal.

Ngayon po 7 years na kami hiwalay ng asawa ko at for seven years din po hindi na niya kami binigyan ng any financial support, last ko po siya nakausap is nung nalaman ko na may kinakasama siya na ibang babae at nung tinanong ko, sinabihan ako na “huwag daw idamay ang girlfriend niya”. May mga eksena din po na sumugod yung babae sa bahay ng nanay ko at pinapaalis sila ng tatay ko sa sarili nilang bahay dahil bahay daw po yun ng asawa ko at malakas niyang pinagsisigawan na siya yung babae ng asawa ko at sila ang may karapatan sa bahay ng mga magulang ko, meron po itong report sa barangay namin dahil pinabaranggay ng mga magulang ko yung babae dahil nagsisisigaw sa labas ng bahay.

Ang tanong ko po, pwede ba ma-consider as null and void ang kasal namin sa Pampanga since ako lang po ang nag-forge? Possible din po ba ako makulong dahil sa pag-forge ko ng pirma ng nanay ko at ng mga “ninong at ninang” namin sa kasal sa Pampanga? Legal din po ba yung sa simbahan na kasal namin? Ano po pwede ko gawin dahil gusto ko na po mapawalang bisa yung kasal at gusto ko mag-sustento yung tatay ng mga anak ko sa dalawng anak namin dahil hindi rin kalakihan sweldo ko sa trabaho pang sustento sa mga bata.

View user profile

2 Re: FORGED MARRIAGE CERTIFICATE on Sat Apr 25, 2015 6:17 pm

centro


Reclusion Perpetua
Iconsider mo ang dalawang ito:
1.Falsification of public document is punishable under Article 172 in relation to Article 171 of the Revised Penal Code.
2. Ang pagannul ay isa pang kaso na kakailanganan ng public document.

Isa isa mong aayusin ito.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum