Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Badly need advice_Ra 9262 NON-SUPPORT

Go to page : 1, 2  Next

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 2]

1 Badly need advice_Ra 9262 NON-SUPPORT on Mon May 18, 2015 6:49 am

primeromac


Arresto Menor
Please help me po.

Kasal po kami ng asawa ko mag 9years na pero hiwalay na kami 8years na. May anak kami 10yo turning to 11yo. Nagkaanak muna kami bago kami nagpakasal. At di nagwork ang relationship ng kami ay magasawa na.

Sa loob ng 7years na pagkakahiwalay namin hindi ako nakapagsuporta ng maayos. Dumating sa puntong lumapit na siya sa DSWD. At natupad ko ang kasunduan ng ilang buwan lamang. Sobrang dami niyang demands kaya pinagtaguan ko nalang sila ng anak ko. Ayaw din naman niya ipaubaya sa akin ang aking anak na sa akin na ito tumira.

Noong nakaraang taon ay nakatanggap ako ng SUBPOENA. Dahil iniisip ko baka gawa-gawa lang iyon ng aking asawa dahil sa e-mail niya lang ipinadala, binalewala ko ito.

At ngayong May nakatanggap ako ng letter galing sa RTC na may RESOLUTION at may PROBABLE CAUSE ang kinaso sa akin. In-short may naging violation po ako. At nakatanggap ako ng message from unknown sender na may bail ako 24k at warrant na po.

Question:
1. Kung totoo man po ito pinaplano kong makipagkasundo sa asawa ko para sa anak namin. Tama po ba?
2. Kung makipagkasundo po ako idedemand niya po ba o posible at obligado ba akong idemand niya yung hindi ko naisuporta sa loob ng ilang taon?
3. Paano kung wala akong kakayanang ibigay ang idemand niya? Ano po ang mga maaari kong gawin.


Sana ay matulungan niyo po ako. Tumatakbo ang araw at natatakot ako sa pwedeng mangyari sa akin.

MARAMING SALAMAT PO!



Last edited by primeromac on Mon May 18, 2015 10:33 am; edited 1 time in total (Reason for editing : wrong grammar)

View user profile

2 Re: Badly need advice_Ra 9262 NON-SUPPORT on Mon May 18, 2015 8:01 am

LandOwner12


Reclusion Perpetua
Kung pinaplano mong makipagkasundo sa asawa mo eh ano pang hinihintay mo? Pasko?
di na dapat humantong sa kasuhan para dito, larga,, kausapin mo asawa mo at baka madaan pa sa out of court settlement.
lahat ng mga kung at if's mo masasagot yan, sa usapan nyo.
wag maghintay,, kumilos....

View user profile

3 Re: Badly need advice_Ra 9262 NON-SUPPORT on Mon May 18, 2015 10:30 am

primeromac


Arresto Menor
LandOwner12 wrote:Kung pinaplano mong makipagkasundo sa asawa mo eh ano pang hinihintay mo? Pasko?
di na dapat humantong sa kasuhan para dito, larga,, kausapin mo asawa mo at baka madaan pa sa out of court settlement.
lahat  ng mga kung at if's mo masasagot yan,  sa usapan nyo.
wag maghintay,, kumilos....

Thank you sa advice. Kaya lang may warrant or arrest na daw ako. Hindi pa ipinapadala pero na-follow-up na sa Branch at may bail 24k. Kaya gusto kong humingi ng payo na kung mag voluntary surrender ako ano ang mga consequences. And yung mga tanong ay ung tanong ko na 1 to 3..

View user profile

4 Re: Badly need advice_Ra 9262 NON-SUPPORT on Mon May 18, 2015 12:30 pm

LandOwner12


Reclusion Perpetua
wait mo na lang yong warrant kung meron,,
wala kang mapapala kung magvoluntary ka...
1. tama, makipagkasundo sa asawa.
2.pwde ka nya kasuhan ng adandonment, thus RA 9262.
3. ang sustento eh primarily nakabased sa needs ng bata, then sa capability ng parents.
yong mga taong di ka nakapagsustento, wala na yon,, ang tanong dito eh yong naging effect nito sa paglaki ng bata.
pwede kasing mawalan ka ng karapatan sa kanya, or himingi ng danyos sa mga negligence mo, but not limited to financial support..
i think, gusto lang ni misis mo maopen ang communication link, cge na puntahan mo na,
mahal mo pa naman cguro anak mo..

View user profile

5 Re: Badly need advice_Ra 9262 NON-SUPPORT on Tue May 19, 2015 7:01 am

primeromac


Arresto Menor
LandOwner12 wrote:wait mo na lang yong warrant kung meron,,
wala kang mapapala kung magvoluntary ka...
1. tama, makipagkasundo sa asawa.
2.pwde ka nya kasuhan ng adandonment, thus RA 9262.
3. ang sustento eh primarily nakabased sa needs ng bata, then sa capability ng parents.
yong mga taong di ka nakapagsustento, wala na yon,, ang tanong dito eh yong naging effect nito sa paglaki ng bata.
pwede kasing mawalan ka ng karapatan sa kanya, or himingi ng danyos sa mga negligence mo, but not limited to financial support..
i think, gusto lang ni misis mo maopen ang communication link, cge na puntahan mo na,
mahal mo pa naman cguro anak mo..

Ibig ko pong sabihin sa number 2, posible bang humingi siya ng one time settlement para ipadismissed ung kaso at continuous na support para sa anak namin? Na parang lalabas ay yung danyos nga kung makikipagkasundo ako. Isa akong call center agent. Kung hingian niya ako ng 200k obligado ba akong iprovide yun sa kahit anong paraan?

Maaari ding may hawak siyang litrato ko sa mga happy-happy na nagawa ko ng mga panahong di ako nagsusuporta. Alam kong gagamitin niya itong ebidensya.

Anong gagawin ko?

View user profile

6 Re: Badly need advice_Ra 9262 NON-SUPPORT on Tue May 19, 2015 7:53 am

LandOwner12


Reclusion Perpetua
no offense brad, pero makulit ka rin...
merong mga tumatakbong mga scenario sa utak mo, pero ayaw mo naman kumilos,,
pwede yang mga iniisip mo, kaya mga merong out of court setttlements,
at kung magkasundo kayo dito, eh di hindi na aakyat sa corte.
magastos, matrabaho at mahaba ang court hearings,,, so alam mo yan,
ang bottomline lang dito, eh yong pagiging ama mo....

View user profile

7 Re: Badly need advice_Ra 9262 NON-SUPPORT on Tue May 19, 2015 8:57 am

primeromac


Arresto Menor
LandOwner12 wrote:no offense brad, pero makulit ka rin...
merong mga tumatakbong mga scenario sa  utak mo, pero ayaw mo naman kumilos,,
pwede yang mga iniisip mo, kaya mga merong out of court setttlements,
at kung magkasundo kayo dito, eh di hindi na aakyat sa corte.
magastos, matrabaho at mahaba ang court hearings,,, so alam mo yan,
ang bottomline lang dito, eh yong pagiging ama mo....

Pasensya ka na sir. Kasi una, hindi ko alam ang bahay na nila dahil palipat-lipat sila. Pangalawa hindi ko alam ang contact number niya at pangatlo hindi ko na din alam ang email niya. Kahit sa facebook ay hindi ko siya makita kaya hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin.

Kaya nga dito kung saka-sakali na humantong na bigla siya sumulpot sa bahay namin ay handa kami hindi ko kayang maghire ng private lawyer kaya dito ako humihingi ng payo. Pinaghahandaan ko lang yung mga posibleng mangyari.

Alam kong hihingian niya ako ng pera dahil noon pa man yun na ang madalas namin pinagtatalunan yung sustento. Mali ako I admit that na madami akong pagkukulang sa anak ko.

Handa na akong harapin iyon at punan. Kaya lang ang inaalala ko ay ang hihingin niyang one time settlement hindi ko alam kung paano. Inaantay ko nalang na baka nga isang araw darating siya sa bahay namin na may kasamang huhuli sa akin.

View user profile

8 Re: Badly need advice_Ra 9262 NON-SUPPORT on Tue May 19, 2015 9:09 am

LandOwner12


Reclusion Perpetua
ganito yan,
kung sustento ang bottomline.
kapag ipinakulong ka nya, eh paano na ang sustento? paano ka makakapagbigay?
kung himingi sya at wala kang ibibigay, ano magagawa nya?
di pwedeng pigain ang damit na tuyo na, masisira lang to... at walang lalabas na tubig...

verify mo yong authenticity ng natanggap mong letter from the RTC..
kung warrant of arrest yan, cno nag serve? ano nangyari ?? bakit di ka sinama for custody?


View user profile

9 Re: Badly need advice_Ra 9262 NON-SUPPORT on Tue May 19, 2015 9:22 am

primeromac


Arresto Menor
LandOwner12 wrote:ganito yan,
kung sustento ang bottomline.
kapag ipinakulong ka nya, eh paano na ang sustento? paano ka makakapagbigay?
kung himingi sya at wala kang ibibigay, ano magagawa nya?
di pwedeng pigain ang damit na tuyo na, masisira lang to... at walang lalabas na tubig...

verify mo yong authenticity ng natanggap mong letter from the RTC..
kung warrant of arrest yan, cno nag serve? ano nangyari ?? bakit di ka sinama for custody?



Alam ko galit siya sa akin. Mas pipiliin niyang ipakulong ako kaysa mag continuous ng support kung wala akong ibigay na one time settlement. Ang hirap. Magsisi man ako, may kasalanan din ako. Magdadalawang taon na akong hindi nagsuporta at may trabahaho ako sa loob ng dalawang taon. Kaya inaalala ko na singilin niya ako doon. Dahil may kasunduan kami sa DSWD at di ko natupad iyon.

Ang warrant ay di pa naserve pero sabi sa akin ay nasa Branch na at may lalabas na warrant. Since lumabas na yung resolution at may probable cause nga po.

View user profile

10 Re: Badly need advice_Ra 9262 NON-SUPPORT on Tue May 19, 2015 9:47 am

LandOwner12


Reclusion Perpetua
sino nagsabi sa yo,re warrant??
di nakalagay doon kung me bail na or magkano? paano mo nalaman ang 24K?
galit, galit, pag me pera na, di na galit yan....

View user profile

11 Re: Badly need advice_Ra 9262 NON-SUPPORT on Tue May 19, 2015 12:10 pm

primeromac


Arresto Menor
LandOwner12 wrote:sino nagsabi sa yo,re warrant??
di nakalagay doon kung me bail na or magkano? paano mo nalaman ang 24K?
galit, galit, pag me pera na, di na galit yan....


Friend ko po nagsabi. May kaibigan po kasi ung friend ko sa RTC. Masipag daw magfollowup asawa ko kaya nagkaresult po ung resolution.

Nakalagay bail 24k po.

Alam ko po na kung di ako magbibigay itutuloy niya talaga ang kaso at ipapakulong niya ko ng tuluyan.

Paano kung hindi siya pumayag sa kasunduang i-ooffer ko? Ano pang option ko? Lalaban po ba? Kahit alam kong ako ang may mali at madaming pagkukulang na kaya niyang patotohanan..

Maraming salamat po..

View user profile

12 Re: Badly need advice_Ra 9262 NON-SUPPORT on Tue May 19, 2015 12:25 pm

LandOwner12


Reclusion Perpetua
yun naman pala eh,
me link ka na para makausap wifey mo eh...
gamitin mo yong friend mo para makausap sya..
wag ka masyado matakot, ang kaso mo lang eh abandonment ng anak,
lack of financial support,
di ka makukulong nyan...

View user profile

13 Re: Badly need advice_Ra 9262 NON-SUPPORT on Thu Jun 18, 2015 10:49 am

lenzalai


Prision Correccional
hi i have filed ra 9262 case last May 27, 2015. I have informed my husband about it, he ignored it and told me that " I cant do that" which i already did. anyways, he told me that he will support my daughter anyway...if ever he will send something for our daughter will it affect the case i filed against him? How long is the process for this case? until now i did not received a subpoena yet..please advice. thanks

View user profile

14 Re: Badly need advice_Ra 9262 NON-SUPPORT on Thu Jun 18, 2015 3:32 pm

concepab


Reclusion Perpetua
primeromac wrote:Please help me po.

Kasal po kami ng asawa ko mag 9years na pero hiwalay na kami 8years na. May anak kami 10yo turning to 11yo. Nagkaanak muna kami bago kami nagpakasal. At di nagwork ang relationship ng kami ay magasawa na.

Sa loob ng 7years na pagkakahiwalay namin hindi ako nakapagsuporta ng maayos. Dumating sa puntong lumapit na siya sa DSWD. At natupad ko ang kasunduan ng ilang buwan lamang. Sobrang dami niyang demands kaya pinagtaguan ko nalang sila ng anak ko. Ayaw din naman niya ipaubaya sa akin ang aking anak na sa akin na ito tumira.

Noong nakaraang taon ay nakatanggap ako ng SUBPOENA. Dahil iniisip ko baka gawa-gawa lang iyon ng aking asawa dahil sa e-mail niya lang ipinadala, binalewala ko ito.

At ngayong May nakatanggap ako ng letter galing sa RTC na may RESOLUTION at may PROBABLE CAUSE ang kinaso sa akin. In-short may naging violation po ako. At nakatanggap ako ng message from unknown sender na may bail ako 24k at warrant na po.

Question:
1. Kung totoo man po ito pinaplano kong makipagkasundo sa asawa ko para sa anak namin. Tama po ba?
2. Kung makipagkasundo po ako idedemand niya po ba o posible at obligado ba akong idemand niya yung hindi ko naisuporta sa loob ng ilang taon?
3. Paano kung wala akong kakayanang ibigay ang idemand niya? Ano po ang mga maaari kong gawin.


Sana ay matulungan niyo po ako. Tumatakbo ang araw at natatakot ako sa pwedeng mangyari sa akin.

MARAMING SALAMAT PO!

Ang pinaka-mabuting mong gawin ay kumuha ka ng abogado para maasikasi ang kaso mo, kung may standing warrant ka na, maaring asikasuhin ng abogado mo bail mo.

Maaring hilingin ng asawa mo ang ma-reimbursement ang mga naging expenses ng anak nyo sa mga taon na hindi ka nakapag-bigat ng support at kung kung susubukan nyong ayusin ng asawa mo ang case outsite the court, ano man ang magiging agreement nyo ay legally binding, ibig sabihin ay obligado ka na tumupad.

Ang pagpo-provide ng support sa anak ay shared obligation ng mag-asawa, salunghat sa iniisip ng iba na "ang Ama or ang Ina ang masma-pera siya dapat ang mag provide", both parents must do their part. Ibinabase ang child support sa actual needs ng bata at sa capability ng provider, anf korte ang magdedesiyon dun.

Good luck!

View user profile

15 Re: Badly need advice_Ra 9262 NON-SUPPORT on Sun Jun 21, 2015 10:49 am

lenzalai


Prision Correccional
lenzalai wrote:hi i have filed ra 9262 case last May 27, 2015.  I have informed my husband about it, he ignored it and told me that " I cant do that" which i already did.  anyways, he told me that he will support my daughter anyway...if ever he will send something for our daughter will it affect the case i filed against him? How long is the process for this case? until now i did not received a subpoena yet..please advice. thanks
Question Question

View user profile

16 Re: Badly need advice_Ra 9262 NON-SUPPORT on Sun Jun 21, 2015 11:50 am

LandOwner12


Reclusion Perpetua
civil case for support?
or criminal case for abandonment, and failure of support.?

the case will go on,, even he already gives support, thus he will be later compelled to do it on regular basis,
if he failed again, can file for contempt... later..

View user profile

17 Re: Badly need advice_Ra 9262 NON-SUPPORT on Mon Jun 22, 2015 7:46 am

lenzalai


Prision Correccional
Hi Landowner12:

The police officer told me its an economic case for abandonment and failure to support so its a criminal case.

I was told nung nagfile ako ng case na hintayin ko nlng daw ang subpoena, kasi both parties naman daw ang makakatanggap nun. I filed last May 27, 2015 up until now wala pa akong natanggap which i assume wala pa ring natatanggap ang asawa ko which i think gave him guts na sabihan akong baliw at minumura nya pa ako sa mga txts nya kaya nga ang ginawa ko bnlock ko na ang number nya..

Can you please enlighten me with the process of the case i filed? do i have to follow up the prosecutor's office on this from time to time?

Gano ba katagal bago kami magkaharap ng asawa ko para naman matapos na to...sobra na kasi akng nasaksaktan sa mga sinasabi nya sa akin at masyado na nya akong tinapakan..and worst pati anak ko kung anu ano na sinasabi sa akin gawa ng trauma siguro nung nakita nyang nagalit ang asawa ko at pati tablet ng bata binasag pa ng asawa ko sa harap mismo ng bata.. recently tumawag once ang asawa ko at kinausap ang bata at sinasabi sa bata na kaya daw nabasag ang tab nya dahil sa akin...confused na nga ang bata at sinasabi na sa akin ng anak ko na ipakulong daw namin papa nya kc bad guy at parati akong sinasaktan ng papa nya..pero nung nagkausap sila, gusto naman ng bata pauwiin dito papa nya kc daw nagpromise sa amin...puro kasi pngako asawa ko di nmn tinutupad..i txtd him na kung may gusto sya gawin o ibigay sa bata wag na nya sabihin sa bata, gawin nlng nya kc nag expect ang bata..nasa akin kc ang burden gawa ng marami ng tanong anak ko tungkol sa mga pangako ng ama nya at minsan nagagalit din sya dun...

please understand na 6 years old pa anak ko para problemahin ang problema naming mag asawa.

please advice. thanks very much..

sorry for the kilometric reply i made...

Thanks Smile

View user profile

18 Re: Badly need advice_Ra 9262 NON-SUPPORT on Mon Jun 22, 2015 6:41 pm

Beyl26


Arresto Menor
Hi Lenzalai,

Like u im also a wife who was betrayed by a philandering husband and finally came to my senses to put an end to all his abuses and fight for my right and my children's.

To share with u my own personal experience regarding sa RA9262;

I filed last Feb. 5, 2015 psychological and economic abuse. I received our subpoena around 1st week of march. We were scheduled for pre trial at Fiscal's office 2weeks later. No counter affidavit was submitted by the other party so now waiting nalang ako resolution from prosecutor's office.

I just went there today to follow up kasi feeling so delayed na ang resolution. I talked to the Concerned Fiscal at she assured me that resolution will be issued before the end of this month.

I think it pays to make personal follow ups kasi theres a great chance na ma over looked yong case mo pag walang nag pafollow up.

BTW i declined settlement. I've been thru too much to im determined to fight til the end.

Hope this will give guidance in a way. Good luck!

View user profile

19 Re: Badly need advice_Ra 9262 NON-SUPPORT on Tue Jun 23, 2015 7:22 am

lenzalai


Prision Correccional
Hi Beyl26

Thank you for your comment on my post, this somehow enlighten me. I am really hoping that we'll get through this.

Good luck to you too and God bless! Smile

View user profile

20 Re: Badly need advice_Ra 9262 NON-SUPPORT on Tue Jun 23, 2015 10:37 am

raheemerick


Reclusion Perpetua
may mga bagay na pag uusap sa pagitan ng mga mag-asawa na hndi dapt nito madinig at makita ng mga bata. lalo na kung pag tatalo lng ito..

kung paano ninyo itinatago at iniingatan na hndi makita ng mga bata or mga anak nyo ang art of love ng mag asawa or pag lulugaw?

ganun din dapt sa bagay na pag tatalo.

kung papaano ninyo isara ang pinto ng kwarto at sikapin wlang kahit anong ingay na maririnig ang mga bata sa tuwing nag pupulot gata ang mag asawa.

ganun din dpt kaingat na hndi makita ng mga bata ang ano mang pag aaway or pag tatalo.

kayu ang mas may edad kaya kayu ang gumawa paraan para hndi ito makita ng bata. hndi yung bata ang iiwas na makita kayu tuwing mag uusap at mag tatalo.

same case sa kabilang topic. it waits 2-3 months vore ma i serve ang subpoena.

hayaan mo asawa mo sabihan ka baliw at mag sasalita ng hndi maganda sau.

mas maganda if surprise ang subpoena nya mas maganda pa kung natapat pa ng fathers day sana:)

with tender loving care note pa and sealed with the kiss by the prosecutor:)

goodluck sa inyo.. :p

View user profile

21 Re: Badly need advice_Ra 9262 NON-SUPPORT on Tue Jun 23, 2015 11:27 am

rda


Prision Mayor
hahahah!!!

sayng ndi ako nkaabot sa Father's Day... Very Happy dbale... sa birthday n lng nia... wahaha!

View user profile

22 Re: Badly need advice_Ra 9262 NON-SUPPORT on Tue Jun 23, 2015 11:31 am

raheemerick


Reclusion Perpetua
11:31:53hahaha.. speaking of birth day:)

hapi birth day to me..

happy birth day to me.

happy birth day happy birthdaaayyy...

happy birth day to me!!!


haha hulaan ko kinanta mo? haha

ilang tulog na lng!!

21 na ako hihihi.. paalam na sa aking binatilyo moment:)

hahaha..

View user profile

23 Re: Badly need advice_Ra 9262 NON-SUPPORT on Tue Jun 23, 2015 12:22 pm

rda


Prision Mayor
e di WOW!!

View user profile

24 Re: Badly need advice_Ra 9262 NON-SUPPORT on Tue Jun 23, 2015 12:30 pm

raheemerick


Reclusion Perpetua
rda wrote:e di WOW!!

luma na yan ei:)

View user profile

25 Re: Badly need advice_Ra 9262 NON-SUPPORT on Tue Jun 23, 2015 12:35 pm

lenzalai


Prision Correccional
@raheemerick:

Salamat sa words of wisdom mo Smile..anyways, mula nung pinanganak ko ang anak namin, puro masasaya at pagmamahalan lang ang nakikita ng anak ko sa aming mag asawa, pero biglang nag iba ugali ng asawa ko mula nung iniwan nya kami dito sa province para sa pangarap nya at mga plano sa sarili nya na kini claim niyang para sa amin ng anak ko...last valentine's day nga kami nagtalo nung nagbakasyon kami ng anak ko sa laguna para bisitahin na rin ang byenan ko at asawa...ayaw nga sana ng asawa ko na dun kami magspend ng anak ko ng valentine's day...yun pala may napangakoan na pala syang date sa babae na room mate nya sa boarding haus nila kaya nagalit sya nung nagtanong lang ako kng sino katxt nya at pati cp nya tinatago nya sa brief nya...kaya yun na sa galit nya di na nya naisip na andun ang anak namin at pati tab ng bata basag.. ngayon, bahala na sya sa buhay nya!

Btw, thank u sa advice...i will just wait pero i think i have to follow up na rin considering the other comment.. Smile God bless everyone

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 2]

Go to page : 1, 2  Next

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum