Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

My Mother's Surname

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 My Mother's Surname on Fri May 22, 2015 2:11 am

Pantherplus


Arresto Menor
Greetings po!

Gusto ko lng po malaman kung papaano namin mapapalitan o maiko-correct surname ng Mother namin.

She is a government employee at Taytay, Rizal at the DSWD Department. Gamit niya yung Surname ng Tatay for almost 37 years na sa lahat ng government transaction. 2 years ago when she is 56, inalam niya sa opisina nila mga requirements for retirement para makaclaim siya sa GSIS.  One of the requirement is her NSO birth certificate.  First time niya kumuha sa NSO at No Record ang nakuha niya at malungkot ang mother ko.  After all this years, ngayon lng nmin nalaman na wala siyang record sa NSO gamit ang pangalan niya sa lahat ng government records.  Sinamahan ko siya sa Manila City Hall at inalam namin kung naipasok ba ng PGH yung birth certificate niya noong August 17, 1956. Pumasok nman yung record niya sa Civil Registrar pero walang pangalan na nakalagay sa Name of Child section.

nagsubmit kami ng suplemental documents sa civil registrar ng Manila City hall at after 6 months eh nakuha niya NSO birth certificate niya, pero di nabanggit sa amin ng civil registrar na illegitimate child ang Mother ko before kami magsubmit ng suplemental documents at walang acknowledgement yung Tatay niya.  Kaya ng lumabas na NSO birth certificate ng Mother ko, Surname ng mother niya ang nakalagay na Surname niya.

Produkto ng broken family ang Mother ko, bata pa Mother ko ng namatay mother niya sa panganganak at simula noon pinabayaan na sila ng Taytay nila, may ibang pamilya daw Tatay nila. Nakgahiwalay silang 4 na magkakapatid. Masama loob ng Mother ko sa Tatay niya dahil sa nangyari sa buhay nila.  

Umapila kami sa Manila City Hall ano pwede gawin para i-correct at magamit ng Mother ko yung Surname ng Tatay nila kasi yun na gamit niya sa buong buhay niya at yun din gamit naming Middle name na mga anak niya.  Sabi sa amin eh daraan daw sa korte para maisakatuparan yung pagbabago ng Surname ng Mother ko at kailangan daw iharap yung witness na magpapatotoo ng anak siya ng Tatay niya.

Ang problema, patay na Tatay niya at di alam ng Mother ko kung saan nakatira yung 2nd family ng Tatay niya.  Di alam ng mother ko kung may buhay pa sa mga kapatid ng Tatay niya at saan sila hahanapin.

mahigit 50 years na ang nakalipas at hindi alam ng Mother ko kung sino at saan niya hahanapin yung kamag-anak ng Tatay niya na alam niya na di nman siya kilala ng mga yun.

Humihingi po ako ng payo kung sino po ang may magandang kalooban na mas nakakaalam ng dapat naming gawin.

thank you in advance po!

View user profile

2 Re: My Mother's Surname on Fri May 22, 2015 7:26 am

LandOwner12


Reclusion Perpetua
good day,,,
simple lang to.
punta kayo sa attorney,
pagawa kayo ng affidafit for One and same person..
alam nila format at contents nito,

brief: dito i prove lang na ang 2 names ay iisa at parehong tao..

since matatanda na at wala nang pwde magwitness,,, maliban na lang kung merong inheritance na need ng mother mo from Lolo mo, i think no need to change her name.

View user profile

3 Re: My Mother's Surname on Sun May 24, 2015 6:02 pm

Pantherplus


Arresto Menor
Hi LandOwner12,

Good day....salamat sa advice.
Before, I asked my Mom na kumuha ng Passport, dala nya yung NSO Birth Cert niya together with the Affidavit of One person in Two names pero di tinanggap ng DFA officer, kailangan daw eh mabago muna NSO Birth Cert niya bago siya isyuhan ng Paspport using her current name.

View user profile

4 Re: My Mother's Surname on Mon May 25, 2015 8:59 am

LandOwner12


Reclusion Perpetua
di ako sure dito, pero try nyo lang, subok..
punta kayo sa civil registrar sa manila..
dalhin ang affidavit ng same person,,
dala nyo rin ang death certificate ng lolo at lola nyo,,
etong mga docs n to, patunay na walang witness para maprove/disprove ang relasyon ng lolo sa nanay mo,,
goodluck.

View user profile

5 Re: My Mother's Surname on Tue Jun 02, 2015 5:51 pm

centro


Reclusion Perpetua
I consider mo rin itong option na ito.
Since nakakuha na niya ng NSO certified BC which is an important docu sa gobyerno and using the one and the same affidavit, file for a change the names sa government ID, GSIS ID, school record, baptisimal kung Catholic, comelec registration, bank accounts etc.
Explore niyo lang for possibilities to add kung ano ang mas madali, mas mura.
Critical ang NSO BC at one and the same affidavit.

View user profile

6 Re: My Mother's Surname Today at 6:20 am

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum