Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

need an advice

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 need an advice on Tue May 26, 2015 12:18 pm

dylan0511


Arresto Menor
Hi, I am 35 yrs of age. Hingi lng po ng konti kaalaman at advise from you. Mejo nakakabother n ksi ung ginagawang panggugulo ng dati kong wife.

I was married to my previous wife and now me bago na ako kinakasama. More than 5 yrs n kami hiwalay ng dati ko asawa ng magkaroon aq ng bagong kinakasama sa buhay.


Ask ko lng possible b ako kasuhan ng dati ko wife ng concubinage kahit matagal na kmi hiwalay?


At isa pa. Tama ba n pumayag ako pumirma sa kasunduan na sa umpisa pa lang sasablay ako.? Ganito un, maishare ko lng para alam nyo dahilan. Last november 2014, nagulat ako ipinatawag ako ng barangay dahil daw sa complain ng dati ko asawa. So sumama ako sa barangay para pagusapan ang sustento ng anak nmin. Kakarating ko lng galing ibang bansa. Di ako nagtagumpay sa ibang bansa isang taon lng umuwi na ako dhil umg nakasaad sa kontrata di nasunod. Umuwi ako n me utang pa.

Mejo sumasablay kasi ang padala sa aming anak that time kahit nasa ibang bansa ako. Padala ko sa bago pamilya di sapat so di ko mapadalhan ang anak nmin.

Pinilit niya ako magprovide ng 7k every month para sa sustento ng anak nmin kahit n alam ko n maaaring maapektuhan din ako kapag pumayag ako. Kumikita lng ako ng 18k isang buwan sa bago kong trabaho. 18k pero di p nababawas ang tax at mga benefits and other deductions. Sabihin n natin n 15k isang buwan ang take home pay ko. Meron n lng ako 8k n pagkakasyahin sa lahat ng expenses nmin. Dahil sa mga di inaasahang pagkakagastusan nagkukulang ng 500 ang padala ko sa anak ko. Nagagalit sia. Bakit daw kulang? Ipinaliwanag ko sa kanya ang rason.

Tama ba pumayag ako at pumirma sa kasunduan sa barangay n wala ako kasama kundi ako lng. At siya nmn kasama nia ninang nmin dati sa kasal pati na ang dswd at ang barangay na pilit ako pinapirma dahil kapag di daw ako pumayag mamili na lng daw ako kumg pirma sa 7k n sustento o kulong na lang. Dahil takot ako makulong pinirmahan ko n lng kahit wala kami sapat n napagkasunduan. Dahil malalim n din ang gabi nung mga time n un. Sabi ko sa kanya baka pwede khit 6k. Di siya talaga pumayag inisist niya talaga n 7k.

Me bisa b ung pinagkasunduan nmin sa barangay?

Ang last n demand ng dati kong asawa ngaun ay legal separation. Pinilipit nia ako magfile ng annulment or else kulong ulit.


Lagi nia sinasabi na pwede nia kami ipakulong ng kinakasama ko kapag di kmi nagfile ng annulment. Ang problema ko ngaun, eh kung dun nga sa sustento ng anak nmin nagkukulang ako pang annulment pa kaya.?


Posible b na makulong ako dhil dun? Or meron b other way n makapagfile ng annulment n mura lng para matahimik n kmi ng bago kong wife at makapamuhay ng maayos. Dahil sa totoo lng naapektuhan n ang pagsasama nming dalawa dahil sa panggugulo niya.


I hope i can get more advice from you. Salamat and god bless!





Dylan0511

View user profile

2 Re: need an advice on Wed May 27, 2015 10:19 am

raheemerick


Reclusion Perpetua
ganto yan kaibigang dylan.

yes may rights si legal wife mo na mademanda ka ng concubinage at concubine naman sa kinaksama mo.

pero sa concubine na maaring ikaso ng asawa mo sa ka partner mo nyaun ay wlang kalakip na parussang pag kaka kulong. ang concubine ay hinahatulan lng ng parusang exile or vanish.

yung concubinage na maaring ikaso sayu ang mejo critical dito dahil totaly guilty ka dito. at sapat ang pag kakaron mo ng mga anak sa kasalukuyan mong kinakasama bilang ebidensya.

subalit datapwat maari ding maka lusot ka sa kasong ito sa ilang bagay na ma ii consider ng korte. gya ng "conxent" kung ilang taon na alam ng legal wife mo ang relation mo sa kinaksamo mo pero wla syang ginawang legal na action dito.

isa lng yan sa posibilidad na depensa mo.

and about naman sa sustento? wag naman gahaman si wifey para kunin ang lahat sayo:)

ang ano mang napag kasunduan nyo sa brgy ay gabay lamang or initial na pag uunawaan at kasunduan. pero wla itong pangil upang ikaw ay obligahin sa isang bagay na hihigit sa kapasidad mo.

ang pag sustento sa legal na pamilya gaya ng mga anak mo at legal na asawa ay mananatili sa iyong baikat bilang legal na padre de pamilya para s akanila. subalit.. hndi tamang sila ay humiling sayo ng actual amount na hndi mo naman kaya.

basic needs lng at kung ano ang kaya mo. yon lng ang ibigay mo.

mahirap para sa isang tao ang kumikita ka ng 5 piso at hihingan ka ng 10 piso bilang sustento.

sa madaling sabi. ang sustento base sa pag kaka alam ko at ayun sa mga sumusunod lng.

halimbawa clothing, food, schooling and medicine or hospitalization. at ito ay base din sa kakayanan or capability ng provider o ng ama.


ang annulment ay hndi magaan sa bulsa at kakailnganin mo dito ng private lawyer. pero hndi lahat ng annulment matapos mong gumastos ay ma grant sau. merong mga grounds or dahilan na tinitingnan ang korte upang mapayagang mawalng bisa ang iyong kasal. at hndi din ito madaling proseso.

View user profile

3 Re: need an advice on Wed May 27, 2015 1:36 pm

dylan0511


Arresto Menor
Maraming salamat kaibigang raheemerick. Kung sakaling magsampa nga ng kaso ang dati kong asawa. Maaari ko bang gawing depensa ang naging rason ng paghihiwalay nmin dalawa. Sa totoo lng kaibigan kaya aq nakipaghiwalay sa kanya ay dahil sa pananakit na ginawa nia sa aken dati. Me malalim n dahilan ang aming hiwalayan n sia ang dahilan. Although sinasabi rin sa akin ng aking mga kaibigan at pamilya n me nababalitaan clang me kinakasama n din ung dati kong asawa. Wala nmn aq matibay n ebidensiya dahil di nmn n aq nakikialam sa personal n buhay nia.


Mejo me pagkapraning kasi ung dati kong asawa n un. Me pagkapossessive. Ang gusto nia hawak nia aq sa leeg na kung anu gusto nia un ang dapat ko sundin.


Nagkasakitan n kasi kmi nun eh kaya mas pinili ko n lng n maghiwalay kmi kesa nmn magkamatayan lang kmi. Kung ikaw man siguro ang makaranas ng saktan ka ng asawa mu ewan q n lng kung di ka gumanti sa kanya.


Ang hinahabol lang kasi nun sken eh magfile aq ng annulment at wala n kmi pakialaman sa isat isa which is un nmn talaga ang gusto ko mangyari dahil di ko nmn cya pinakikialaman n.


Meron b other way ng legal separation maliban sa annulment n pwd aq magfile na di nmn ganun kabigat sa bulsa?

View user profile

4 Re: need an advice on Wed May 27, 2015 1:46 pm

dylan0511


Arresto Menor
Isa pang katanong kaibigan.


Dun sa sinasabi mong grounds para mapawalang bisa ang kasal. Maaari mu ba akong mabigyan ng pwdeng maging dahilan para mapawalang bisa ang kasal.


At dun nmn sa consent issue. Alam nmn nia n meron n ako bago pamilya. Masasabi b natin n pwd n ung dahilan para mapawalang bisa ung kaso n isasampa nia laban sa amin?

View user profile

5 Re: need an advice on Wed May 27, 2015 1:58 pm

raheemerick


Reclusion Perpetua
teka isa isa lang kaibigan:)

hndi ka maaring um-style ng depnsa mo sa ganayng chismis lng na akusasyon:)

akoy nalilito ikaw ba ay lekat? o ikaw ba ay bebot?

anyway sa kasong concubinage or adultery.. hndi pwde ang shismis lng or heresays ng mga tsismosa.

then about sa isa mong tanong?

Grounds o Mga Dahilan Para sa Annulment of Voidable Marriages

  Ang Pilipinas ay isang bansang katoliko at pinapahalagan nating mga Pilipino ang banal na matrimonya ng kasal. Hanggat maari ay pinipilit nating pag-usapan at lutasin ang mga problema upang maiwasan ang paghihiwalay. Subalit hindi lahat ng problema ay may kalutasan. Ang annulment ay isang pagbibigay daan upang mabigyan ng pagkakataon ang dating mag-asawa na magkaroon ng baong buhay.
  Subalit hindi ganon kadali ang annulment. Katulad ng nabanggit sa itaas, mahalaga para sa ating mga Pilipino ang matrimonya ng kasal kung kayat hindi ito maaring i-file kung hindi rin laang mahigpit ang dahilan. Ang mga dahilan na maaring gamitin para mag-file ng annulment ay itinakda saArticle 45 ng Family Code. Ayon dito, ang kasal ay maaring mapawalang bisa ayon sa mga sumusunod na dahilan:

(1) Ang isa sa ikinasal ay mula 18 hanggang 21 taong gulang at ikinasal ng walang pahintulot ng magulang at tagapag-alaga, maliban na lamang kung ang taong ito ay nakisama bilang mag-asawa pagsapit niya sa 21 taong gulang.

(2) Ang isa sa ikinasal ay wala sa sariling pag-iisip, maliban na lamang kung nakisama siya bilang mag-asawa pagkatapos niyang bumalik sa kanyang sariling pag-iisip.

(3) Panloloko para mapasang-ayon ang isa para magpakasal, maliban na lamang kung ang taong ito kusang nakisama sa kabilang panig pagkatapos na mabatid ang buong katotohanan.

(4) Sapilitang pagpapakasal, maliban na lamang kung ang taong ito ay kusang loob na nakisama sa kabilang panig pagkatapos na mawala ang dahilan na pumilit sa tong ito na magpakasal.

(5) Hindi sapat ang kakayahan ng isang panig na gampanan ang tungkulin bilang isang asawa at kung ang kapansanang ito ay patuloy at walang paggaling.

(6) Kung ang isa sa mag-asawa ay may nakakahawang sakit o sexually-transmissible disease at ang sakit na ito ay malubha at walang lunas.

Sa petisyong ito, bagamat mapapawalang bisa ang kasal, hindi mabubura ang katotohanan na naging mag-asawa ang dalawang taong iyon. Ito ay nangangahulugan na mag-asawa sila hanggang hindi lumalabas ang desisyon ng korte at lahat ng legal na implikasyon sa loob ng panahon na naging mag-asawa sila ay mananatili at hindi mawawalan ng bisa lumabas man ang desisyon na magpapawalangbisa sa kanilang kasal.
2 Declaration of Absolute Nullity of Void Marriages

Meron ding petisyon na tinatawawag na "Declaration of Absolute Nullity of Void Marriages". Ito ay isang petisyon upang maglabas ng deklarasyon ang korte na ang naganap na kasal ay walang bisa mula sa araw na naganap ang kasalan. Sa pamamagitan ng deklarasyon na ito, hindi lamang mapapawalang bisa ang naganap na kasalan kundi mabubura mismo ang katotohanan na sila ay naging mag-asawa at animo'y hindi naganap ang nasabing kasalan. Pagkatapos ng deklarasyon na ito, mawawalan ng bisa ang lahat ng legal na implikasyon na naganap sa loob ng panahon na sila ay naging mag-asawa.

Grounds o Mga Dahilan para sa Declaration of Absolute Nullity of Void Marriages

Ang mga dahilan na maaring gamitin para sa petisyon na ito ay ang Article 35 (Absence of Formal and Essential Requisites of Marriage, Article 36 (Psychological Incapacity), Article 37 (Incestuous Marriage) and Article 38 (Void by Reason of Public Policy) na nakatakda sa Family Code.

Ang mga ito ay ang sumusunod:

(1) Ang mga nagpakasal na wala pa sa edad na 18 kahit pa may pag-sang-ayon ng mga magulang.

(2) Kasal na isinagawa ng taong walang legal na kapangyarihan na magpakasal maliban na lamang kung hindi ito alam ng nagpakasal at naniwala sila na ang taong ito ay may legal na kakayahan na magkasal.

(3) Ikinasal ng walang lisensya.

(4) Kapag ang isa sa ikinasal ay ikinasal na sa ibang tao.

(5) Nagkaroon ng pagkakamali ang isa sa ikinasal tungkol sa katauhan ng kabilang party.

(6) Kasal na ginanap bago pa ang paglabas ng Final Decree of Annulment ng nagkaraang kasal.

(7) Kakulangan sa psychological na kakayahang isaganap ang responsibilidad bilang asawa.

(Cool Kasal sa pagitan ng magkamag-anak.
  (a) Sa pagitan ng ascendants at descendants
  (b) Sa pagitan ng magkapatid

(9) Kasal na hindi akma sa kaisipang pampubliko.
  (a) Pagitan ng magkamag-anak hanggang sa fourth civil degree
  (b) Pagitan ng step-parents at step-children
  (c) Pagitan ng parents-in-law at children-in-law
  (d) Pagitan ng nag-ampon at inampon.
  (e) Pagitan ng asawa ng nag-ampon at inampon. 
  (f) Pagitan ng asawa ng inampon at nag-ampon.
  (g) Pagitan ng inampon at anak ng nag-ampon
  (h) Pagitan ng mga inampon ng iisang tao.
  (i) Pagitan ng mga tao na kung saan ay pinatay ng isa ang asawa ng kanyang mapapangasawa para mapakasalan ito.

View user profile

6 Re: need an advice on Wed May 27, 2015 2:24 pm

dylan0511


Arresto Menor
) Ang mga nagpakasal na wala pa sa edad na 18 kahit pa may pag-sang-ayon ng mga magulang.



Dito sa article na to me tanong ulit ako. Pasensiya n madami tanong.

Nung ikinasal kmi ng dati kong asawa sia ay wala p sa wastong gulang. 17 years old p lng sia at ako nmn 20 years old. Ung date ng marriage nmin is june 15. Birthday nia is aug 9. Lumalabas n wala p sia sa tamang edad di b? Sa huwis kmi ikinasal. Kaya lng ung nakalagay n date of marriage nmin ngaun, is ung date of birth nia. Kahit ung actual date of marriage nmin is different dun sa nakalagay sa marriage contract. Valid din b un?

View user profile

7 Re: need an advice on Wed May 27, 2015 2:32 pm

raheemerick


Reclusion Perpetua
kung kaya mo ito patunayan bakit hindi? i sugest you better review your marital history kaibigan Smile

sa makatuwid maaring void ab initio ang iyong kasal subalit maari ding i konsidera ang ilang panahon na kayo ay nag sama bilang mag asawa:)

ganun pa man? weder anulment or declaration ng void mariage?

kakailnganain mo pa din ng private lawyer at may gastos pa din ito.

yung sinsabi mo namang legal separation?

ito ay hndi nag papawala ng bisa ng iyong kasal. itoy pag uutos lng ng korte na magkaron kayo ng pag hahatian or pag hihilay sa ilang mga bagay gaya ng board and lodging, bread and butter, cheezy and cream, salt and egg Smile

i sugest work out mo muna ang sustento then pag capable na or financially fit na sa ganayn?


then gorabelz and goodluck!! Smile

View user profile

8 Re: need an advice on Wed May 27, 2015 2:37 pm

dylan0511


Arresto Menor
Maraming salamat ulit sa advise. Me nakuha akong idea.

View user profile

9 Re: need an advice on Wed May 27, 2015 5:21 pm

LandOwner12


Reclusion Perpetua
ang consider dito eh yong nsa REgistrar, at authenticated ng NSO..
if magkaiba, then yong sa Registrar...
if date of birth, legal,
if others are self serving, if can not be proven, or without witness under oath.

View user profile

10 Re: need an advice on Wed May 27, 2015 9:45 pm

dylan0511


Arresto Menor
Di b kapag nafile sia ng demanda di nmn agad kulong di ba. Me process p din nmn un. Maguusap muna din kapag di nagkasundo saka lng makukulong. Tama ba?


Naku. Wag nmn dana ganun. Me nkukulong b talaga sa ganung case?

View user profile

11 Re: need an advice on Thu May 28, 2015 6:13 am

LandOwner12


Reclusion Perpetua
anong kulong,
akong nalilito??
null and void marriage ang topic di ba?

walang kulong agad,
dapat me warrant, me probable cause. at wala or walang pang bail, yan eh sa criminal cases...
civil case, danyos perwisyo ang sa respondent...

View user profile

12 Re: need an advice on Thu May 28, 2015 8:20 am

raheemerick


Reclusion Perpetua
master nag simula topic nya at concern sa sustento hahaha!!

then nanganak at nagitlog ang kanyang mga tanung hangang nauwi sa anulement. eh may poblema nga sa sustento kc di keri ng powers nya ang amount na napag kasunduan at over demand si exkumander nya:)

pero bigla nag ka interest sa anulment? mas magastos yun bro haha


work out muna tayo sa mas importanteng case kaibigang dylan Smile

then step by step and one by one.


sabi nga..

"we canot serve to master's at the same time"

View user profile

13 Re: need an advice on Thu May 28, 2015 8:22 am

LandOwner12


Reclusion Perpetua
kung sustento ang habol.. ang tanong...

paano makakapag sustento ang taong nakakulong,,,

iba ito kung talagang gusto ka nang ipakulong kasi nga, paulit ulit mo nang tinakasan ang responsibilidad mo,
dyan na sya magiging criminal case..

View user profile

14 Re: need an advice on Thu May 28, 2015 12:28 pm

dylan0511


Arresto Menor
Ah...eh di nmn aq tumatakas dun sa responsibilidad ko sa anak q...patuloy nmn aq nagbibigay ng sustento. Di b nakukulong ang kinasuhan ng cuncubinage?

Wala kasi aq talaga alam sa mgaisyo n to. Sumasakit ulo q sa dati q asawa. Kasi nagbibigay n aq..kung anu anu pa ang dinedemand. Gusto b nmn kunin lahat ng sweldo ko. Eh pano p nmn kmi mabubuhay niyan. Kung di b nmn sira ang ulo nun...ngaun ok siya kausap. Makalipas ang ilang araw. Mangungulit n nmn yan at magdedemand ng kung anu anu...kaya natotorete utak nung bago q wife..wala n nga kmi argumento sa sustento ng bata..kung anu anu p pinagsasasabi dun sa bago ko asawa....

View user profile

15 Re: need an advice on Thu May 28, 2015 12:30 pm

dylan0511


Arresto Menor
Kaya napunta sa annulment dahil un ang gusto mangyari ni no.1...ang magfile aq ng annulment..panu nga mangyayari un..eh sa pangsustento nga nagkukulang aq...obligahin b nmn aq n magfile ng annulment..kung di baliw un..anu sa tingin nyo?

View user profile

16 Re: need an advice on Thu May 28, 2015 12:37 pm

raheemerick


Reclusion Perpetua
tell mo sa kanya.. sya may interes sa annulment? eh di sya ang gumastos? hahaha o kya ipasok sa ground ng nulity of mariage para mas madali at kahat ng grounds eh mag pretend na.. alcoholosim, lesbian, bading, drug addict, may mentall illness basta lahat ng grounds para ma grant agad.. haha parang ako lng..
kung hihilingin ng wife q na mag panggap ako na may sira na sa ulo ma grant lng ang annulment or void mariage?

aba.. payag na payag ako mag papanggap akong baliw hahaha!!

View user profile

17 Re: need an advice on Thu May 28, 2015 12:42 pm

LandOwner12


Reclusion Perpetua
merong imbestigasyon yan, kung nagkaroon ng kunstabahan ang hubby at wifey...
ingat lang.

View user profile

18 Re: need an advice on Thu May 28, 2015 1:06 pm

dylan0511


Arresto Menor
Un nmn ang cnabi q sa kanya...cia me gusto annulment cia magfile...ang panakot..magfile daw aq annulment para di nia ako kasuhan concubinage? Civil case nmn un di ba..di nmn kulong ang hatol dun as long as me suporta aq sa anak nmin.

Kagay ng naishare q ke raheemerick. Nagtakda sia ng amount n mahirap ibigay kc hingan b nmn aq ng 7k monthly allowance ng anak nmin...kumusta nmn ang 18k n salary monthly. Wala p kaltas ng tax at kung anu anu benefits. Sbi q nga maswerte n kapag nakakuha ng 15k isang buwan...sa anak nmin ung 7k, panu q ngaun pagkakasyahin ung 8k sa lahat ng expenses nmin...bahay,kuryente,tubig, pangaraw araw n gastusin....

View user profile

19 Re: need an advice on Thu May 28, 2015 1:14 pm

raheemerick


Reclusion Perpetua
teka lng kaibigang dylan!! Smile

Ayon sa Article 334 ng Revised Penal Code - Concubinage. - Any husband who shall keep a mistress in the conjugal dwelling, or shall have sexual intercourse, under scandalous circumstances, with a woman who is not his wife, or shall cohabit with her in any other place, shall be punished by prision correccional in its minimum and medium periods. The concubine shall suffer the penalty of destierro.

nag sasama kau ng ka live in mo diba? meaning comited ka sa kasong concubinage Smile
read mo sa itaas ang ref.. may kulong yan kaibigan kya ingats:)

bka ang sinsabi mong wlang kulong is yung economic abuse o hndi pag susustento?

pero ok lng yan. napag usapan na natin yan s akabilang post mo diba Smile

View user profile

20 Re: need an advice on Thu May 28, 2015 1:19 pm

LandOwner12


Reclusion Perpetua
meron me PM sayo. nasa outbox ko pa lang,,,

out nako 2pm, surrender sweldo ke kumander...

View user profile

21 Re: need an advice on Thu May 28, 2015 1:21 pm

raheemerick


Reclusion Perpetua
hahaha cge cge nabasa ko na.. ignore mo na lng hahaha


sshhhhhh!!!!

pautang ako hahaha

View user profile

22 Re: need an advice Today at 10:34 pm

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum