Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Tinatanggi ng boyfriend ang anak sa nabuntis

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Tinatanggi ng boyfriend ang anak sa nabuntis on Mon Jun 01, 2015 12:52 pm

Abby29


Arresto Menor
Good afternoon po.
Gusto ko lang po itanong kung may habol pa po ako sa ex boyfriend ko na nakabuntis sa akin pero itinatanggi niya po. Kinakausap narin yung family nila for settlement pero hindi naman nag rreply. May habol po ba ako sa sustento?

View user profile

LandOwner12


Reclusion Perpetua
masaya to..
baby na ba or nasa loob pa?

View user profile

raheemerick


Reclusion Perpetua
nice.. masaya nga Smile

imo.. if hndi i acknowlege ng bf mo yung baby as his own?

mahihirapan ka maka habol sa sustento.

unless ipa dna test mo ang bata with cooperation xempre ng bf mo. and once ma patunayan? then may habol ka.. pero sa bata lng may pananagutan ang bf mo ha ksi hndi kau kasal kung sakali.

pero ang sustento is wla din legal or exact figure of amount ha:)

basic needs lng, clothing, meds, shelter, schooling etc..etc..

pwde ba malaman kung bakit itinatanggi ng bf mo na kanya yan?

hhmm.. i smell something isda Smile

View user profile

Abby29


Arresto Menor
Nasa loob pa. Hindi naman ako naghahabol sa kanya yung para lang din naman talaga sa bata. I want to know if there is legal actions para magbigay siya ng sustento. Hindi directly na tinanggi niya as harap ko, nalaman ko lang dun sa friends ng bagong gf niya na sinasabi niya dun na hindi siya yung ama.

View user profile

raheemerick


Reclusion Perpetua
ANG AMOUNT O HALAGA NG SUPORTA SA ANAK NG MGA MAGULANG AY WALANG FIX NA AMOUNT DAHIL ITO AY DEPENDE SA FINANCIAL CAPACITY O KAKAYAHAN NG MAGULANG NA MAGSUSUPORTA AT DEPENDE SA PANGANGAILANGAN O NEEDS NG ANAK. ANG BATA AY MAY KARAPATAN NA HUMINGI NG SUPORTA SA MAGULANG KAHIT HINDI KASAL ANG MGA ITO.

Nasa Family Code na ang pagsuporta sa anak ay dapat mutual o parehong magulang at hindi lamang ang isa sa kanila at ito ay ibabahagi ng naayon sa Article 201 at 202 ng Family Code. Ayon sa Article 201 ng Family Code ang suporta o sustento ng magulang sa anak ay depende sa capacity o kakayahan ng magulang at depende sa pangangailangan o necessity ng anak. Nasa Article 202 na ang sustento o suporta sa anak ay pwedeng taasan oh babaan depende sa pag-taas o pag-baba ng kakayahan ng magulang o pangangailangan ng anak.

Ang isyu kung kasal o hindi ang magulang ay hindi mahalaga sa suporta dahil kahit hindi kasal ang mga magulang ay may karapatan ang anak o illegitimate child na humingi ng suporta sa mga magulang niya. Ang R.A. 9262 otherwise known as Anti-Violence against Women and their Children Act ay nagpaparusa ng kulong sa hindi pagbibigay ng lalaki ng suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae (kalive-in) at kanilang mga anak at ito ay tinatawag na "economic abuse". Ito ay naiiba sa "psychological abuse" o "physical abuse" na karampatang kaparusahan din. Ang krimen na ito ay applicable sa mag-asawa o magkalive-in, kasal man o hindi, kung saan merong anak sila. Kasama dito ang pagpaparusa sa hindi pagbibigay ng lalaki ng sapat o maayos na suporta sa kanyang asawa o kinakasamang babae at kanilang mga anak.

Ang krimen na ito ay pinaparusahan dahil ito ay isang uri ng "economic abuse" kung saan nalilimitahan at nakokontrol ang malayang paggalaw ng isang babae gawa ng ginagawa ng lalaki. Ang sitwasyong ito ay nakasaad sa Section 4 (e) ng R.A.9262 bilang isang uri ng “economic abuse” na magbibigay ng mental o emosyonal na pagdurusa sa biktima. Ang sinumang asawa o kasamang lalaki ang gumawa nito ay pinaparusahan ng prision correcional (6 months - 6 years imprisonment).

ah i see.. karaniwan na yang litanya ng mga lalake na itinatanggi ang anak sa harap ng bagong gf nito.. di bale wag ka mag alala.. read mo and study ang ra9262.

goodluck

View user profile

Abby29


Arresto Menor
Thank you.

View user profile

raheemerick


Reclusion Perpetua
.

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum