Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

MERALCO CONNECTION WITHOUT RIGHT OF WAY GRANT

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 MERALCO CONNECTION WITHOUT RIGHT OF WAY GRANT on Mon Jun 08, 2015 12:38 pm

kittyperry16


Arresto Menor
Magandang araw po! Mayroon po 18 residente na mayroong meralco connection na nakakabit sa poste na nakatayo po sa loob ng aming compound. Nung una po ay nanghihiram sila ng titulo ng lupa at ng right of way ng may-ari ng compound pero hindi sila pinahiram. After po ng ilang months ay nagulat na lang kami dahil nakabitan pa din sila ng kuryente kahit wla silang land title at right of way. Dahil po sa aktibo ang homeowners ng aming compound ngayon (at rehistrado po sa HLURB), inilapit ng samahan ito sa meralco para maipacheck ulit sa kanila ung connection. Ayon po sa aming pagkakaalam ay kung wla pong titulo at right of way ang mag-aapply ng connection ay dapat po humingi sila ng right of way grant sa may-ari lalo na't wala din silang sariling titulo. Ngunit ng dumating po ang engineer ng meralco at nakausap naming ay sinabi lang nito na “meralco lang po ang may karapatan magdecide kung sino ang kakabitan ng kuryente dahil poste ng meralco yan.” Inulit po namin sa kanya na wala nga po right of way at titulo ung mga residente dun pero wala po sya masagot. Private property po ang compound naming at nung kami po ang nag-apply para mgkaron ng meralco connection samen ay humingi din kami ng right of way grant. Ang tanong ko po ay ano po ang sunod na hakbang ang pwede naming gawin since ung engineer na nag-inspect po ay mukhang pinagtatakpan ung butas sa concern namin. Open naman po kami na magkaroon na lang ng agreement sa mga residente na yon para po syempre alam din naming sa samahan kung sino-sino ang mga nakakabit sa poste na nakatayo sa loob ng compound, pero syempre po mas ok kung malaman muna ng meralco management ung mga kalokohan ng mga empleyado nila. Salamat po sa tugon ninyo. Smile

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum