Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

2 DIFFERENT NAMES REGISTERED IN NSO..TOO COMPLICATED

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

lenzalai


Prision Correccional
Hi the Birth certificate issue of my husband complicates everything in us now. this is kinda long story but i hope you will take time to read..i hope to hear your opinions and advice:

Ang asawa ko ay anak sa labas ng papa niya. When he was born, his father registered him and gave him his father's surname. Nung nag 3 years old na sya, dinala siya ng mama nya sa place ng mama nya since complicated na rin yung pagsasama nila ng papa ng asawa ko kasi nga may asawa. Since degrading sa pamilya ng mama niya ang pagiging kabit nga mama nya, ang ginawa ng hipag ng mama niya na nagtatrabaho sa LCR sa municipality that time, inirehistro ulit nila ang bata pero this time, ibang pangalan, ibang birthplace, and of course yung parents na nailagay sa new BC na ginawa nila ay nakapangalan sa  eldest brother ng mama niya who is also married na that time..para pag iniharap na ang bata sa parents ng mama nya, sasabihin nalang daw na anak ng kuya niya at siya na mag alaga...yun pala iniwan din ang bata sa parents ng mama nya kasi nag abroad ang mama nya...lahat ng school records ng asawa ko, ang pangalan na ginamit niya ay ang 2ng name na ibinigay sa kanya...nung nag high school na siya ay nakita nya sa mga papel ng mama nya ang pinaka unang birth certificate nya at saka ang pinaliwanag sa kanya..anyways, yung ginamit na pangalan niya til college ay yung 2nd name nya hanggan sa ngayon...

Nung nakakilala kami naging open naman sya sa akin lahat sa katunayan, 2 BC ang ipinakita nya sa akin..at sinabi niya sa akin na isa lang ang gagamitin nyang pangalan kasi yun na kinasanayan nya ta lahat ng records nya mula pagkabata ang yun na..Last 2009, nagkaanak kami, pinag isipan naming mabuti ang pangalan ng bata at sinabi ko sa kanya pwd din nmn apelyido ko nlng muna ang gamitin ng anak namin..Ang asawa ko ay sobrang disidido na di mauulit ang nangyari sa BC nya sa anak namin kc alam nya kng gano ka gulo..kaya kinaumagahan nung nanganak ako, pag gising ko ay may BC na ang anak namin, pati spelling lahat ay chineck ng asawa ko kc ayaw nyang may mali, of course apelyido nya ang ginamit ng anak namin..nung 2010 nag apply sa PNPA ang asawa ko (di pa kami kasal nun), nung kumuha sya ng NSO copy ng BC nya, dun lang nya nakita na yung parents nya sa BC ay yung uncle at auntie pala niya (kasi mas malinaw na yung copy kaysa nung copy na meron sya)..kaya tinawagan nya ang uncle nya at sinabi ang nalaman nya, yun pala di rin alam ng uncle niya na naging ama pala siya sa BC ng asawa ko. so pinapunta siya sa uncle niya at tiningnan ang BC niya, dun lang din nalaman na ang given name at middle name ng auntie niya, na mother niya sa BC niya ay mali mali pala, kasi ang reason nung auntie nyang isa na nagreigister sa kanya, hindi raw alam ang totoong pangalan at maiden name nung asawa ng uncle nya...

May 2012 when we got married, so we decided which name yung gamitin nya since ang baptismal naman nya ay yung pinaka unang registered name naman nya ang nakasulat..still he decided na kung ano ang ginamit nya sa lahat ng records nya at sa BC ng anak namin   ay yun na lang ang gamitin. lahat ng details sa BC nya ay yun din ang details sa marriage contract namin.

Last year, he decided to enroll in MIHCA for him to land a cruise ship job, so he got the requirements like BC..nung kumuha siya sa NSO, may annotations sa BC niya na nagsasabing, corrected na yung middle name nya at pangalan ng mother's name niya sa BC.  so ibig sabihin, yung middle name niya na ginamit mula noon hanggang sa mga legal docs namin ay binago na to the correct middle name. My questions now are these:

1.  Pwede ba nyang gamitin pa rin yung name na kinasanayan nya kahit may desisyon ng palitan? Pano sya kukuha ng passport?

2.  Right now kasi nasa crisis ang relasyon namin, sa katunayan inihabla ko sya ng RA 9262, can he chose which name to use since valid din naman yung unang name nya? or change his middle name instead para panibagong name na ang gamitin nya?

3. Maging invalid kaya ang kasal namin due to this if he opted to use his first registered name?

4.  ARe these changes affects also the BC of our child na ngayon ay nag aaral na rin?  

5. Since di pa kami kasal nung nagkaanak kami, so kailangan naming kumuha ng affidavit of legitimation para sa bata, will this also affect?

6. Can he obtained a CENOMAR again ang eventually remarry if he will use the name with the corrected middle name?


Ako ay naguluhan na sa lahat, di ko na rin alam kung may kahahantungan pa ba yung kaso ko laban sa kanya if ever he changes names?  

Please help me..I need your advice.. Thanks and God bless Smile

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum