Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

LIBEL,SLANDER,ORAL DEFAMATION,THREATS.I DONT KNOW WHAT TO DO PLEASE HELP ME..

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

anjexox


Arresto Menor
Meron po akong naging dating kaibigan na super close po kmi. Bigla nlng po nawala magandang pagsasamahan namin dahil po pinipigilan na ako ng asawa ko sumama at mkausap sya. Dahil nga po chinichismis nya ang pamilya ng asawa ko saakin. Like di daw po sila mga tunay na anak. Habang nasa trabaho daw po ang tatay ng asawa ko nakikipagtalik daw po umano ito sa trabahador. Minsan ho kasing narinig ito ng asawa ko kaya po pinipigilan na po ako nitong lumapit sknya.



Ngayon po pinagisipan po ako ng masama nga dati kong kaibigan kung bakit lumalayo na ako sknya. Hndi ko nman po masabi sknya kung anong dahilan dahil dinga po ako mkalapig sknya. At naisip ko din po na tama ang asawa ko. Dahil saksi ko po ang mga paninirang puri nito sa pamilya ng asawa ko.


Matapos po. Bigla na po kami lumuwas papuntang maynila dahil sa nag aaral naming anak. Nasa probinsya po lasi kami noon sa pamilya ng asawa ko. Pagkaalis po namin at nakaluwas na ng maynila dami na po nyang sinasabi laban saakin. Ako daw po ang naninira sa pamilya ng asawa ko at kung anu ano pa. Ginawan din po ako ng kwento at ikinakalat pa po nito na may mga naging lalaki daw po ako na nsa pulitika at kung anu ano pa.



Sa galit po ng asawa ko. Nag post po sya ng status sa fb ng tungkol din sknya. Puro masasakit din po pero di po nito minention ang full name nito. Pagkatapos po nun. Mas lalo pa po nyang pinalaki ng pinalaki ang chismis saakin. This time pati narin po ang asawa ko. Gumawa gawa na po ito ng kwento na may babae din ito at gumagamit ng bawal na gamot. Sa tuwing may kumakain daw umano sakanilang maliit na karinderya kahit di daw noto kilala ichinichismis kmi.



Kaya nman nainis na po ako. Nag private message po ako sa anak nya upang ipabasa sknya dahil di na po sya tumitigil sa pani ira saakin dun sa probinsya. Sabi ko po na magbayad sya ng utang saakin. Dahil nkahiram po umano ito ng 25k saakin. At sumagot po sila ang sabi daw po sisiraan ako at papatayin kaming lahat.sa sobrang galit ko po nkapagsalita din ako ng masasakit. At nakapag salita din po ako ng ilalantad ko ang pictures nyang hubad hubad sa publiko kung hndi pa nya kami tatantanan.


Yung pictures nya pong iyun ay binigay nya saakin noon bilang remembrance daw po.kumbaga biruan lang namin. Ginamit ko lang po iyun para sya ay manahimik na. Pero ang totoo po ay matagal na pong wala saakin ang mga pictures na yun dahil sinunog ko na po dahil kaibigan ko nga po sya ayaw kong may mkakitaan ang mga tao sknya ng di maganda.


Ngayon po ay pina summon nya po kmi ng asawa ko sa brgy at di na daw po ito makikipag areglo. Dahil daw po sa mga nasabi namin sknila. Ngunit wala nman po silang naipakitang ebidensya sa barangay tugkol sa status na ipinost ng aking asawa. Pero po kami naiprint po namin ang mga threat nya saakin at mga pananakot at paninirang puri. Ano po kaya ang magandang gawin po namin? Ano po ang magiging labas ng kaso? Sino po ang mananaig?



Maraming salamat po! Sana matulungan nyo po ako..

View user profile

anjexox


Arresto Menor
Nasabi din po pala nito sa barangay na kami daw po ang nauna at wala daw po itong utang saakin. Pinagpipilitan nya pong wala syang utang saakin. Ako pa po ang nagmukang sinungaling sa mga tao. Ano po kaya ang magandang gagawin ko laban sa kanila?

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum