Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Hit and Run

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Hit and Run on Sun Jul 12, 2015 6:36 am

maizuki


Arresto Menor
Nung 1220pm ng Mar. 20 papauwi na kami ng mga kaibigan ko at yung bf ko ang nagmamaneho ng sedan ng bro. ko. Ako ay nasa passenger seat sa harap at 3 naman sa likod namin, 5 kaming lahat sa loob. Habang pa-right turn kami sa mcdo, mindanao ave., may biglang kumalabog sa left side ng kotse namin. Akala naming lahat humps lng kaya dpo namin pinansin at dumiretso lng kami sa pagmamaneho. Nakauwi naman kami ng walang abirya. Pagkatapos po ng 1 linggo bigla nlng po nakatanggap ung kapatid ko ng alarma galing sa camp karingal. Alarma daw po sa kotse namin sa kasong 'hit and run'. Pinatatawag po kami kaagad sa camp karingal dahil daw po sa hit and run complaint ng 1 lalakeng nakamotor. Dahil litong lito at gusto din namin malaman bakit, dumiretso kami kagad sa camp karingal noong tanghali din mismo. Pagdating doon ang sabi nakabangga daw kami at nasa ospital yung nabangga namin, basag daw ang panga kelangan operahan. Gulat na gulat po kami ng marinig yung balita dahil wala po kaming alam na nakabangga pala kami. Nagkausap kami ng asawa ng complainant at humihingi sila ng areglo. Lahat ng gastos sa ospital, pagawa ng motor at 15k buwan buwan habang indi sya makatrabaho. Indi kami pumayag kasi indi namin kasalanan at di namin alam na ganun na pala. Ngaun po pagkatapos ng 4 months nareceive na po namin subpoena galing sa qc fiscals office. Pinapapunta po ang kapatid ko kc sya ang nakapangalan sa sasakyan. Sobrang kinakabahan npo ako kc pati kapatid ko na walang alam din sa nangyari ay madadamay din. Sa knya kc yung sasakya kaya sya ang nakasuhan. Mga tanong po:

- Ano po ang dapat namin gawin sa ponto na toh?
- May paraan ba para indi madawit kapatid ko? Inaako naman po ng bf ko na sya yung driver at gusto din sana namin ilaban sa korte dahil may ebidensya kami sa itsura ng dents sa kotse namin. Nasa likod po kasi so imposible po na kami ang bumangga. Imposible din na inatrasan namin sya dahil nasa highway kami. Isa pa maliit lng po ung dent sa left side likod at may gasgas ng onti sa gulong namin. Itsura po nya parang nadaplisan ng motor nya ung kotse namin. Maaaring mabilis sya at d naka brakes kagad sabay dumaplis sya sa likod namin. Indi po tlaga namin alam na nabangga nya kami lalo na kami bumangga.

- kung ilipat po pangalan ng sasakyan sa akin via deed of sale or change of ownership, maiiwasan na ba na madawit pangalan ng bro. ko?

- may nananalo ba sa mga ganitong kaso?

- pag may subpoena ba automatic may kaso na? May bad record na po ba ang kapatid ko kagad?

- Naghahanap din po kmi ng magaling na atty. Kung may mairerekomenda po kau malaking tulong po samin.

Sana matulungan nyo kami. Thank you so much

View user profile

2 Re: Hit and Run on Sun Jul 12, 2015 9:09 am

Filia


Reclusion Perpetua
1. Kahit ibenta pa ang kotse at ilipat sa ibang name, kuya mo pa rin ang makakasuhan kasi sa kanya nakarehistro ang kotse nung time ng pagkabangga. Kung ayaw nyo ng gulo makipag-ariglo kayo pero kung sure kayo na wala kayong kasalanan, harapin nyo na lang. Mapo-prove naman yan sa korte kung sino talaga ang may kasalanan at mapo-prove din na hindi ang kuya mo ang nagdadrive at di na siya magiging liable. But the only way to prove his innocence is to face the case.
2. Madali namang ipanalo ang kasong to kung ang ebidensya ay malinaw na nagpapahayag ng innocence nyo.
3. Ang paglabas ng subpoena ay way lang to inform your brother of the case and that he has the right to defend himself by filing a counter-affidavit. Kung msa tingin ng prosecutor ay wala talagang kasalanan ang kuya mo, pwede naman siyang idrop ng prosecutor sa mga defendants.
4. Kung wala pa namang warrant of arrest against sa kuya mo, wala pa yan. Di yan makikita pag kumuha siya ng NBI clearance.
5. Kahit baguhan na lawyer kaya to.

View user profile

3 Re: Hit and Run on Sun Jul 12, 2015 3:13 pm

maizuki


Arresto Menor
Thank you po sa mga sagot. Malaking tulog po ito para sa amin. Mga tanong pa po-

- ano ang mga paraan at kelangan i-accomplish para mapatunayan na wala po kasalanan brother ko. Para maipakita na inosente sya

- paano po namin pede madiin ang driver ng sasakyan (si bf) para sya ang umako ng mga babayaran?

- kelangan din po ba pumunta ng brother ko palagi or everytime may hearing? Or pede po sya magkaroon ng representative? Like ako bilang kapatid nya at kasama sa loob ng kotse?

- may instance ba na kalahati lng ang ibayad namin bilang areglo or danyos sa complainant?

Thank you po ulit.

View user profile

4 Re: Hit and Run Today at 11:29 pm

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum