Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

PO o Credit Purchases sa Mall

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 PO o Credit Purchases sa Mall on Wed Jul 29, 2015 3:00 pm

norellie


Arresto Menor
Hello po,


One of the services ng mga Mall eh ang tinatawag na PO or yung credit purchases. Magbibigay ng valide requirements at cash bond na nagsisilbing credit limit na din.


Ang kaso po kasi yung Nanay ko nag avail siya ng service nila na yun. 60,000 ang binigay niyang cash bond. And, then yung kaibigan niya na ang nagpautang sa ibang tao. Nung singilan time na, ayaw na nilang magpakita at magbayad. 2004 ang last transaction. Nung pumunta ang Nanay ko sa mall nila para ipa offset sana ang credit purchases, hindi pumayag ang taga opisina kasi nagexcess na due to interest. Kaya hindi na bumalik ng mall yung Nanay ko kasi wala din naman siya pambayad dun sa inutang ng mga kaibigan ng kaibigan niya. Hindi siya ang gumamit ng card. Sa sobrang laki ng tiwala.


Last week, nakatanggap kami ng letter mula sa Mall na umaabot na higit sa 8 million pesos ang balanse ng Nanay ko sa naturang Mall. Pinuntahan agad ng Nanay ko ang opisina. At napag alaman namin ang total credit purchases lang naman eh 43,000+ ni hindi lumampas sa nabigay na cash bond or credit limit. Ibig sabihin, ang higit 8 million pesos na sinisingil nila ay purong interest at penalties lamang.


Wala din kaming natanggap na mga notices galing sa Mall sa loob ng 11 taon. Sa pagkakaitindi ko po kasi yung cash bond ang magsisilbing pambayad ng mall sa mga nakuhang items kapag hindi na nakapagbayad.


Pwede po bang makahingi ng advise kung ano po ang mga dapat naming gawin.

Maraming salamat po.

View user profile

2 Re: PO o Credit Purchases sa Mall on Sun Aug 09, 2015 12:11 am

Filia


Reclusion Perpetua
Relax lang. Hintayin nyo na lang na magfle sila ng kaso. Sa tingin ko di naman sila papanigan ng korte kung panong ang 43k na utang ay naging 8 million. Grabe namang kalokohan to.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum