Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

kasong slander o libel?

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 kasong slander o libel? on Fri Aug 07, 2015 10:40 am

poyzamora


Arresto Menor
good evening po attorney.... meron po sana akong ikokunsulta. meron po akong kakilala dati na siniraan nya ako sa ibang tao. di lang isa yung sinabihan nya kundi marami po. pinagkalat nya po nakadispalko po daw ako ng pera sa dati ko pong pinagtatrabahuan. wala naman pong katotohanan yun attorney in fact bumibisita pa nga ako doon sa dating kumpanya na pinagtrabahuan ko. may napansin po ako sa ugali nya na ganun talaga sya malisyoso mag isip. ang tanong ko po..

una, ano po ba ang ikakaso ko sa kanya?
ikalawa matagal tagal na rin itong issue na ito nung nakaraang buwan pero pinapasensyahan ko lang po sya pero ngayon nagpasummon po sya sa baranggay kasi may utang po ako sa kanya na pera. pwede pa po ba ako mag file ng kaso sa punong barangay?

pangatlo po kelangan po ba muna ng witness bago mapatunayan na nakapagsabi nga sya ganung uri ng salita?

salamat po attorney.

View user profile

2 Re: kasong slander o libel? on Sat Aug 08, 2015 1:10 pm

Filia


Reclusion Perpetua
Pumunta ka sa prosecutor's office kasi sila ang magdedetermine kung ano ang ikakaso sa kanya kasi sa kanya mo masasabi ng detalyado ang mga pangyayari. Pero base lang sa sinabi mo, papasok yan sa oral defamation kung in person ginagawa ang paninira or intriguing against honor. Kung in any medium, libel yan.

Magfile ka sa barangay kung ang intensyon mo ay magfile din sa korte. Pero kung gusto mo lang ay masettle, i-raise mo na lang ang concerns mo sa hearing ng para sa complaints nya.

Mas mainam talaga na may witness para di magduda ang korte na gawa-gawa lang ang akusasyon mo kasi sa criminal case, guilty beyond reasonable doubt dapat. Dapat walang pagdududa ang korte na nagawa nga ng akusado ang akusasyon.

View user profile

3 Re: kasong slander o libel? on Thu Aug 27, 2015 9:46 am

marlo


Reclusion Perpetua

kung ang paninira po ay sa pamamagitan ng text, ito po ba ay halimbawa ng libel na at hindi oral defamation? i file po sa baranggay muna bago po sa court kung sakali?

maituturing po ba ang mga di makakatotohanang paninira tulad ng SMS text na "demonyong lalaki yun" at "sinasapian kasi yun" ? ito pa rin po ba ay libel? may moral damage po ba ito at magkano po ?

salamat po.


View user profile

4 Re: kasong slander o libel? Today at 10:28 am

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum