Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Pls help... Binabalewala ng Public Prosecutor

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Pls help... Binabalewala ng Public Prosecutor on Wed Aug 12, 2015 10:04 pm

advanced


Arresto Menor
Good Day po,

Meron po kmi staff n pinahuli sa Pulis dahil sa nawalang pera(lotto sales) sa shop namin. Actually po nag pa sama lang ako sa pulis sa pag punta s bahay ng staff namin para malinawan ako kung ano nagyari, At nung nsa police station na kmi inamin nya mga ginawa nya. na tumaya sya sa pag asang mananalo sya at ito ay umabot ng halos 200K. Dahil sa nalaman ko, nagpasya ako n kasuhan sya ng QUALIFIED THEFT. Nakulong po sya ng over night then the next day po ay nabistahan na sya. and habang nsa kulungan sya, Naki-usap sila n wag nlang sya kasuhan at babayaran nman daw nila ung Nawala kaya sabi ko na isulat lahat ng sinabi nya sa akin, at ginawa nman nya. (pru ung sulat n ito ay hindi ko pa binibigay sa pulis at sa prosecurtor)

Qualified theft po ung unang case, Kaya po sya nakulong ng 1week kasi no bail daw po ang Qualified theft lalo na amount n almost 200K, Peru after a week may nilabas n resolution ang prosecutor office na dismiss ung case na Qualified theft peru kakasuhan naman sya ng ESTAFA. kaya daw po sya nakapag post ng bail. Nag set n po ng Arraingment nung july kaya lang pareho po kmi di nag appear sa court kasi late ko n nareceived ung letter kya na re-sched ung arraingment ngaun August. Na arraign lang po sya this August lang,

During the arraingment, tinanong sya ng PAO kung ano isasagot nya sa arraignment, sabi nya n totoo daw lahat ng akusasyon sa kanya, pru sinabi sa kanya ng PAO na wag nya sasabihin yun sa harap n Judge, sabihin nya n NOT GUILTY. Nauunawaan ko po ito, TAMA po ung PAO dito. and nagrecommend po ung PAO nila n pumasok sa MEDIATON, pumayag po ako, kasi alam ko po n yun ang process.

Ung di ko po maintindihan ay ung pag uusap namin ng Public PROSECUTOR after the hearing. Sinabi po nya sa akin na makipag areglo na lang daw ako pra di na humaba ang kaso. tutal maliit lang naman na halaga ang pinag uusapan dito. Wala din nman daw mangyayari, at sa sobrang dami daw ng kaso sa court eh bka mabalewa lang daw ung case kasi maliit lang na kaso. Bka daw sa huli ay wla pa akong makuha.

TAMA po ba ito? dapat ba ako sumunod sa payo ng DAPAT Na nagtatangol sa karapatan ko? Maliit po siguro sa kanya pru sa akin ay kabuhayan ko na ito. Ano po Dapat ko gawin. Ilang beses na din po kasi kmi nag usap ng Kinasuhan ko, pru wla silang definite n solution n mabigay Gustuhin ko man n kumuha ng Private prosecutor ay di ko talaga kaya magbayad ng FEE nila. ung 200K ay patuloy ko pa din hinuhulugan sa PCSO.

View user profile

Katrina288


Reclusion Perpetua
Hi,

I'm sorry to learn about your situation.

Actually, tama naman yung sinasabi ng Public Prosecutor. He is concerned for you na mabawi mo yung pera kaysa magpatuloy ang kaso. Pag nakulong yung staff mo, mas lalo siya di makakabayad sayo lalo na kung wala naman siya ari-arian, tulad ng sasakyan o lupa, atbp. Pagtumakbo kasi yung kaso, maaaring abutin ng mahigit limang (5) taon ang kaso at wala pa yun kasiguraduhan kung mababawi mo yung pera (depende kung may pambayad yung staff mo).

Kung gusto mo talagang makulong yung staff mo sa ginawa niya, wag ka pumayag sa pakikipag-areglo. Kung mas mahalaga sayo sa ngayon na mabawi mo ng mabilis ng yung pera mo, makipag-areglo ka.

Isipin mong mabuti.

View user profile http://www.kgmlegal.ph

advanced


Arresto Menor
salamat po sa reply Katrina288.

If ever po ba na ituloy ko ang kaso, may laban po ba ako? kasi nung nasa kulungan ung staff ko ay nagbigay ung Kinakasama nya ng 23,500 n partial (pumirma ako ng acknowledgement Receipt sa pangalan ng BF nya Hindi sa staff ko) kaya ko po tinuloy ang kaso kasi wla n sumunod. Bka po kasi magamit nila ito laban sa akin. And gustuhin ko man po na maki pag areglo, kelangan po kasi na matuloy ung case kasi sa PCSO, kung wlang pending case sa teller, nirerequire nila na mabayaran ko na ung Buong amount plus penalties, ma close ung outlet ko and ako ung may kaso sa PCSO kasi ako ung Agent nila, ako ang may contract sa kanila. kelangan ko din po iprove sa PCSO na hindi napunta sa akin ung Pera. Pera na daw po kasi ng Government ang nawala. Medyo Naawa nman ako sa staff ko pru wla nman ako pang abono dun sa nawalang pera. kaya po kung di ako matutulungan ng Public Prosecutor, ako ang maiipit sa PCSO.

View user profile

Katrina288


Reclusion Perpetua
Kung may sapat kang ebidensya (dokumento at testigo) na ang staff mo nga ang may gawa, may laban ka. Kahit na nagbigay ang kinakasama niya ng 23,500, hindi yun dahilan para ma-dismiss ang kaso.

Ok, kung ganun pala, at pwedeng mong mapatunayan sa PCSO na hindi sa'yo napunta ang pera para hindi ka pagbayarin, ipagptuloy mo na lang. O kung makikipag-areglo ka man, pagbayarin mo ang staff mo kasama ng lahat ng dapat bayaran sa PCSO.

View user profile http://www.kgmlegal.ph

advanced


Arresto Menor
salamat po Katrina288

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum