Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

what case can i file against my live in partner (10yrs together with 2 kids)

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

anonymous.id


Arresto Menor
hindi ko na po alam ang gagawin ko.. pilit ko pong nag tiis nalang alang alang sa mga anak namin kasama na rin po dun ang sobrang pag mamahal ko sa ka live in partner ko.

tanggap ko na na hindi nya ako mahal, at hindi na raw sya makikipag balikan saakin, nirespeto ko naman po ang kanyang desisyon, ang kaso nga lang po, pinag kakalat po nya sa lahat ng kaibigan ko, kaibigan nya, at sa magulang ko na naging malaki daw po ang pag kukulang ko bilang isang padre de pamilya, pero ang tunay na dahilan talaga ay wiling wili sya sa mga nanliligaw sakanya, kahit pa nung nag sasama kami.

kahit po sarili kong nanay na nasa ibang bansa ay napaniwala nya na "imbalido" daw ako, masakit sa loob dahil mahal ko sya at hanggat maaari ayaw kong mahiwalay sa dalawa kong anak, ilang taon na po akong nag tiis, at hindi lang po ako isang beses pinalayas.

madami po akong pruweba na ginusto nya talagang maging single ang tunay na dahilan ng pag hihiwalay namin, tanggap ko naman na nag sawa na sya saakin, pero sana hindi na sha gumawa ng kwento tunkol saakin at ako ang naging dahilan ng paghiwalay namin.

ang hirap bumangon dahil sa mga sinabi nya tunkol saakin.. lahat ng kilala ko dismayado na saakin dahil sa mga kwento nya.

nag karoon kami ng dalawang computer shop (closed na), nakabili kami ng bahay (7m), tapos na rin ung hinuhulugang sasakyan (vios) nung nagsasama kami. hindi ko hinagad ang mga yan, kaya lahat yan sinabi ko sakanya nlng ipangalan. hindi ko habol ang kahit anu mang ari arian, hindi lang ako maka bangong sa stress na dinudulot ng tingin saakin ng mga tao dahilsa mga negative at lies na pinagkalat nya.

View user profile

anonymous.id


Arresto Menor
please help... pa advice po kung anu dapat kong gawin..

View user profile

marlo


Reclusion Perpetua
Magdasal ka para sa karagdagang lakas ng loob at damdamin sa mga pagsubok na pumapalibot sa iyong buhay.

Magsimula kang muli. At matuto sa nakaraan.

Kung magagawa mo pa counsel sa therapist at tingin mo eh makakabuti sa iyo yun, huwag kang mag dalawang isip.

View user profile

anonymous.id


Arresto Menor
alam po ng babae(ka live ko) na hindi nauubos ang pasensha ko sakanya. june 2010 nung una nyang nagawa sakin un, i caught them, nag wala po ako sa victoria court that time, i did not hurt anyone, nag bayad lang ako pintong nasira ko, and the establishment released me... isa lng po yan sa mga napag daanan ko sakanya thats why she treats me like this.

kanina pong umaga pina blotter nya ako sa brngay, and i only have 7 days to stay at our house, wla naman po akong ibang mapupuntahan, sobrng hiya ko po sa barangay dahil sa mga accusations nya na hindi naman totoo, buti kht papano napakiusapan sya ng brgy capt na atleast give me some time before i move out.

wla namn po akong balak na idiin sya or demanda sya, panghahawakan ko lng po sana itong idea na ito against her baka sakaling makonsensha pa sya pag nalaman nyang may consequences yung mga ginagawa nya. thnx po

View user profile

anonymous.id


Arresto Menor
sir marlo salamat po sa sinabi nyo... napakahirap po tlga ng situation ko pag napaalis nya ako dto... tatlong tshrits, and tatlong shorts lang po ang tangi kong madadala pagalis ko dto, kya sana po ma tulungan nyo ako.

View user profile

marlo


Reclusion Perpetua
Gulong ng buhay, move move on lang mga tao.

Konting tiis, makakalaya ka din sa nararamdaman mo.

Ang lahat ng iyan ay phase by phase lamang. Denial, Anger, Bargaining, Depression at ang huli, Acceptance

Bisitahin mo ang mga taong nagpapahalaga sa iyo. Bigyan sila ng oras at halaga para mapukaw ang isip at damdamin sa iba, sa halip na maglugmok habambuhay neh. Kaya mo yan ser Smile GL

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum