Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

HUMIHUNGI PO NG TULONG!!!!!

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 HUMIHUNGI PO NG TULONG!!!!! on Sat Sep 05, 2015 11:19 pm

ashley015


Arresto Menor
tanong q lng po nsa bataspo ba talaga ung visitacion rights ng ama sa anakko po?hindi po xa nagbbgayng supportsaanak nmn po..hnd rn po kme ksal..saklaw po ba s visitacion rightsang pagtulog ng anak q ama nia kht isang araw lng po ba?ayw ko po kc pygan na matulog anak q s ama nia dhl hnd mgndang impluwensya ang pamilya ng ama ng anak q..patulong po..maraming salamat po...

tanong q dn po pwd po b mging grounds s visitation rights ung mga nangyre s anak q nung tym n nsa knla anak q..ung paa ng anak ko ndurog ang kuko kc nahulugan ng liabe..tps napaso sa lutuan ang braso..tps pnaiinom ng gmot kpg my skt gaya ng antibiotic kht wlang check up galing s doktor at reseta nto..katwiran nla po kya un dn dw ang bnbgy nlang gamot s anak q dhl ung mga pinsan nia n bata dw eh un ang nging gamot nung ngkskt dw n kng anong sakit ang anak q n meron po..salamat s mga ssgot po..humihingi lng po ng tulong

View user profile

2 Re: HUMIHUNGI PO NG TULONG!!!!! on Mon Sep 07, 2015 11:08 am

Katrina288


Reclusion Perpetua
Hi,


Dahil hindi kayo kasal ng ama ng anak mo, ikaw lang ang may karapatan sa "custody" ng bata. Ibig sabihin, ang pwede lang gawin ng ama ay bisitahin sa bahay mo ang anak mo. Sa ilalim ng batas, wala siyang karapatan na i-uwi sa bahay nila ang anak mo. Nasa sa iyo na lang kung pumayag ka.

Pagdating sa suporta sa anak mo, maaari kang humingi ng "financial support" mula sa kanya basta siya ay may trabaho o pinagkakakitaan/negosyo. At basta nakapirma siya sa birth certificate ng anak mo or meron siyang Affidavit of Acknowledgment na kinikilala niyang anak ang anak mo.

Ang financial support ay para sa pagkain, tirahan, gatas, diaper, vitamins, atbp., tuition fee sa school, school supplies, uniform, atbp., at gamot o gastusin sa hospital. Ang halaga ng financial support ay depende sa pangangailangan ng bata at sa kakayahan ng ama magbigay ng "financial support".

Kung ayaw niya magbigay ng suporta kahit na siya ay may maayos na trabaho, maaari kang magpadala ng "demand letter" sa kanya na magbigay siya ng financial support o magfile ng criminal complaint sa Office of the City Prosecutor laban sa kanya sa paglabag sa Republic Act No. 9262 (Anti-Violence Against Women and Their Children) sa economic abuse.


Regards,

Atty. Katrina

View user profile http://www.kgmlegal.ph

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum