Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Abandonment and Concubinage

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Abandonment and Concubinage on Sun Sep 27, 2015 6:46 pm

Chimmy


Arresto Menor
Hi,

I need an advice patungkol mo sa husband ko na nasa Saudi Arabia.
We were both working poh nun sa Riyadh, nagdecide poh ako na umuwi noong July 2011 at sumunod po cya nuong may 2012 at nagpaksal po kami. 3 days after poh namin ikasal bumalik poh ng riyadh ang asawa ko. tapos the next month pinaprocess ko na yong mga papers ko pra makabalik ako ng riyadh under husbands visa poh.
mga 8 months poh maganda naman ang aming pag uusap, we skype everyday hanggang sa february 2013 na medyo nag-iba na ang aking asawa towards sa pakikitungo sa akin.
He asked for a space poh at everytime tinatanong ko cya if naapproved naba ang visa ko wala poh cyang maisagot. Until, unti2x na cyang nagbago at ayaw na poh akong kausapin kahit anongn pilit ko.
Bigla po cyang nawala na parang bola. That time wala poh akong work at umaasa lang poh sa padala niya, pero dahil nawala cya, natigil na din ang sustento nya. masakit poh ang pinagdaanan ko, kaso wala naman akong magawa dahil wala din akong mapagtanungan kung anu ang nangyari.
Nagdecide poh ako na hayaan nalang muna ang situasyon. 2014 nagdecide poh ako pumunta ng dubai para poh makapagsimula ulet. bale 2013 poh hanggang ngayon wala pa din poh kaming communication ng asawa ko kasi ayaw niya akong kausapin.

Just recently poh, may nakita poh akong post niya sa FB na nagvacation cya sa thailand at umuwi po ng pilipinas kasama ang babae niya, na save ko po lahat ng pictures nila bago pa niya eto matanggal sa FB niya.

Balak ko poh sanang magsampa ng case dun sa
asawa ko pag uwi ko ng pilipinas next year poh sa april 2016. Gusto ko magsampa ng RA 9262 Violence againts women (Emotional at economic abuse) at gusto ko din magsampa ng concubinage.
Ang tanong poh, sapat napo ba ang pictures as evidence na nakuha ko sa FB account niya upang masampahan cya ng concubinage? Di ko rin kilala ang girl wala poh akong details sa girl.pwede poh ba yon?
2nd question po, paano poh pa ang proceedings? kailangan ko ba na umuwi ng pilipinas kada my hearing kami??? nakabase din poh kasi ako sa dubai ngayon. Sa april 2016 po maximum 30 days lang ang vacation ko, sapat na kaya ang time na yan upang gumulong ang case ng asawa ko? Pls. poh. pa help poh. Gusto ko po talaga magsampa ng case laban sa asawa ko po.

Salamat.
Ymmich

View user profile

2 Re: Abandonment and Concubinage on Mon Sep 28, 2015 4:24 am

marlo


Reclusion Perpetua

Ang kailangan mong patunayan eh ikinasal sila sa lugar na nasasakop ng batas ng Pilipinas tulad ng Phil Embassy o local civil courts etc. O dili kaya, nagsasama sila sa iisang bubong na parang mag asawa ang turingan.

Kung may anak sila, ito ay matibay na ebidensya para sa gusto mong concubinage na ikakaso mo, bukod pa sa RA9262. Ebidensya tulad ng BC ng bata from NSO

Kung sila ay ikinasal, magiging evidence mo ay MC from NSO. At bigamy ang kasong ito kung mapapatunayan mo.

Sa ngayon, walang dahilan para sabihing wala ng bisa ang kasal ninyo dahil wala namang legal separation o annulment na nangyari base sa iyong salaysay.

Magtutuloy ang kaso, pero malaki ang chance na matatagalan ang desisyon dahil kakailanganin ka sa mga hearing cases. Pagisipang mabuti, trabaho mo o isasampang kaso mo.

Sa Pilipnas mo sila maaring kasuhan, mas maganda kung sila ay nasa Pilipinas dahil madadamay si kabit o si other woman sa kaso mo.

View user profile

3 Re: Abandonment and Concubinage on Tue Sep 29, 2015 4:34 pm

Chimmy


Arresto Menor
Maraming Salamat poh sa reply.

the only evidence i have is yung pictures nila sa thailand na cla lang 2 nung girl. I don't care how long the process will be as long as magkaroon ng case ung asawa ko.


View user profile

4 Re: Abandonment and Concubinage on Tue Sep 29, 2015 5:21 pm

marlo


Reclusion Perpetua
Isa siguro sa mahirap patunayan ay ang kasong bigamy at concubinage kung ito ay base lamang sa social/casual picture. Kailangan mong patunayan na sila ay nagsiping o nagsama sa iisang bahay o tirahan na bilang magasawa ang turingan para di iwas dismiss ang kaso.

Kakailanganin mo ang abogado sa laban mo. Goodluck.

View user profile

5 Re: Abandonment and Concubinage on Tue Sep 29, 2015 8:22 pm

Chimmy


Arresto Menor
Well, i think ung pictures na nasa akin is taken from thailand phi phi island. if i can't prove concubinage. i think my best option is RA9262. Yes, I am going to hire a lawyer;)

View user profile

6 Re: Abandonment and Concubinage on Wed Sep 30, 2015 2:57 pm

concepab


Reclusion Perpetua
Bigamy or concubinage committed outside PH is difficult to prove. Also since the crime happened outside PH territory, the crime cannot be tried by PH court.

Ganon pa man, maari kang mag-sampa ng kaso paglabag sa RA9262 laban sa kanya.

Hire a lawyer para mag-lalong mapag-aralan ang case mo.

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum