Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Grave threat against a pregnant and a lesbian

Dapat bang maisampa ang isang batas na magsasampa ng OTOMATIKONG kaso laban sa mga taong sumusumpa at nagbibigay ng statement sa korte mula sa pinagtahi tahing kasinungalingan?

100% 100% [ 1 ]
0% 0% [ 0 ]
Total Votes : 1

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Grave threat against a pregnant and a lesbian on Fri Dec 17, 2010 7:52 am

Lady09


Arresto Menor
Nangyari po ang insidente noong October 30-31, 2010, around 11:15pm - 12:15am.

Nagalit po ang treasurer(caretaker) ng apartment na inuupahan namin dahil nagpark ang bisita namin sa Commercial parking ng Apartment. Kami po ay nasa dulong unit (D) at ang treasurer ay sa harapang unit.

Nagkaron po ng komprontasyon, nagkapalitan ng maaanghang na salita at nauwi sa pagbabanta ng asawa ng treasurer na tatandaan ang mukha ng kapatid kong lesbian. Sinabi niya na iaakyat nila sa piskalya ang insidenteng yon kinalunesan agad.
Ilan po lamang sandali, bumalik ang asawang lalaki at paulit ulit na sinabing "Sasampahan ko ng kaso ang mga kapatid mo!" Pagkaraan ang ilang minuto, may kumatok na pulis sa pinto namin at nagusisa kung anong mga pangalan ng kapatid ko. Sinabi namin na ito ay isang maliit na di pagkakaintindihan at mareresolba sa maayos na usapan. Umayon ang pulis at umalis ng walang impormasyong nakuha mula sa amin.

Dahil sa holiday nung November 1,at marahil hindi nila alam ang pangalan ng mga kapatid ko, November 10 na nila naifile sa Makati RTC ang complaint nila.

Kami po ay nagpa blotter sa baranggay at sila ay sa police station.

Dumating po ang subpoena sa unit namin ngunit (1) walang naka-attach na copy of complaint. (2) ang pangalan po ay nakuha sa facebook. bagamat ang naka saad sa complaint nila, sa pulis nila nakuha ang mga pangalan. (3) Um-attend po kami sa piskal sa date na nakasaad sa subpoena. Nung araw ding yon (November 22, 2010) saka lamang po dumaan sa barangay ang caretaker para magcomplain. (4) Nung mabasa po namin ang Complaint-Affidavit, nabaligtad na ang pangyayari. Susuntukin daw sya sa mukha at hahampasin ng jalousie ng kapatid kong lesbian at susugurin ng kapatid kong buntis. Sinabi pa doon na may tinwagan po kami at inutasang pumunta doon para tapusin ang buhay nila. Babasagin ang oto nila pati na rin ang mga mukha nila.

Tanong po Attorney :
(1) Legal po ba na magpadala ng subpoena na walang copy ng complaint? Mayron po ba kaming maaring ireklamo sa ganitong sitwasyon?

(2) Kung makakausap po namin ang mga pulis at makumpirma sa kanilang hindi sila nagbigay ng pangalan, ito po ba ay magging paborable sa amin?

(3) Hindi po ba ito isang iregularidad? Ang ganitong kaso ay dapat dumaan muna sa barangay. Ma-issue-han sila ng Certificate to file action bago maisampa sa piskalya? Nung panahon po na iyon ay pareho kaming nasa iisang barangay at umalis na lang kami sa apartment noong November 24, 2010. Hindi ho kaya may kapit sila sa munisipyo kaya tinanggap ang complaint kahit hindi dumaan sa proseso? O may punto po ba sya sa pagsasabing natakot sila dahil susuntukin sya sa muka,kaya direct filing ito? Kami po ay puro babae at nasa dulo pang unit.

(4) Mayron po bang kasong otomatikong maisasampa sa kanila sa pagsumpa sa statement na hindi naman po talaga nangyari? O kami po ang pwedeng magsampa non?

(5) Maari nya po bang gawing witness ang asawa/companion nia nung gabing yon?

(6) Sa lunes na po (December 20, 2010) ang last pleading at magsa sumbit kami ng counter. Sa unang counter na ginawa ng PAO na pinuntahan namin, puro denial lamang po ang nilagay nya doon. Yung pangalawa at huling counter na isusumite namin ay sa Sabado, December 18, 2010, gagawin ng aming abogado. Ano po ba ang maari naming idagdag para mapalakas ang depensa? Ang pregnant sister ko po ay high risk at ang lesbian sister ko po ay 5'2" o 5'3" lamang po ang height at payat po. Bagamat kung titignan po ng kahit na sino, walang kapasidad ang 2 kapatid ko para gawin ang mga bagay na sinabi nila sa piskal, sa tingin nyo po, Attorney, maisasampa po ba ito sa korte?

MArami pong salamat sa oras. Ako po ay araw-araw na napapaisip dahil sa kasong ito. Magpapasko pa naman po pero mayron kaming alalahanin. Kami po ay naabala dahil lahat po kami ay nag oopisina.

Aasahan ko po ang inyong kasagutan. God Bless po at more power.



View user profile

attyLLL


moderator
1) it is not legally required that the complaint be attached to the subpoena. what is required is that the respondent is given a copy and that is accomplished when he attends and acquires a copy.

2) to my mind, it is of no issue how they learned the name of your sister. if you can get the police to issue a statement that they did not provide the information, then you can try to use that info.

3) on the complaint, what is the address of your sister? was it sent to the same house? if the case which was filed is grave threat then it is not required that a bgy conciliation is done. BUT if it turns out that it should be light threats, (which to mind this is), then the cert from the bgy is required. you can use this to challenge the complaint.

4) automatic??? i don't think so. someone has to provide proof.

5)of course.

6) oh, you already have an attorney. i suppose he would know better because he was able to interview your sister. i would not try to second guess him because he has better grasp of the facts.

my tip is that mere denials will make it very easy to have probable cause found against your sister.


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

Lady09


Arresto Menor
3. Sa Apartment po, same baranggay naka-address ang subpoena.

6. Opo pero sana gusto rin namin makahanap ng maaaring ibutas sa kaso. Since hindi po kami gaanong nakakapagusap ng Lawyer namin. Nag-abot lamang po kami ng statement and from there, gumagawa po sya ng affidavit.

Ibig nyo pong sabihin, deny lang po ng deny ang sagot namin? Mamaya na po ang last pleading. Based on your judgement, posible po bang umabot pa ito sa korte?

Maraming salamat po sa advice nyo, Attorney. Malaki pong tulong ang ganitong forum.

God Bless po and More power.

View user profile

attyLLL


moderator
no, what i meant is that if you simply deny, that is poor evidence. i cannot make any comment on the merits without reviewing the entire case, but I hope you are able to relate your version of the events with evidence to back you up. good luck.


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum