Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Demands ng Ina

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Demands ng Ina on Sat Oct 03, 2015 7:22 am

gt.gbet


Arresto Menor
Eto po situation;
-kasal kami
-3 anak namin
-employed ako dito sa Manila
-plain housewife sya sa probinsya
-nakatira sila sa in-laws ko

A) ganito po kasi.normal naman po sa mag-asawa ang mag-away
kaso, umaabot po kasi sa sakitan.kahit kunting diskusyon lang,pag umaabot na sa debate,nagkakapikunan na.pero malumanay pa rin delivery ko,yung pinapaliwanag ko sarili ko na wag sya magalit kesyo;
-diskusyon lang to
-di ko sinasabing mali ka, eto lang ang sinasabi ko
-wag ka magalit sakin, dahil wala naman akong sinabing mali ka.

tapos syempre linya nya, patahimikin ako, kesyo ang dada ko daw.
syempre as lalaki, normal namang matamaan pride ko(although I admit mali pa rin yun).gang sa makapagsalita pa rin sya ng nakakapikon, and ang nakakatawa, napipikon naman ako, at nakakapagrebut ng nakakapikon with the intent na parealize sa kanya na may pangcounter ako related sa mga binibitawan nya.tapos tatahimik bigla lahat.lalayo sa isa't isa..

tapos maya maya, susugod na sya..ang kapal kapal daw muka ko at nasambit ko mga sinabi ko..tapos mananakit na sya..sampal, sabunot,at mabibigat talaga..maangas na papamewangan ka pa pagkatapos kang sampal sampalin..yung kampante syang mananalo sya sa sakitan kasi siguro sa tingin ko;
-wala na syang pakialam kung umabot sa patayan
-dahil lalaki ako at babae sya, kaya ko syang talunin sa pisikalan, pero dahil babae nga sya, kung iaabot sa suplungan, ako mapapasama due to violence against women.

B) Aminin ko, unang mga taon ng pagsasama namin, nakakalaban din po ako
-ako unang sumampal(1x),dahil ako unang napikon sa sagutan, at sumunod nun, sya na ang nagrampage na di na ko dumepensa kasi nabigla ako mali din pagsampal ko.hinayaan ko syang sampalin, sabunutan, lahat..malala nakadampot sya kutsilyo nasaksak sa braso ko..mababaw naman pero yung thought na nasaksak lang..hinayaan ko lang..tumigil sya dun, at nagkulong lang ako sa cr.umiiyak kame pareho.di ko na alam pano naayos
-may ibang away din na napipihit ko sya.yung nasasakal ko sya sa sobrang pigil at yakap para lang tumigil sya  at makipag usap ng maayos(which is mali pa ring gawin kong mamilit)

nagloko din po ako,nagkarun ng 3rd party.di ko na sya pabubutihin kasi mali pa rin naman talaga ang 3rd party.pero tapos na po yun matagal na din po.


kwinento ko lahat to para lang masabi na di rin naman ako matino at some points,or madalas siguro.
eto po actually gusto ko lang maging fair, or at least inform nyo ko sa tama at mali, pati na rin po ang legalidad ng mga bagay bagay.


Yung A po sa taas ang huli naming pag aaway.ang naisumbat ko po kasi sa kanya, user sya.nabigla na din po ako eh..wala akong intensyong makasira sa pagsambit ko sa kanya ganun, nadala lang siguro ako at yun po nagamit kong salita
-hawak po nya payroll atm ko
-pinaubaya ko, pero at some point, gusto kong bawiin pero ayaw na nya ibigay,lalo na kung dahil sa nag aaway kami
-kinukuha ko dahil bilang ako nagtatrabaho, ako ama, ako magdedesisyon
-ayoko ding ako pa ang humihingi sa mismong pinagtrabahuan ko
-realidad lang sakin, ako nagtrabaho, ako sana magdesisyon.

yan mga nirason ko, pero eto naman nirason nya
-sya ang ina, dapat lang daw na sya ang humawak
-sya kasama mga bata, kaya sya nga dapat humawak(di kami hiwalay,dito lang ako nagwowork sa manila at di ko pa sila dalhin dito)
-nagtatrabaho ako kasi ako ang ama, kaya ako may sweldo, sya nagtatrabaho sya bilang ina,pero wala syang sweldo,kaya wag ko daw siya maliitin dahil mas mahirap daw trabaho ng ina
     (wala akong kontra sa pagiging ina nya, pero sa nakikita ko, base na rin siguro sa obserbasyon at gusto ko sanang maging standard ng isang ina, gaya ng tutuk sa suporta sa assignment mga bata, malalim na pagpaliwanag ng mga tama at mali sa mga bata, parang nakukulangan ako)

1. kung maghihiwalay kami, sa kanya daw mga bata,at magdedemand sya ng amount na allowance nila
2. kung sakin naman mapupunta mga bata, which is ang plano ko is sa parents ko muna sila, idedemand nya daw na magresign ako para matutukan ko mga bata ng personal.or maghanap ng malapit na trabaho sa mga anak ko

since di ako magreresign, demand nya yung sa 1.

ang sakin lang, anu po karapatan ko pa?mahal ko rin naman sya pero sumusobra naman na sya at halata kong wala na rin sya interes.kaya siguro nasambit kong user sya.kasi ginagamit nya karapatan nya sa mga bata para mapasunod ako sa perspektibo nya

View user profile

2 Re: Demands ng Ina on Sat Oct 03, 2015 7:29 am

gt.gbet


Arresto Menor
sabihin ko ng,mas napapasama ko ugali nya dahil sa mga gusto ko ring mangyari.mas sumasama tingin nya sakin dahil sa pagsasama namin pag taghirap.masaya naman kami kapag sagana..pag gipit lang talaga minsan nagkakawatak watak

nakakasakit na din kasi sya pisikal, at emotional.even social kasi ilang beses na rin akong napahiya sa publiko, kasama na dun yung pagsampal sampal sa plaza at pagdrag..ayoko po nga kasi lumaban kasi babae pa rin naman sya,at andun na din po yung takot kong maparusahan sa legalidad

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum