Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

OFW Mother

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 OFW Mother on Sun Oct 18, 2015 12:35 am

hunnypo


Arresto Menor
May 1 yr old son po ako. Paalis po ako ngayon at maiiwan ko po ang pangangalaga ng 1 yr old kong anak sa exbf ko at sa pamilya nito dahil wala po akong maasahang ibang mag alaga. Ang problema ko po hindi po maganda ang trato sa akin ng exbf ko at ng pamilya nito. Pero mabuti naman po ang trato nila sa anak ko kaya wala naman po akong pangamba para sa anak ko. Kaya inaasahan ko nalang po na makamusta ang anak ko sa pamamagitan ng pagbisita ng kapatid ko sa anak ko. Nag alok din po ako ng financial support sa kanila ngunit parang masama po ang naging dating sa exbf ko na walang trabaho at umaasa sa magulang. Maaari po bang makuha ng kapatid ko ang anak ko kung sakaling maging ok na at kaya niya nang alagaan ang 1 yr old son ko? May mga inaasikaso lang po kasi sa ngayon ang ate ko kaya hindi niya po kaya pang alagaan ang anak ko. At kung sa pagbalik ko po pwede po bang mangyari na hindi na nila ibibigay sa akin ang anak ko? Hindi po kami kasal pero nakasunod po ang surname sa kanya. Kung hindi po ba nila tatanggapin ang suportang pinansyal na ibibigay ko magagamit po ba nilang grounds iyon para masabing inabandona ko ang anak ko. Ofw po ako upang masuportahan ang 2 kong anak. Ano po ba ang dapat kong gawin para masiguradong sa pagbalik ko ay makuha ko pa rin ang custody ng anak ko. Nagkahiwalay po kami dahil sa madalas na pagmumura sa akin ng exbf ko, minsan nya na rin po akong nasaktan at naging bobo, tanga, at utak ay nasa talampakan sa kanya. Marami po syang masasakit na salitang binibitawan sa akin sa harap pa po ng panganay kong anak na 10 yrs old lang. Kaya po ako nakipaghiwalay sa kanya. Nagagalit po sila sa akin dahil may pinagdaraanan daw po ang exbf ko. Pero buntis pa lang po ako sa bunso ko ganun na ang naging trato sa akin ng exbf ko na hindi nila naisip na buntis ako. Wala po syang trabaho kaya po ako mag aabroad. Hanggang ngaun po kapag kakamustahin kp ang anak ko ay nagsasalita pa rin sya ng hindi magagandang salita sa akin. Ano po ba ang magiging laban ko para makasiguradong makukuha ko po ang anak ko sa aking pagbalik. Maraming Salamat po. God bless.

View user profile

2 Re: OFW Mother on Sun Oct 18, 2015 1:38 pm

concepab


Reclusion Perpetua
Bakit hindi sa parents mo or kapatid or even relatives. kadalasan kasi sa ganyan e nagkakaproblema sa bandang huli. madalas na nangyayari ay nagrereklamo ang mother dahil parang ginagamit na ang bata para makahingi ng pera. at may mga pagkakataon pa na itinatago ang bata sa mother.

View user profile

3 Re: OFW Mother on Mon Oct 19, 2015 8:20 pm

hunnypo


Arresto Menor
Yun nga po ang problem ko dahil sa ngayon wala talaga akong mapag iwanan sa anak ko kundi sa tatay. 3 lang kasi kming magkakapatid sakitin pa ang ate ko, ung kapatid kong lalaki manganganak din kc ung asawa at tatay nalang ang meron ako pero nagttrabaho pa. kya nagtatanong ako kung sakaling maging ok ang ate ko makukuha nya kaya ang anak ko. at kung sakali man abutin ng matapos ang contract ko sa trabaho abroad makukuha ko naman ang anak ko? gusto ko sanang maliwanagan. Salamat.

View user profile

4 Re: OFW Mother on Mon Oct 19, 2015 9:07 pm

concepab


Reclusion Perpetua
hunnypo wrote:Yun nga po ang problem ko dahil sa ngayon wala talaga akong mapag iwanan sa anak ko kundi sa tatay. 3 lang kasi kming magkakapatid sakitin pa ang ate ko, ung kapatid kong lalaki manganganak din kc ung asawa at tatay nalang ang meron ako pero nagttrabaho pa. kya nagtatanong ako kung sakaling maging ok ang ate ko makukuha nya kaya ang anak ko. at kung sakali man abutin ng matapos ang contract ko sa trabaho abroad makukuha ko naman ang anak ko? gusto ko sanang maliwanagan. Salamat.

It's your choice. Ikaw ang higit na nakakakilala sa ex-BF mo.

View user profile

5 Re: OFW Mother Today at 8:17 am

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum