Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Prime Alliance Management Recovery Inc

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Prime Alliance Management Recovery Inc on Fri Oct 30, 2015 12:25 am

Supermom29


Arresto Menor
Hi Atty. May Hsbc credit card po ako 4 years ago. Ang naaalala ko po na unsettled balance ko is 28k however di ko po sya mabayaran kasi nalock ang online account ko so i emailed Hsbc about it. No response. Ilang beses po ako nag email kasi i wanted to know kung magkano ang babayaran ko. Ngayon after 6 months may kumontak sa akin and asking me to pay 70k. Syempre di po ako nagbayad kasi i believe hindi ko kasalanan kasi nagreach out ako, di nila ako nireplyan. Ngayon atty. Nakalipat nako ng trabaho and di ko na naupdate profile kasi nga di ko alam ang password. Nagulat na lang po ako may nangungulit sa office na tawag ng tawag at magbayad na daw po ako ng utang ko. Atty 10:30 ng umaga kasagsagan ng dami ng ginagawa ko. Nagddivert ang missed calls ko po sa ibang office so yung isang kaopisina ko po e tinawagan na yung missed calls. Inadvise nya na wag tumawag kasi po di kami allowed mag accept pero tawag pa din ng tawag. More than 10 calls a day. Tas after a week may nagpunta na lalake sa office and pilit po ako pinapakausap dun sa babae. Sinabi nunh lalake na ayaw ko nga kausapin yung nasa kabilang line. Bigla po sya nagsalita ng "So ano? Ganun ganun na lang yun. Aalis ka na lang dyan? Wag kang aalis dyan hanggat di ko nakakausap yan kasi di nanaman ako kakausapin nyan." grabe atty. Ayaw nya talaga umalis e nasa office ako. Tas sabi ko ganto na lang kukuha ako ng atty para dito at kay hsbc ako makikipag usap. Ang sabi po ng babae "ano? Kukuha pa sya atty e wala nga sya pambayad ng utang nya " Sinabi ko na wala pa ako pambayad. Kapag may pera ako magbabayad ako pero kay hsbc ako makikipag usap. sobrang harassment po talaga. Ano po ba ang dapat kong gawin sa kanila? Napakarude po at nanghaharass.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum