Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Need your legal advice po.

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Need your legal advice po. on Fri Oct 30, 2015 4:38 pm

Mommy78


Arresto Menor
my husband is filing annulment .
I am married with one kid. My husband was working abroad for about six years.In that six years with his first 2 yrs. we been ok until na bumalik siya ulit sa abroad.
On his stay there, "word fighting" on fone, and internet has always been there because of his too much jealousy and lack of trust on me and mga pinapagawa nya sa akin if magchat kami na hindi ko gustong gawin.But i've been good and true to him from the time we've known each other..Most of the time i receive words which are "below the belt" and insulting my personality.He's always thinking that i have a guy..

Until po ng umuwi sya ng 2012 for vacation parang iba na po ang pakikitungo niya sa akin mas marami na po akong nariinig na masasakit na salita sa kanya and paratang which hindi ko naman ginawa until bumalik sya abroad.

Nang bumalik po siya doon enopen ko po ang email add nya whish is ang password provided nya until I discover ang isang email add niya na may naging GF sya na sumundo sa kanya sa airport and they slept together and binigyan nya ng pasalubong and he even introduce to our son through facetime. Ito po ang nabasa ko lahat sa chat nila nong babae and may iba po po sya nakarelasyon sa abroad na nagkaroon sila ng sexual intercourse. Kaya po ng magfacetime kami I confronted him and he admit it kahit po sa imsg. kaya po napagkasundoan namin through mail na maghiwalay kami and wala na kaming pakialam sa isa't isa and he will still support my son monthly. Sinabi din po nya sa akin na maghanap na rin ako ng lalaking makakaintindi sa akin. Until 2014 I meet a guy and naging ka live in ko po for how many mos. until nabuntis po ako and iniwan din po ako ng mag 5mos. ang tyan ko and talagang hiwalay na kami.

Nang malaman po niya na nanganak ako nagmsg. po ang husband ko na magpapadala pa rin sya pero hindi na sa akin pero po inisuggest ko rin po sa kanya bago sya nagmsg. na sa mama kona lang sya magpadala para sa anak namin para wala sya masabi. sa 3 yrs. po na d sya umuwi for atleast 5 times lamg po sya nagcommunicate sa anak namin and 1 yr. po sya di na nagsustento.

Ngayon po umuwi sya dito sa pinas kasama ang mistress nya sa abroad and nagmsg. po sya sa email ko na gusto nya hiramin ang anak namin from Oct. 29-Nov. 4 ok po sana ako pero ang gusto ko po is magkita lang sila and di nya dalhin kung saan kasi baka di nya ebalik ang anak namin which is ayaw rin sumama sa kanya,my son po is 8 yrs. old.Before po sana sila magkita gusto o sana magpirmahan kami ng agreement kaya lang ayaw nya magpakita and sabi nya nagfile na sya ng annulment na gusto nya pirmahan ko agad hindi ko na daw po basahin and dapat daw makipag cooperate ako kasi daw if ayaw ko ededemanda nya ako ng adultery,yan po ang palagi nya tinatakot sa akin. And he also said na may matanggap daw ako na sumon from court para daw ako kausapi ng psychiatrist and pati daw mama ko. Ano po bang dapat kung gawin? sabi niya sa akin if magcooperate ako 6-12 mos. daw annul na kami which is gusto ko rin na maannul kami pero ang gusto ko rin po is magkasundo kami para sa sustento sa bata pero sabi nya nakapagfile na rin daw po sya para sa bata d daw nya kukunin. Gusto nya sya ang masunod lahat . Ano po bang pwd kong magawa regarding dito?

View user profile

2 Re: Need your legal advice po. on Sat Oct 31, 2015 7:40 pm

marlo


Reclusion Perpetua

Dahil kasal kayo, maari ka nyang sampahan ng adultery case. Dahil nagbuntis ka sa hindi mo asawa o nanganak ka mula sa dati mong kalaguyo, malakas ang ebidensya ni mister at mag prosper ang adultery case niya laban sa iyo. Kung iyan ang intensyon niya sa iyo.

Ngayon, kung kaya mong patunayan sa court na siya at kalaguyo niya ay nagsasama sa isang lugar o may anak na sila, maari mo silang kasuhan ng concubinage case. Dawit ang mistress kung alam na ni mistress na kasal na pala si mister sa iyo.

Dahil hindi pa annuled ang marriage ninyo, siya ay may obligasyong magpadala ng spousal support sa iyo at financial support sa anak ninyo. Otherwise, maari mo siyang sampahan ng RA9262 case for non support habang nasa Pilipinas pa siya. At kung siya ay nagpakasal na sa mistress niya, bigamy case ang maari mong isampa.

Kung ang intensyon nya lamang ay annulment, hindi ground ang adultery or infidelity sa annulment afaik. Maari sigurong pscy incapacity ang gamitin niyang ground. Kung annulment ay nais mo, karaniwang mapapabilis ang annulment kung i acknowledged mo ang notice at hindi ka magpapakita sa korte. Ito ay base lamang sa nababasa ko at higit sa lahat, kung ito ay kaya patunayan ni mister sa court.

Kung ano man ang case na isasampa mo o niya, sa court maaring pagusapan at pagkasunduan ang monthly support niya sa iyo at sa anak mo kasama na din ang visitational rights ng ama ng bata. Iyun ay kung aattend ka sa court hearing ng annulment o magsasampa ka ng concubinage o RA9262 case laban sa kanya. Maibigay man ang annulment case, obligasyon ni mister na magpadala ng regular na financial support sa bata.

Call mo yan kung anong gusto mong gawin. Kakailanganin mo ang abogado anuman.

Yun lang, parehas kayong may sala base sa salaysay mo. At sa court, natural na pinapanigan kung sino ang may malinis na kamay sa kaso.

View user profile

3 Re: Need your legal advice po. on Sat Oct 31, 2015 10:22 pm

Mommy78


Arresto Menor
May msg. Po kasi sya sakin latest na dapat daw po ay susunod ako sa kanya kasi daw po kung hindi sasampahan nya ako ng adultery. Tapos 1yr. Po sya d nagsupport sa anak ko kasi daw po may anak at kinakasama daw ako which is 5mos. Pa lang ang tyan ko hiwalay na kami. Tanong ko lang po pwd po bang maging basihan yan para magfile na ako ng RA9262?kailan po ba ako pwd makapagfile niyan?and yon po bang mga pix na magkatabi sila natulog and umamin sya thru msg. Na may mistress sya pwd po ba yong basihan and mga pix nla sa babae na magkasama ngayon na umuwi at nagtour dito sa pinas? Aq po kasi noon ay verbally,physically,emotionally abuse nya. Pati po anak namin pwd po ba yan basihan for the custody ng anak ko?Ang adultery case po madali lang po ba yan na esampa and maprocess in my case?salamat po.

View user profile

4 Re: Need your legal advice po. on Sun Nov 01, 2015 12:28 am

marlo wrote:
Dahil kasal kayo, maari ka nyang sampahan ng adultery case. Dahil nagbuntis ka sa hindi mo asawa o nanganak ka mula sa dati mong kalaguyo, malakas ang ebidensya ni mister at mag prosper ang adultery case niya laban sa iyo. Kung iyan ang intensyon niya sa iyo.

Ngayon, kung kaya mong patunayan sa court na siya at kalaguyo niya ay nagsasama sa isang lugar o may anak na sila, maari mo silang kasuhan ng concubinage case. Dawit ang mistress kung alam na ni mistress na kasal na pala si mister sa iyo.

Dahil hindi pa annuled ang marriage ninyo, siya ay may obligasyong magpadala ng spousal support sa iyo at financial support sa anak ninyo. Otherwise, maari mo siyang sampahan ng RA9262 case for non support habang nasa Pilipinas pa siya. At kung siya ay nagpakasal na sa mistress niya, bigamy case ang maari mong isampa.

Kung ang intensyon nya lamang ay annulment, hindi ground ang adultery or infidelity sa annulment afaik. Maari sigurong pscy incapacity ang gamitin niyang ground. Kung annulment ay nais mo, karaniwang mapapabilis ang annulment kung i acknowledged mo ang notice at hindi ka magpapakita sa korte. Ito ay base lamang sa nababasa ko at higit sa lahat, kung ito ay kaya patunayan ni mister sa court.

Kung ano man ang case na isasampa mo o niya, sa court maaring pagusapan at pagkasunduan ang monthly support niya sa iyo at sa anak mo kasama na din ang visitational rights ng ama ng bata.  Iyun ay kung aattend ka sa court hearing ng annulment o magsasampa ka ng concubinage o RA9262 case laban sa kanya. Maibigay man ang annulment case, obligasyon ni mister na magpadala ng regular na financial support sa bata.

Call mo yan kung anong gusto mong gawin. Kakailanganin mo ang abogado anuman.

Yun lang, parehas kayong may sala base sa salaysay mo. At sa court, natural na pinapanigan kung sino ang may malinis na kamay sa kaso.

Isn't the husband in pari delicto? Wouldn't that bar him from filing adultery case?

View user profile

5 Re: Need your legal advice po. on Sun Nov 01, 2015 1:22 pm

Mommy78


Arresto Menor
Isn't the husband in pari delicto? Wouldn't that bar him from filing adultery case?

View user profile

6 Re: Need your legal advice po. on Sun Nov 01, 2015 9:07 pm

marlo


Reclusion Perpetua
Mommy78 wrote:May msg. Po kasi sya sakin latest na dapat daw po ay susunod ako sa kanya kasi daw po kung hindi sasampahan nya ako ng adultery. Tapos 1yr. Po sya d nagsupport sa anak ko kasi daw po may anak at kinakasama daw ako which is 5mos. Pa lang ang tyan ko hiwalay na kami. Tanong ko lang po pwd po bang maging basihan yan para magfile na ako ng RA9262?kailan po ba ako pwd makapagfile niyan?and yon po bang mga pix na magkatabi sila natulog and umamin sya thru msg. Na may mistress sya pwd po ba yong basihan and mga pix nla sa babae na magkasama ngayon na umuwi at nagtour dito sa pinas? Aq po kasi noon ay verbally,physically,emotionally abuse nya. Pati po anak namin pwd po ba yan basihan for the custody ng anak ko?Ang adultery case po madali lang po ba yan na esampa and maprocess in my case?salamat po.

Maaari ka namang mag file ng RA9262 kung iyan ay nais mo laban sa asawa mo at kung kayang patunayan sa court.

Ang case na concubinage ay mahirap patunayan sa court. Case to case karaniwan yan kahit na magkasama sila sa pictures o 'dating' social pictures eh mahinang ebidensya yan imho. Hindi ibig sabihin nun eh mistress na yung girl at nagsiping na sila. Dahil imho ang kailangan patunayan mo sa concubinage case ay nagpulot gata sila o nagsama sila sa iisang tirahan na magasawa ang turingan. Kung nagkaanak sila, malakas na ebidensya yun laban sa asawa mo.

Kung inamin niya ito at napatawad mo naman siya, maaring may issue din ito sa court kung patunayan naman ng asawa mo na napatawad mo sya (pardon). At nagkasundo kayong maghiwalay dahil dun sa pakikipagsundo mo sa kanya...Depende sa isasalaysay na ipapasok mo at ng asawa mo sa court sa usapin na ito.

Mawalang galang, kung ang anak mo na hindi nya anak ang magiging ebidensya niya sa adultery case laban sa iyo, hands down malakas na ebidensiya ito laban sa iyo. Birth certificate lang ng bata ang katapat niyan siguro, kahit alam natin sa salaysay mo na both parties stand in pari delicto, parehas me bahid ang kamay ika nga, ang ebidensya na may merit sa court ang labanan nyo diyan. 

Kailangan mo ng abogado, sumangguni para makakuha ka ng legal na advise.

View user profile

7 Re: Need your legal advice po. on Thu Nov 05, 2015 8:10 pm

Mommy78


Arresto Menor
pero sa birth po ng anak ko ang apelyedo po na dala nya ay ang apelyedo ko nong single ako and sa father po ang nakalagay is unknow.so pwd rin po ba na malakas na ebedensya?

View user profile

8 Re: Need your legal advice po. on Thu Nov 05, 2015 8:13 pm

Mommy78


Arresto Menor
pwd din po bah na magfile ako nga RA9262 abandonment kaht nagprocess pa ng annulment namin kasi 1yr. sya di nagsustento.

View user profile

9 Re: Need your legal advice po. on Sun Nov 08, 2015 1:37 am

Sadmom


Arresto Menor
Pirmahan mo na lang yung sa annulment para pareho kayo lumaya pero dapat basahin mo rin. Then file ka petition for child support para mag support sya sa anak nyo.

View user profile

10 Re: Need your legal advice po. on Sun Nov 08, 2015 12:21 pm

Mayamarie


Arresto Menor
Hello ask ko lang po. Pwede po bang kasuhan ni mistress si mister kung linihim nya na may asawa sya.

View user profile

11 Re: Need your legal advice po. on Sun Nov 08, 2015 8:54 pm

tiffanysuede


Arresto Menor
gud day attorney,ikunsulta q lng po un case ng kapatid q laban s kapitbahay nia.magkaaway n po sila.itong kapibahay ng kapatid ko binuhusan/sinabuyan ng tubig yung kapatid q na nauwi s pisikalan dhil sinugod ng kapatid q un kpitbahay nia n umabot s pagkatanggal ng ipen at pumutok po un ibabaw ng bibig nia n nagkaroon dw ng 2stiches according s kapitbahay nia.un kaaway po ng kapatid q nagsampa po ng kaso s cityhall ng serious pisikal injury at kinahapunan po nun nagpopost n po un kapitbahay nia s facebook n nag akusa s knia ng sinungaling at kriminal dw po xa at pinost ng kapitbahay nia un mga picture ng tinamo nia s pag aawy nila ng kapatid q dun n po maraming nagcomment at nkisali imbes n paupahin ang alitan ng dalawang panig un isang kapatid po ng kapitbahay nia n hindi nmn po kasali s away nila ay pinost po picture ng kapatid q dun s comment n un
at inaakusahan din nia ng kriminal at cnv n kung cnu dw makahanap s kapatid q ipagbigay alam dw s knila dun s facebook n prang may pinatay ang kapatid q.nun oct.29 nkresib po ng subpoena un kapatid q ngaun po s nov.10 po un preliminary imbestigasyon pede po b mkipagsettle un kapatid q s nkaaway nia dahil hinihingan xa ng 3,700 or nid p po b nmin sagutin un subporna at magpafile ng counter affidavit kapatid q gus2 po sampahan cla ng cyber bulying s pagpopost nila s fb nascreen shot po ng kapatid q lahat ng post nila ng pagaakusa hangang ngaun po ginagamit nila un acct n un kun san cla nagpost,isang matibay n ibedesya po b un?paanu po kung binura n nila agad un post n un?kung sakali po matalo kapatid q anu po b kakaharapin nia punishment?really nid your reply.maraming salamat po.

View user profile

12 Re: Need your legal advice po. on Sun Nov 08, 2015 8:56 pm

tiffanysuede


Arresto Menor
s subpoena po n un ksama un tatay q n umawat lng s pag aaway nila cnv po s salaysay nun kaaway n hinawakan dw xa ng tatay q at pinagtulungan dw xa

View user profile

13 Re: Need your legal advice po. on Mon Nov 09, 2015 1:15 pm

Mayamarie


Arresto Menor
Bakit po wala akong nakukuhang sagot dito?

View user profile

14 Re: Need your legal advice po. on Mon Nov 09, 2015 4:08 pm

marlo


Reclusion Perpetua
Mayamarie wrote:Hello ask ko lang po. Pwede po bang kasuhan ni mistress si mister kung linihim nya na may asawa sya.

Mayamarie wrote:Bakit po wala akong nakukuhang sagot dito?

Marahil ay hindi kumpleto ang inilahad mong detalye.

Ano bang ikakaso ni mistress sa anong basehan?

View user profile

15 Re: Need your legal advice po. on Mon Nov 09, 2015 4:31 pm

Mayamarie


Arresto Menor
Itoh po ang kwento ko. Nagpakasal po ako sa kuwait 6 yrs ago at ngaun may 2 yr old na kaming anak. Pero parehas kami nag convert into islam kc sabi nya saken dati ndi pa sya annulled sa asawa nya sa pinas pero hiwalay na sila. Tapos po ngaun magsasampa daw po ng kasu ang asawa nya laban samen. Pero parang may kasunduan sila na hindi sya magsasampa basta si lalake babalik dun sa una nyang asawa. Ngaun po pwede ko rin po bang kasuhan ang asawa ko? At pwede po ba kaming makasuhan kahit na kasal din kami sa muslim nga lang. At gaanu po ba katagal ang proseso if ever na magsampa nga ng demanda ang asawa nya at mahal po ba itoh?

View user profile

16 Re: Need your legal advice po. on Mon Nov 09, 2015 9:24 pm

marlo


Reclusion Perpetua
Mayamarie wrote:Itoh po ang kwento ko. Nagpakasal po ako sa kuwait 6 yrs ago at ngaun may 2 yr old na kaming anak. Pero parehas kami nag convert into islam kc sabi nya saken dati ndi pa sya annulled sa asawa nya sa pinas pero hiwalay na sila. Tapos po ngaun magsasampa daw po ng kasu ang asawa nya laban samen. Pero parang may kasunduan sila na hindi sya magsasampa basta si lalake babalik dun sa una nyang asawa. Ngaun po pwede ko rin po bang kasuhan ang asawa ko? At pwede po ba kaming makasuhan kahit na kasal din kami sa muslim nga lang. At gaanu po ba katagal ang proseso if ever na magsampa nga ng demanda ang asawa nya at mahal po ba itoh?

Kailan ba nag pa convert? Bago kayo ikinasal o matapos ang kasal?

Hindi ba alam mo na may asawa pa si lalaki bago pa man kayo nagpakasal?

View user profile

17 Re: Need your legal advice po. on Mon Nov 09, 2015 10:43 pm

Mayamarie


Arresto Menor
Convert na kami parehas bago pa kami kinasal. Alam ko po na may asawa sya pero ang sabi nya hiwalay na sila hindi nga lang legal pa ang annulment nilang dalawa.

View user profile

18 Re: Need your legal advice po. on Mon Nov 09, 2015 11:50 pm

marlo


Reclusion Perpetua
Mayamarie wrote:Convert na kami parehas bago pa kami kinasal. Alam ko po na may asawa sya pero ang sabi nya hiwalay na sila hindi nga lang legal pa ang annulment nilang dalawa.

Maaring magsampa ng bigamy case si unang asawa siguro sa paniniwala nyang wala sa in 'good faith' ang pag convert ni lalaki...siguro. Maari hindi sya magsampa o magsama din. Maaring hindi rin ito mag prosper, case to case basis at depende sa prosecution siguro.

Anong ikakaso mo sa lalaki?

Sumangguni ka sa abogado.

View user profile

19 Re: Need your legal advice po. on Tue Nov 10, 2015 12:40 am

Mayamarie


Arresto Menor
Hindi ko po alam kung anu talaga ang ikakasu ko sa kanya. Kasi po gusto nya akong iwan para daw matahimik na ang lahat kaya sasama nlng sya ulet sa una nyang asawa

View user profile

20 Re: Need your legal advice po. Today at 9:49 am

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum