Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

harassment dahil ayaw pautangin

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 harassment dahil ayaw pautangin on Sat Oct 31, 2015 9:24 pm

Magandang araw po. Mayroon po kaming maliit na sari sari store. Pagka minsan, may mga kapitbahay po na umuutang sa amin ng mga paninda namin. Ngayon, itong isang barumbadong kapitbahay kapag umuutang po ng alak sa amin napakatagal po magbayad, minsan inaabot ng tatlong bwan mahigit bago magbayad.

Nung huling umuutang sya ay di namin pinagbigyan. Binato po ng malaking bato ang bubungan ng bahay namin. Tyak po namin na sya ang may gawa bagaman hindi namin nakita dahil gabi nangyari.

Nitong huli po ay minura na nya kami sabay sabing 'tanga' kami lahat.

Ito pong kapitbahay namin ay malakas kay Mayor, at minsan ay naging 'bata' ni governor.

Ano po kaya ang pwede naming gawin? napakamahal naman po kapag magsampa ng kaso, hamak lamang po kaming naghahanap buhay. kaunti lang po ang kita sa tindahan naming maliit.

Sana po ay makapagbigay kayo ng payo. Pagpalain po kayo ng diyos.

--Alias tutloy

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum