Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Kasunduan ng Pagsasanla

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Kasunduan ng Pagsasanla on Fri Nov 20, 2015 2:56 pm

Fhelito01


Arresto Menor
I used to write tagalog version of contract for them to understand well the content of the contract.

Would someone want to check and give comment please.

KASUNDUAN SA PAGSASANLA



ALAMIN NG LAHAT NA:

ANG KASUNDUAN SA PAGSASANLA NA GINAWA NINA:

JUAN DELA CRUZ, may asawa, Filipino, pawang sapat ang gulang, naninirahan sa (ADDRESS) dito ay makikilala bilang nag-sanla at UNANG PANIG.

-AT-

MARIA MAKILING, walang asawa, Filipino, pawang sapat ang gulang, naninirahan sa (ADDRESS) dito ay makikilala bilang pinag-sanlaan at IKALAWANG PANIG.

S U M A S A K S I

1. Na ang UNANG PANIG ang nagmamay-ari ng Electronic Shop, kumikita ng hindi bababa sa PHP 5,000.00 (five thousand pesos) na matatagpuan sa ng Block 220, Lot 4 Sampaguita St. Pembo Makati City;

2. Na ang UNANG PANIG ay buong kusang loob na nag-sanla sa IKALAWANG PANIG ng nabanggit na shop sa halagang PHP 130,000.00 (one hundred thirty thousand pesos) na magtatagal lamang sa loob ng _____ taon;

3. Na ang IKALAWANG PANIG ay magbibigay ng kabuuhang halagang PHP 130,000.00 (One hundred thirty thousand pesos) sa UNANG PANIG ngayong ika-30 ng Oktubre, 2014.

4. Na ang _____ porsiyentong kikitain ng nabanggit na shop ay ang magsisilbing tubo na ibibigay ng UNANG PANIG sa IKALAWANG PANIG sa bawat buwang kikitain nito.

5. Na ang unang buwan na magbibigay ang UNANG PANIG sa IKALAWANG PANIG ay ngayong buwan ng ____________, taong _____.

6. Na kinakailangan ng lagda ng bawat panig sa bawat tatangaping tubo ng IKALAWANG PANIG na ibibibigay ng UNANG PANIG,

7. Na sa pagkakataong ang UNANG PANIG ay hindi makapagbigay ng nasabing tubo sa IKALAWANG PANIG, idadagdag ito sa mga susunod na buwan na dapat maibigay ng UNANG PANIG.

8. Na ang IKALAWANG PANIG ay hindi tatanggi kahit ang ibibigay ng UNANG PANIG ay instalasyon lamang ng napagusapang halaga.

9. Na ang kasunduang ito ay magkakabisa mula sa araw na tinangap ng UNANG PANIG ang nasabing halaga ng pagsasanla mula sa IKALAWANG PANIG hanggang sa maibalik ang parehong halaga sa IKALAWANG PANIG.

10. Na ang kasunduang ito ay maaaring baguhin kung nais ng UNANG PANIG sa ilalim ng bagong kasunduan kung may kaukulang panhintulot ng IKALAWANG PANIG.

11. Na ang buwanang tubo ng na tatangapin ng IKALAWANG PANIG ay dapat matangap tuwing ika – ____ ng bawat buwan;

12. Na hindi maaaring ilipat, ipaubaya sa iba o isanla muli ang nasabing shop sa ilalim ng kasunduang ito na walang nakasulat na pahintulot ng IKALAWANG PANIG;

13. Na ipinapangako ng UNANG PANIG na ibibigay ang bawat tubo ng isinanlang pag-aari sa IKALAWANG PANIG ayon sa kasunduang ito.

14. Na kung sakali at hindi makabayad ng tubo ang UNANG PANIG o di kaya’y lumabag sa kasunduang ito, may karapatan ang IKALAWANG PANIG na dumulog sa kinauukulan;

15. Na anumang kaluwagang ibinigay ng IKALAWANG PANIG sa UNAG PANIG ay hindi maituturing na pagbabago sa anumang nilalaman ng kasunduang ito;

16. Na kung sakali at magkaroon ng usapin legal dahil sa paglabag sa kasunduang ito, ang pagkatalo ng sino mang panig sa kung anu mang usapin ay s’yang lubos na mananagot ng kabayaran sa abogado at sa kung anumang kagastusan.

ISINAGAWA ngayong ika-_____ ng ________________ dito sa ___________________.



Nagsanla


JUAN DELA CRUZ
Com. Tax No. _____________
Gawad sa Lungsod ng Makati
Noong ika-_______________



Pinag-sanlaan


MARIA MAKILING
Com. Tax No. __________
Gawad sa ____________________
Noong _______________________

Saksi

__________________________

__________________________



P A G P A P A T U N A Y


SA HARAP KO, na isang NOTARYO PUBLIKO, ay dumulog sina LUISA B. MADAYAG (UNANG PANIG), FHELITO D. PASANBA (IKALAWANG PANIG), na may kaukulang pagkakakilanlan na isinulat sa itaas ay nakilala kong siyang nagsagawa ng naunang kasulatan na pinatunayan nila sa harap kung malaya at sarili nilang pagpapasya ngayong ika- _______________.


SAKSI ANG AKING LAGDA AT SELYONG PANATAK sa petsa at lugar na nabanggit.



Kas. Blg. ______
Pahina ______
Aklat Blg. ______
Taong ______

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum