Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

i need help

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 i need help on Mon Nov 23, 2015 2:46 pm

michellita03


Arresto Menor
May bf po ako at may anak siya out of wedlock at 8 years old na ngyon.. Tuwing hinihiram nya ang anak nya ay pinagdadamot ng ex gf nya sa kanya. Every month nagpapadala siya ng pera sa anak nya though hindi fix and date at amount like ranging for 1500 to 3000 pesos monthly at naghahati po sila sa tuition fee ng anak nya. 
Ang family po ng bf ko at ang family ng ex gf nya ay hindi in good terms. 
Ang ex po nya ngyon ay may kinakasama na rin iba at sinabi po ng nanay ng ex gf nya na ililipat daw po ang apelyedo ng bata sa apelyedo ng lalaki which is a married man to other girl. Yun po ang lagi nila panakot sa bf ko. Plus nag message sila noon na kaya na daw nila tustusan ang bata , but still kahit papano ay nagpapadala parin po ang bf. Ngyon po, kami pa po ang timakot na kung hindi sinusustentuhan ang bata ay we face legal actions. At may pagbabanta pa. My proofs po kami na monthly nagpapadala ng pera habang nasa ibang bansa ang bf ko dahil nasa amin ang passbook ng bata. Ano po kaya ang pwede namin gawin since tahimik naman kami at ngyon nandito na ang bf ko sa Pinas ang balak nya na lang instead monetary ay ipag grocery na lang bata para sa buong buwan dahil mas nakakasigurado kami na sa bata napupunta ang pera at hindi kung saan man. Sana po matulungan nyo po kami

View user profile

2 Re: i need help on Mon Nov 23, 2015 4:53 pm

marlo


Reclusion Perpetua

Dahil regular naman at walang palya ang financial na sustento ng ama sa illegitimate child niya ay hayaan at antayin na lamang nilang magkaso ang ina ng bata. Sa pagkakataon na yun, maari ninyong patunayan at kontrahin ang habla niyang kaso na hindi pagsustento ng ama sa bata dahil sabi ng salaysay mo eh hindi pumapalya ang ama sa financial na supporta sa bata.

Kung kaya ninyo itong patunayan sa court sa pamamagitan ng ebidensyang deposit/transfer ng pera sa passbook na nabanggit mo, walang dapat ikabahala sa maaring kasong isampa ng ina ng bata na non-support ng ama sa illegit child niya.

Naka pirma ba sa BC ng bata ang ama nito?

General rule dito sa pagkakatanda ko, ang illegit child ay maaring magkaroon ng surname ng ina o ng ama ng bata depende sa kagustuhan ng ina UPON birth registration. Karaniwan, kung kinikilala ng ama ang bata, sa panahon ngayon thru Revilla Law isinusunod na ang surname ng bata sa ama niya sa oras na publikong kinilala ng ama ang naturang bata.

Sa Revilla law pa din, nasasangkop ang pagsunod ng surname ng ama sa kanyang acknowledged illegit child. Hindi ko lang matandaan kung sakop noon ang reversal process na gusto mong malaman.

Siguro by legal adoption, maaring isunod ang "new" surname ng illegit child sa "new" spouse once ang ina ay nagpakasal na. Ito ay legal at posible thru court na kakailanganin ang consent ng bio father ng illegit child. Pagka nailipat na ang bagong apelyido, imho maari ng hindi magbigay ng financial support si bio father sa bata dahil ito ay nailipat na sa bagong "ama" ng bata kasabay ng legal adoption at new surname.



View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum