Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Threat ba caso dito?

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Threat ba caso dito? on Mon Dec 14, 2015 10:02 pm

anet_f


Arresto Menor
Hello po my name is Anet. Nag search po ako about threat then itong site ang nakita ko. Need lang po talagang maintindihan ko ang mga bagay bagay about threat and i need help on what to do. Nakatira kami ng pamilya ko sa bahay ng mother in law ko kasi may iba na syang bahay.sa harapan ng tinitirhan namin nakatura din ang bunsong kapatid nya at ang pamilya nito. May hindi na magandang relasyon ang mother in law at ang pamilya ng kapatid nya matagal na. Kami naman since nakitira lang sa bahay ng mother in law eh walang kibo nalang sa kabilang bahay. One time nag babarbeque asawa ko sa harap ng bahay pinagsabihan sya ni uncle na tumigil kasi daw mausok at magkakasakit daw apo nya sa usok. So, sumunod naman kami para walang gulo at may tama din naman about sa bata,tigil barbeque. Pero sa mga sumunod na mga araw nag babarbeque cla. Cge nalang dahil ayaw namin magulo at may ugali din silang nang aaway talaga. Yesterday after mga makailang pagbabarbeque nila sa harap, gulat kaming nagising around 6 sa gabi na mausok sa buong bahay. Ang kabilang bahay pala ay nag barbeque malapit na sa bahay namin. Tinimbang ko naman ang sitwasyon, dahil cguro maulan kaya cguro lumipat ng lokasyon. Decide nalang kami lumabas at mamasyal dahil sobra usok talaga. Paglabas pansin namin na may electric fan sa tabi ng anak nya na nagbarbeque and ang buga ng hangin ay nakaharap sa bahay.pwede naman iharap sa kabila gate na. Palabas ng bahay sinabihan namin cya na baka pwede lipat sa kabila ang electric fan para mabawasan usok sa bahay, pero nagalit na nagsabi "sinadya ko bah? Hah, sinadya ko ba?". Paangkas na ako ng motor after ko pinaangkas anak ko pansin kong titig na titig sya may sinasabi so tumingin ako sa kanya pero pansin kung nakakatakot tingin nya and hinawakan nya not sure kung knife or prong na yong parang pang saksak na pagkahawak. So angkas ako madali sa motor then alis kami. Pag uwi namin pansin ko na sira na ang gate so review namin ang cctv. Pag alis ko pala tinadyakan nya ang gate. Makikita sa video na may hinihintay sya at galit cya na palakadlakad. Takot po ako para sa amin mag asawa at sa mga anak ko. Sa inasal po nya alam kong kaya nyang manakit. Araw araw kaming dumadaan sa kanila. Ako at anak ko lang palaging nasa bahay kada hapon dahil panggabi asawa ko. Tulong po. Alam kong di maibabalik ang payapang isip ko pero kailang may gawin ako para di ako mabubuhay na takot araw araw. Sanay matulungan nyo ako. Salamat po.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum