Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

need advice re: financial claims on property

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 need advice re: financial claims on property on Sun Dec 20, 2015 10:56 am

lorena haw


Arresto Menor
Good day po! Ask lang po ng advise sana po matulungan nyo kami. Ito po yung story. Anim pong magkakapatid ang mga nanay ko. May 5door apartment po na ipinamana sa kanila ng magulang nila. Hindi pa po ito naka subdivide at iisa lang po ang title na nkapangalan sa kanilang 6 including sa title pati spouses nila. Since 5door lang po ang apt., yung isang unit po mas malaki kesa sa 4 na units. So inassume nila na 2 ang may ari nung unit na malaki. Kami po ang nakatira dun sa malaki at pamilya din po ng tita ko na kapatid ng mama ko. Itong tita ko po na kasama namin sa bahay wala pong anak pero may asawa. Nung namatay po ang tita ko ipinagbili po ng asawa nya ang share nila sa mama ko dahil lumipat na siya ng ibang bahay. May notarized document po sila ng bentahan nila. In short napunta na po sa mama ko ang share ng tita ko at ng spouse nya. Lumipas po ang ilang taon nagkasakit po ang mama ko bedridden dahil sa stroke. Di na po nkakapagsalita naging incapacitated na po siya. Nag desisyon po ang papa ko na ibenta sa isa ko pang tita ang share ng mama ko nung yr 2001. Hindi po nila kami hiningan ng opinyon magkakapatid dahil wala daw po kaming karapatan since buhay pa ang parents namin kahit bedridden ang mother ko. Binayaran po ng tita ko sa papa ko ang share ng mama ko ng hindi po kami nakaharap na magkakapatid sa bentahan. Ako po ang panganay ang naiwan dun sa bahay kasama ang mga magulang ko na buhay pa at pinagbayad na po ako ng upa ng tita ko dahil di na daw po sa amin ang bahay. Sinakop nya po ang buong bahay kahit yung share lng ng mama ko ang binili nya since di na po nmin makita ang papeles na kami na rin ang may ari ng share ng namatay kong tita. Hindi nya po inohonor at di po sya naniniwala na binenta ng asawa ng tita ko yung share nila sa amin. Sila daw pong surviving siblings lang ang may karapatan mag desisyon sa share ng namatay kong tita. Kung tutuusin patay na po lahat ang kapatid nila at dalawa na lang sila ng mama ko ang buhay nung ibinenta ng tito ko yung share nila sa mama ko. Wala na po kaming nagawa dahil di na po nakakapagsalita ang mama namin at di na namin alam kung saan nkatago ang mga papeles na nagpapatunay ng ownership namin ng share ng tita kong namatay. Ipinagawa pong apat na maliliit na units ng tita ko ito nga pong bahay at pinaupahan sa akin ang isang unit at ang 3 pa sa ibang tao. Umupa po sa ibang bagay ang 2 kapatid ko. Hanggang namatay na po ang mg magulang ko. Lumipas po ang mahabang taon hangang 2015 (14yrs after) nakita po namin accidenrally ang papeles ng bentahan ng tiyo ko at mama ko kasama ng mga lumang pictures ng mga magulang ko. Since buhay pa po ang tito ko na nagbenta sa mama ko noon, pinuntahan po namin siya at pinatunayan nya na totong ibinenta nya nya sa mama ko ang share nila. Bilang dagdag patunay vinideo pa namin ang usapan nami. Ipinakita namin ito pagkatapos sa tita namin. Pagkapos, napagisipan ng tita namin na ibalik sa amin ang share na ibinenta ng tito ko sa amin. Kaya mula noon di na ako pinagbayad ng upa pati na rin yung isang pang unit ng pinagawa nya sa bahay namin ay ibinalik nya. Bale hinati kasi nya sa apat na maliliit na units yung buong apartment. Naiwan sa kanya yung 2 units at bale ibinalik nya yung 2 sa amin.Kailan lang po ay namatay na rin iyong tita ko. Bale naiwan sa mga anak niya ang mga iba pang properties at paupahan ng tita ko. Ganito po ang tanong ko, maari po ba akong mag claim sa mga anak na ibalilik sa akin kahit percentage lang ng lahat ng ibinayad ko sa upa at ng isang pang unit? Paano po ang tamang gawin ko?
Pasensya na po sa haba. Sana po mabigyan nyo ako ng payo. Salamat po.

Pase

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum