Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Redundancy vs Termination

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Redundancy vs Termination on Fri Jan 01, 2016 5:58 pm

jptirona


Arresto Menor
Sa dati ko pong company, nag file ako ng mga leave for the whole year sa simula pa lang ng taon 2015. Tapos nagkaroon din ako ng iba pang leaves (vacation at sick leave) habang on going yung 2015. Pag dating po ng mga August, sinabihan ako na sobra na daw pala ako sa leave. Ako naman po kasi hindi ko napansin kasi approve lang sila ng approve. Halos lahat din po ng sick leave ko ay may medical certificate kahit hindi nila ito hinihingi.

September 1, 2015 po naka set na na leave ako. Nagkataon na may dalawa na nag sick leave sa amin. Nung September 2, pinagalitan kami na madaming absent. Pag dating ng September 3, may nag sick leave nanaman na iba. Nung September 4 naman, ako ang naka sick leave. Dito ko na nalaman na pina terminate ako.

Nung pag dating ko ng opisina ng September 7, kinausap ako ng isa sa management at pinapapili ako kung termination or mag resign ako. May linya pa sya na mas ok tingnan sa papel na nagresign ako kesa terminated. Sabi ko terminate niyo na lang po ako. Sabi niya print niya lang yung termination papers. Pag balik niya good news daw kasi bibigyan nila ako ng chance, suspended lang daw ako. Dapat sagutin ko kung bakit hindi ako dapat terminate. Ang kaso sa akin gross misconduct.

Sinagot ko naman itong papel. Naka ilang ulit sila kasi pinalitan pa nila ulit yung papeles na binigay sa akin. Lahat ito may kopya pa ako.

Pag dating sa dulo ng suspension ko, binayaran nila yung mga araw na suspended ako pero sabi redundiated na daw ako kasi ayaw na daw sa akin ng kliyente at wala akong mapaglagyan. Binigyan nila ako ng separation package.

Ang pinagtataka ko, bakit ako ang redundiated e may dalawa silang bagong hire, samantalang ako mahigit isang taon na sa kumpanya nun.

Ang mga katanungan ko po ay:

1. Papasok po ba ito sa illegal dismissal?
2. Nagbasa ako paano mag file ng kaso sa NLRC, sabi sabihin daw kung magkano ang hihingin ko. Pwede po ba kayo mag suggest ng amount para hindi naman ako humila lang sa hangin ng halaga. Ang nangyari po nung tinanggal nila ako ay matagal ako hindi sumahod (halos dalawang buwan kasi nung na lift lang ang suspension chaka ako sumahod), lumaki ang mga utang ko dahil sa interes, umalis ako sa inuupahan ko kasi walang pambayad, yung emotional at mental na stress, at kahihiyan. Yung natanggap ko naman po na separation pay ay pambayad lang din sa mga utang na lumobo na.

Salamat po sa sasagot.

View user profile

2 Re: Redundancy vs Termination on Mon Jan 04, 2016 9:18 pm

HrDude


Reclusion Perpetua
1. Sa kwento mo, pwedeng pumasok sa Illegal Dismissal yan.
2. Pwede, mag-file ka na lang agad.

View user profile

3 Re: Redundancy vs Termination on Mon Jan 04, 2016 9:22 pm

jptirona


Arresto Menor
Salamat Sir. Mag file na ako bukas. May nabasa po ako na blog na sa nlrc daw itatanong magkano ang hihingin. Sa ganito po magkano kaya ang pwede na damages?

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum