Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Ano po kaya ang pwede ko ikaso sa kabit at asawa ko?

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

zendie


Arresto Menor
Nov.26,2010, kinutuban ako na may ginagawang masama ang asawa ko. kaya nung gabing yun pag-out ko sa trabaho,sinama ko ang mga katrabaho ko upang mag-abang sa aking asawa sa labas ng isetan recto kung saan sya natatrabaho.Naguusap-usap kami magkakatrabaho na maghiwahiwalay upang madali naming makita kung saan siya lalabas.At nangyari nga na nakita sya ng aking mga katrabaho sa entrance ng mall kung saan sila nag-aabang dahil nsa kabilng entrance ako ng mga oras na iyon.Nagpasyang sundan nalang nila muna ang aking asawa na nakita nilang may hinintay at sinamahang babae papunta sa istasyon ng tren lrt2 recto nagmamadali ang aking mga kasama na sundan ang aking asawa kasama ang kabit nya upang hindi ito mawala sa kanilang paningin at dali dali nila akong tinext upang makasunod ako at ng iba ko pang kasama papunta nga sa istasyon ng lrt recto.Binilisan ko ang pagtakbo na para bang maiiwan ng last minute train pag di ko binilisan.Buti nalang at nakabili na ng ticket yung dalawa kong kasamang nkakita sa aking asawa at hulog ata ng langit na wala pang dumarating na tren at di padin nkasakay ang aking asawa at ang kabit nya.Nakita ko po ng aking dalawang mata na magkayap sila at nakahalik pa ang asawa ko sa noo ng kabit nya.Nabigla ako swa aking nkita kaya di ko napigilan ang aking sarili at nasaktan ko yung kabit nya.Habang nag-aaway kami ng kabit nya tumakas papalayo ng di ko namamalayan ang aking magaling na asawa.Dinala ko sa presinto at pinablatter ang kabit nya.Nangako sya na hindi na sya muli pang makikipagkita sa aking asawa at patatahimikin nya na ang aming pamilya dahil daw s sya din ay isang ina at may isang anak.Pero mga ilang araw lang ang nakakalipas ay nag-alsabalutan ang aking asawa.Di ko alam kung bakit sya umalis ng walang pasabi,pagkatapos ng limang araw na hindi sya nagpaparamdam sa amin ng mga anak nya bigla na lamang syang nagtext sa akin na wag na kong umasa na babalik pa sya dahil nagsasama na sila ng kabit nya at masaya na daw sya dun.Ayaw na daw nya saken, alagaan ko na lng daw yung tatlong anak namin.Gumawa ako ng aksyon kinabukasan dahil nasaktan ako sa nalaman ko pumunt ako sa dating pinagtatrabahuhan ng kabit ng asawa kopara alamin ang eksaktong address ng kabit nya.Sinuwerte ako kasi yung mismong ex nung kabit nya ang nakausap ko at sinabi sa akin na sasamahn pa nya ako mismo sa bahay nung babae.Kasi inuwi narin sya ng babae na yun doon sa kanila ng dalawang araw.Noong mismong gabi ng araw na iyon natunton namin ang bahay ng babae at nagtanung ako sa katabing bahay kung kilala nila si xxxiel ang sabi ng napatanungan ko OO taga dito si xxxel yan ang pangalan ng kabit ng asawa ko.At nasabi din ng kapitbahay nila na may bago nga syang kinakasama sa bahay nila at iyon ay ang aking asawa ko.Dahil pinadescribe ko din kung anu ang itsura ng lalaking kinaksama nya ngayon at di ako nagkamali tumugma ang lahat ng kanyang sinabi sa pagkakakilanlan sa aking asawa.Kinabukasan bumalik ulit ako dun sa marikina, nag observe ako at nalaman ko nga totoong nagsasama na sila.dalawang bahay ang tinutulugan nila yung isa sa nanay nung babae, tapos ung isa sa bahay ng kapatid nya.dun sila madalas matulog,panu ko din nalaman kasi mismo sa mga tao dun, kilala ang asawa ko na bagong asawa ni xxxxl sa lugar nila, at kilala din sya na bayaw daw sya ni cxxxxs, yun ang kapatid na lalaki ng kabit ng asawa ko.after 2 wiks umuwi sya dec.20,2010 nkipag usap saken, sbi nya uuwi na sya at humingi ng tawad, tinanggap ko agad sya para sa mga bata, kasi hinahanap din talaga sya, wala syang narinig saken kahit anung tanong, parang walang nangyari kasi nga ayokong may masabi sya, ginawa ko lahat para maging maayos kami, parang ako pa nga ang lumabas na nakagawa ng kasalanan. tapos sa kabila ng ginawa kong pagpapatawad sa kanya, pagkatapos ng pasko, umalis ulit sya dala na naman mga damit nya, hindi ko alam kung anong dahilan, dahil hindi man lang nag paalam.kinabukasan nagdisisyon ang nanay nya na puntahan namin sa marikina kung saan sila naninirahan,nkausap ng byenan kung babae ang nanay ng kabit, nagpakilala sya na nanay sya ng asawa ko, sabi ng byenan ko kung pwede daw makausap ang anak nya pati si xxxxl, ang sabi ng nanay wala daw ang anak nya nag apply daw, eh sunday nung nagpunta kme. tapos pinaalam ng byenan ko na hindi nyo ba alam na may aswat mga anak ang anak ko, kasal yan sa asawa nya, kya pagsabihan mo ang anak mo, ang sagot ng nanay ng kabit, hindi namin alam na may asawat anak yan, kung alam namen di namen yan tatanggapin dito, mula ngayon alam na namen, di na yan makakapunta dito,pero hanggang ngayon di pa din umuuwi ang asawa ko, kung di nila tinanggap dun yun ngayon sana bumalik na yun, gusto ko po sanag sumugod dun, pero di ko po alam kung tama po b yung gagawin ko,para sakin sapat na lahat ng ebidensya na nalaman ko at nakita ng mga mata ko, sawa na din po akong maghabol pa sa kanya, ang gusto ko lng po pagbayaran nila lahat ng perwisyo na nagawa nila saken, lalo na sa mga anak ko,sana po mabigyan nyo ako ng tama at magandang advise kung may laban po ba ako sa kanila, sobra na din po kasi ang pagtitiis ko sa mga kahayupan nila...maraming salamat po....

View user profile

attyLLL


moderator
it is not clear whether you know what your objectives are. do you want to see your husband in jail? do you want him to come back?


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

zendie


Arresto Menor
isa lang po ang gusto kong mangyari, iyong makita sila sa kulungang dalawa, kasi sa dami nilang nagawang perwisyo sa akin at sa mga anak ko. Sa tatlong beses ko na din po syang pinatawad pero wala po talaga,pinabayaan nya parin kami ng mga anak nya at pilit parin syang bumalik sa kabit niya.. gusto ko pong pagbayaran nila ang kasalanan nila sa batas .. salamat po

View user profile

attyLLL


moderator
i recommend you prepare a complaint affidavit for concubinage and violence based on repeated infidelity. you can file this at the prosecutor's office where you reside. good luck.


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

zendie


Arresto Menor
maraming salamat po....ano po bang ebidensya ang kailangan ko para sa concubinage. diba po mahirap mapatunayan sa korte ang kasong yan. Malaks na po ang ebidensya ko.

View user profile

attyLLL


moderator
you will need direct proof that they are living together. either you visited their house and saw it for yourself, or testimony from persons who did. yes, it is difficult to prove. also consider ra 9262, good luck.


_________________
[i] Visit our FB Page: BPO Employee Legal Advice
Warning and Disclaimer: I am not your lawyer; and you are not my client. With the limitations of an  Internet forum, a thorough review of your concern is not possible. View my comments at YOUR OWN RISK. It is best to actually retain a lawyer for your individual concerns.
View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum