Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

House Renovation

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 House Renovation on Fri Jan 29, 2016 11:02 pm

MsJan


Arresto Menor
Good Day po,

Nag submit po ng reklamo yung kapitbahay namin (presidente ng maliit na housing association sa amin) sa barangay dahil po sa construction na ginagawa sa aming bahay.

1. Ano po ba ang mga requirements na kailangan para sa house renovation na nakatirik sa lupang hindi pa pag aari? Sa ngayon po kumukuha na kami ng bldg permit sa brgy. (meron lang po kaming rights, inilalakad pa po kasi ang request to purchase)

2. Nagpadagdag po kasi ng concrete 2nd floor yung parents ko, pero hindi po nila alam na kailangan ng building permit dahil hindi pa po sa amin yung titulo ng lupa.

3. Yung housing association po sa lugar namin ilang taon na pong inilalakad yung papeles para sa lupa pero walang nangyayari. Duda na po kami kasi patuloy silang naniningil pero sulat kamay sa papel at index card lang po ang ibinibigay. Naningil sila ng mahigit 7000 noong nakaraang buwan (para sa membership at survey ulit). Ganoon po sila kada ikatlong buwan. Wala pong nagaganap na land survey sa lugar namin. Paano po ba malalaman kung legal ang housing association sa amin?. At kung totoong may inilalakad silang papeles para sa lupa, nagtanong na po ako sa LRA. Pero wala daw pong record para sa concern namin.

3. Mismong mga opisyal ng nasabing housing association ay nakapagpatayo din ng 2nd floor na walang building permit kaya akala po namin ok lang. Pare pareho po kaming wala pang mga titulo.


Sana po'y matulungan nyo kami.
Kami po ng aming mga kapitbahay ay umaasa.

Maraming salamat po!

View user profile

2 Re: House Renovation on Thu Feb 04, 2016 10:44 am

tsi ming choi


Reclusion Perpetua
1. Kailangan po ng building permit kung magpa renovate ka ng bahay EVEN ikaw or hinde ikaw ang may ari ng lupa OR EVEN may title or wala pang title ang lupa.
2. Pumunta ka sa malapit na NHA, National housing authority para I clarify yung "nilalakad" na papers ng inyong association. kung bugos yun, eh wag na kayo magbayad hinde nman sila nag iisue ng resibo.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum