Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

NBI Clearance with Hit

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 NBI Clearance with Hit on Fri Feb 12, 2016 1:28 pm

mdcsp6


Arresto Menor
Hingi po sana ako ng advice regarding sa NBI ng Uncle ko.

Simula po kasi ng 2008 or 2009, hindi na po sya makakuha ng NBI clearance. Pagpunta nya po ng NBI, meron daw po syang pending case. Nag file ng kasong "Rape" yung ex-girlfriend nya nung 2002, kahit wala naman talagang nangyaring ganun. Ang gusto lang po nila ay sustentuhan ng Uncle ko yung bata. Bago pa po namin nalaman yung kaso na yun, tinangka din po nilang dukutin ang Uncle ko at bugbuging. Nagpalibot-libot po sila sa loob ng Subdivision. Sa pagkakaalam ko po, hindi sila nagkasundo sa usapan kaya nagkaron sila ng alitan.

Nabanggit din po ng Uncle ko na ang pangalan ng nagfile ng kaso ang hindi yung ex-girlfriend nya, kundi yung mas nakakatandang kapatid nito.

Nagtataka po kami kasi walang dumating na subpoena o kahit ano tungkol sa kaso na pinataw sa kanya. Pumunta po sya sa City Hall namin para tignan ang records nya. Pero wala pong nakitang record.. Nakakuha pa po sya ng Police Clearance, Brgy Clearance at RTC Court Clearance. Ibig sabihin, wala po talagang kaso.

Ang pinagtataka po namin, ay pano nakatungtong ng NBI ang case ng hindi man lang nakakarating sa City hall ang kaso.

Hindi naman po makapunta ang Uncle ko sa NBI dahil baka i-hold na sya dun at hindi na makalabas pa, dahil wala pong balak makipag cooperate yung babae.

Ano po ba ang dapat namin gawin para malinis ang pangalan ng Tito ko? Wala pong naganap na rape. Nagkikita pa nga po sila noon nung babae. At recently lang, nagkaroon ng communication yung Uncle ko at yung anak nya sa ex-girlfriend nya.

Maidagdag ko rin po na hindi yung ex-girlfriend ng Uncle ko ang nagfile ng kaso kundi yung nakakatandang kapatid nito.

Posible po bang naka-blatter lang sya sa NBI?

Wala pong ibang dokumentong pinakita sa Tito ko tungkol sa nasabing pending case nya. Ang tanging naipakita lamang sa kanya ay papel kung san nakalagay ang pangalan at address nya, reklamo at ang pangalan ng kapatid ng ex-girlfriend nya. Bukod sa mga to, ay wala silang pinakitang ibang dokumento tulad ng medical na magpapatunay na talagang may naganap na panghahalay.

Naisip namin na binayaran lamang ng malaking halaga ang NBI officer na yun para lamang maipasok ang pangalang ng Tito ko sa record nila ng mga may kaso.

Sana po matulungan nyo kami. Gusto ko po malinis pangalan ng Uncle ko.

View user profile

2 Re: NBI Clearance with Hit on Mon Sep 26, 2016 3:50 pm

saacke_007


Arresto Menor
Good day atty.

atty,ask ko po kumuha po ang kafatid ko ng NBI clearance local para gagamitin niya s pag aply. dito sa pinas na hit record. po siya galing po s ibang bansa last 2015 lng po. Atty.ang kafatid ko po my naiwang loan siya s U.A.E ito po ay personal loan ito po b ang dahilan ng kanyang pag hit record po s NBI.anung case po ang sinampa s kanya po atty.

Tanks god bless...

View user profile

3 Re: NBI Clearance with Hit on Wed Sep 28, 2016 12:28 pm

picachu


Arresto Menor
good day po atty hingi lang p ng advice my bouncing cheques po ako dati then nabigyan ako ng subpuena. may kaso po ba ako at magreflect po ba yun sa nbi ko




salamat po

View user profile

4 Re: NBI Clearance with Hit on Wed Sep 28, 2016 1:28 pm

picachu


Arresto Menor
good pm po pag kinuha ko ba sa NBI yung nbi ko na may hit ihohold po ba nila ako duonm sa nbi.. please answer


salamat

View user profile

5 Re: NBI Clearance with Hit on Wed Sep 28, 2016 4:18 pm

saacke_007


Arresto Menor
Good day Atty.
Atty.ask ko po kumuha ang kafatid ko ng NBI clearance local para gagamitin niya sa pag aply.dito sa pinas na hit record po siya.galing po siya sa ibang bansa last 2015 lng po siya umuwe ng pinas Atty.ang kafatid ko po my naiwang loan s dubai.ito po ay personal loan ito po b ang dahilan ng kanyang hit record.anung case po ang sinampa sa kanya.my tumawag kc s kanya n legal,kung kinaso n ito atty bakit walng supoena n dumating s kanya.pagpinapunta b siya s NBI opis aaristuhin b siya agad at kukulong.tanks god bless

View user profile

6 Re: NBI Clearance with Hit on Wed Nov 16, 2016 3:14 pm

Jen Jen


Arresto Menor
Hi po..

Can anyone answer me po please kasi im applying for NBI clearance pero hndi agad sya na release right away and I need to come back para kunin yun sa 21 of this month.. may nakapagsabi saken na baka daw may kaso ako and I remember po kasi last 2012, nadamay po ako sa kaso ng isang ka-work ko who was accused of qualified theft.. may dumating po na subpoena sa kanya included yung name ko at ng iba pa po namen na ka-work.. hndi po namen pinansin yung subpoena since we all know naman po na wala kame ginawang masama.. wala dn naman po kasi investigation na nangyari.. ni hndi kame ininterview ng mga pulis.. kinabahan lang po kasi ako at baka po nasa NBI na yung kaso na yun without us knowing..

ang concern ko po, would that possibly appeal on my records sa NBI?? and pwede po bng magkaroon ng subpoena if wala naman po investigation na nangyari?? please help me po kasi I have been thinking about it kasi I really need to get NBI clearance for my work.. TY po!!

View user profile

7 Re: NBI Clearance with Hit Today at 2:01 pm

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum