Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Nagkamali sa title

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Nagkamali sa title on Tue Feb 16, 2016 9:58 am

lac764


Arresto Menor
Good day po sa inyo. Hingi po sana ako ng tulong kung ano po ang dapat gawain sa problema ko.
Naibenta ko po yung lupa ko noong 2011 at ngayon lang po ipapalipat sana nung nakabili yung titulo sa pangalan nya. Nang na check po sa Assessors office eh yun pong titulo na nasa pangalan ko ay yun po yung lupa pala na kinatatayuan ng lupa ng tiyahin ko. Doon ko lang po nalaman na nung nagpahati po yung father ko ng Titulo nung mother title nila ay ang napunta po sa akin na location based sa blue print location ay iyon pong nasa Tiyahin kong lupa. Dati po kasing nasa pangalan ng Mother ng father at Tiyahin ko yung mother title. Kaya po inasikaso ng father ko yung pagpapahati para po mailipat sa Pangalan ko yung kalahati. Pareho naman po yung sukat ng lupa pero nagkabaliktad po yung location namin dahil hindi po namin na check yung sa location at pangalan lang po yung na check namin kung sa akin nga yung titulo na binigay. Patay na po yung father ko kaya hindi ko din po alam kung sino ang nag ayos ng mga papeles. 2004 pa po napa tiluluhan yung lupa at 2007 naman po namatay yung father ko.
Papano po kaya maiging gawin kasi ayaw pong makipag usap sa akin ng tiyahin ko para maayos ko sana ang pagkakamali sa titulo gayung ngayon din lang nila nalaman na mali din ang titolo na hawak nya.
Maraming salamat po sa inyo at sana ma advice nyo ako ng dapat kong gawin.

View user profile

2 Re: Nagkamali sa title on Mon Feb 22, 2016 9:41 pm

Filia


Reclusion Perpetua
May titulo din ba ang tiya mo sa lupa?

View user profile

3 Re: Nagkamali sa title on Tue Feb 23, 2016 2:12 pm

lac764


Arresto Menor
Filia, Thanks po. Meron po at nasa pangalan pa po ng Lola ko (Mother ng Tita at Tatay ko).

View user profile

4 Re: Nagkamali sa title on Fri Feb 26, 2016 10:49 am

Carlmag


Arresto Menor
Kung titignan ito sa legal na pananagutan ay wala ka talagang problema, kasi una, nabayaran ka na, wala ka naman naging masamang intensyon, ( honest mistake ), and it is a requirement for the buyer to perform DUE DILIGENCE regarding the lot to be purchased. Ang problem lang dito is MORAL OBLIGATION.

Ito ang mga dapat mangyari.

1. Unang-una Magpa RESURVEY ka. Tiyakin ang mga technical description sa titulo ay conpirmado ng Geodetic Engineer. Para malaman alin ba talga sa mga lupa ang iyo. Baka kasi mali ung taga Assessors office.

2. Dapat magcooperate ang tita mo. Kasi pwedeng magfile ang nakabili ng ejecment case sa kanya dahil nasa kanya ang title at presumed na ang nakabili ang mayari.

3. Kung nagkabaliktad nga ay dapat mailipat ang titulo ng tiya mo sa nakabili at ung titulo mo ay maitransfer sa Tita mo para maayos lahat. So dalawang transfer ang mangyayari.

sana makatulong ito....God Bless

View user profile

5 Re: Nagkamali sa title on Fri Feb 26, 2016 2:22 pm

lac764


Arresto Menor
Thank you po Sir Carlmag sa reply. Yan nga din po ang sabi sa akin na wala akong kasalanan sa pagkakabenta ko. Na isip ko nga rin po na kung ako po ang mag aasikaso ng palitan namin ng Tiyahin ko ay baka lalo ako magkaroon ng kaso dahil yung naibenta ko na na lupa at titolo ay idinonate ko pa sa tiyahin ko para lang siya pumayag na makipag palit.
Maraming salamat po ulit.

View user profile

6 Re: Nagkamali sa title on Fri Feb 26, 2016 2:48 pm

lac764


Arresto Menor
Sya nga po pala. Nagdedemand po kc yun tiya ko na papayag lang sya makipagpalit ng title kung ipapalipat ko yun nagkamaling naibenta kong titulo sa pangalan nya at ako po ang gusto nya gumastos sa lahat ng gagastusin sa pagpapalipat ng mula sa pangalan ko papunta sa pangalan nya pero paano ko po magagawa yun na ilipat yun titulo sa tiya ko eh may deed of sale na po yun. nabenta ko na nga po yun lupa ko sa iba. at ang demand naman ng nakabili ng lupa ko ay ako din ang magasikaso at gumastos sa lahat ng pagpapalipat ng title ng nasa tiya ko na mula sa mother title ng lola ko papunta sa kanya na nakabili ng lupa ko.

View user profile

7 Re: Nagkamali sa title on Thu Mar 03, 2016 7:56 am

lac764


Arresto Menor
Sir Carlmag, pumayag na po yung Tita ko na makipag palit ng Title. Ang worry ko lang po ay kung merong legal implications kung sakaling makapag palit na kami, eh meron po kaming deed of sale nung nakabili. Dapat po ba na humingi ako ng sulat mula sa nakabili nung lupa ko ng sulat?
Marami pong salamat at sana may makapag advice ng dapat ko gawin.

View user profile

8 Re: Nagkamali sa title on Thu Mar 03, 2016 4:05 pm

technified_ex


Prision Correccional
You have to execute another deed of sale and pay for the appropriate taxes for the exchange of property, so that you wont have another problem in the future

View user profile

9 Re: Nagkamali sa title on Thu Mar 03, 2016 9:51 pm

lac764


Arresto Menor
Thanks @technified_ex

View user profile

10 Re: Nagkamali sa title Today at 6:13 pm

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum