Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Help please

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Help please on Sat Apr 02, 2016 8:15 pm

Krism1980


Arresto Menor
Magandang araw. Nais ko po sanang hingin ang inyong payo may kaugnayan sa reklamo na idinulog ko sa aming barangay. Nagkaroon po kasi kami ng mainitang pagtatalo ng pinsan ng asawa ko thru text messages. Hindi ko naiwasang makapagsalita ng masakit dahil sa kagaspangan ng pananalita niya at pagmumura sa akin. Marahil, hindi niya matanggap ang huling mga salita ko kaya sumugod siya sa aming tahanan anupat pinagbantaan ako at nakaambang ihampas sa akin ang silya ng dalawang beses. Nagawa niya ring magbanta sa byenan ko na kung hindi ako pagsasabihan ay papatayin niya ako.

Sa ngayon ay pangalawang beses na naming paghaharap sa lupon ng barangay at nais ko pong hingin ang inyong payo dahil plano ko po na magsampa ng pormal na demanda. Mayroon po ba akong laban kung iaakyat ko ito sa hukuman?

Salamat po

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum