Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Marriage problem and child support

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Marriage problem and child support on Thu Apr 07, 2016 11:21 am

sheshashaun


Arresto Menor
Good day!

I would just like to seek help regarding my marital problem. Kasal po kami ng asawa ko. Mag 3years na po kaming kasal sa May. Mayroon po kaming 2 anak. Isang 2year old na babae at isang 10 months old na lalaki. Nagsimula po naging magulo ang pagsasama namin last year pagkapanganak ko sa aming bunso nung May 2015. Nakatira po kasi kami sa poder ng magulang ko sa kadahilanang walang mag aalaga sa aming mga anak dahil pareho kaming may trabaho. But July last year, umalis na sya samin at dun na sya ulit tumira sa magulang nya. Bihira sya magbigay ng sustento sa aming mga anak. Siguro 2,000 kada buwan lang iyon at sapilitan pa. October last year, sinimulan naming ayusin ang pagsasama namin subalit hindi na sya tinanggap ulit ng magulang ko sa aming tahanan. Ang naging set up po ay tuwing weekend sinusundo nya kami ng mga bata at dun kami tumitira sa aming bahay (bahay na kinuha nya thru pag-ibig). Madami na din po akong nagastos sa pagsasaayos ng bahay na yon. Naging ganun ang set-up namin hanggang February this year. Subalit nagkaroon na naman kami ng problema sa kadahilanang ipinipilit na naman nya na bumukod kami kahit na alam nyang walang mag-aalaga sa dalawa naming anak. Gusto nya na magresign ako sa trabaho para alagaan na lang ang mga bata. Sa parte ko po ay hindi yun practical. Nakapag-aral po ako at nagtatrabaho sa isang malaking unibersidad dito sa QC at kasalukuyan din na tinatapos ko ang aking masters degree. Ako po ay isang career woman at ito po ay paninindigan ko para sa aking sarili at para sa kinabukasan ng aking mga anak. Simula ng naging magulo ang relasyon namin nung February, hindi na nya dinadalaw ang mga anak namin, wala din syang binibigay na pang gastos ng mga bata. March 16 lamang po sya nagbigay ng 1,000 dineposito sa aking bank account. March 30 nagbigay sya ng 2,000 dahil nanghingi ako ng pampacheck up ng bata, sapilitan pa. Kahapon nagkita kami at nagbigay ulit sya ng 1,000. Humingi ako ng dagdag dahil 2 ang anak namin at hindi sapat ang 1,000 para sa dalawang bata. Ang aking sinusweldo ay di din sapat para mabuhay ko ang dalawang bata. Dinagdagdagan nya ng 500 ang binigay nya sakin kahapon at balak pa nga nyang isampal sa mukha ko ang pera dahil mukha daw akong pera. Nagagalit sya sakin dahil ang sweldo ko daw ay binubuhay ko at pinapalamon sa pamilya ko. Wala po itong katotohanan dahil ang sweldo ko ay nauubos lang sa mga pangangailangan ng mga bata (diaper, gatas, sabon at kung ano-ano pa).

Ano po bang kelangan kong gawin? Ayaw nya nyang bayadan ang monthly ng bahay dahil sa magulang nya na ulit sya tumitira. Ang gusto nya ay kunin ko na lahat ng gamit namin doon. Nanghihinayang po ako sa mga naipundar namin. At saka po ayoko na sanang manghingi ng pera sa kanya na parang namamalimos pa ko para may pang gastos ang mga bata. Gusto ko na pong idaan ito sa legal na paraan para maobliga sya. Ayaw nya po kasing magbigay dahil wala naman daw sa kanya ang mga bata. Alam ko po na hindi naman nya maaalagaan ng mabuti ang mga anak namin. Ngayon po ay nagbubuhay binata sya, gimik doon gimik dito.

Sana po ay matulungan nyo ako.
Maraming salamat po.

View user profile

2 Re: Marriage problem and child support on Thu Apr 07, 2016 9:52 pm

LandOwner12


Reclusion Perpetua
U need both legal and friendly advice. U need choose ur priority. Give some lose soom. Add me for more questions

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum