Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Physical Injury by Police to Woman -Need Legal Help

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

alf012


Arresto Menor
Atty. kailangan po namin ng tulong. Ung kapatid ko po kasing babae (27) binugbog po ng chief inspector police sa barangay pero siya pa po ang kinasuhan ng police sabi may dala daw siyang balisong pero wala namang balisong at di marunong gumamit kapatid ko non. Nangyari po kasi nag inom kapatid ko sa Mandaluyong, tapos po may 3 babae na lasing na. Sabi daw po ang sama daw makatingin ng kapatid ko, sinugod po nila kapatid ko tapos pinagtulungan. 3 vs 1 ung sabunutan nila. tapos po nagpunta sila ng barangay. eh ung isang babae po tatay siya ung police so dumating agad ung police na taga Mandaluyong lang din sa barangay tapos doon na po binugbog kapatid kong babae. Tapos ayun nga di daw po sila sinabihan na idedetain sila. kanina pong alas 4 na detain sila sa Mandaluyong Police stAtion ang alam lang po nila hihingan sila ng statement kasi sa barangay di din po sila hiningab ng statement kasi daw po sila ang suspect pero ung kapatid ko po ang napagtulungan at nabugbog. Di sila nasabihan na idedetain sila diba po mali un? Ngayon, di rin daw po pwede mag file ng kaso kapatid ko kasi nga suspect daw sya. kailangan po namin ng tulong ano po ba dapat gawin. Putok labi ng kapatid ko sinuntok pa siya sa mukha at ang dami po niyang pasa at gasgas. May medical report na rin po pero bakit ikukulong po siya na gawa gawa lang naman ng pulis ung balisong. Isa pa po, bakit po nya sinaktan kapatid ko naturingang pulis siya. Tulong naman po ano dapat naming gawin na hakbang. Gusto din namin kasuhan ung 2 pang kasama ng anak ng pulis na bumubogbog sa kapatid ko. salamat po.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum