Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

cancellation of birth certificate

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 cancellation of birth certificate on Mon May 16, 2016 2:19 pm

prettyionne


Arresto Menor
Good day po sa lahat. Magtatanong lang po sana ako tungkol sa situation ng birth certificate ng anak ko. Ito po ang scenario: Ipinanganak ko sya noong Dec. 08, 2002 sa isang private hospital. Pagka release po naman ng hospital ay automatic meron po syang birth certificate. Makalipas po ang 4 years nagaka relasyon po ako pero di nya po ama. Ang ginawa po nitong ex live in partner ko ay nagfile sya ng delayed registration at inilagay nya pong sya ang ama ng bata at binago nya rin po ang taon ng kapanganakan. Sa ngayon po, lahat ng records ng anak ko (schoola nd hospital) ay iyong ikalawang birth certificate po ang gamit nya. Ang gusto ko po sana ay ang unang birth ceritificate nya ang gagamitin nya.

Ang tanong ko po ay kung anong tamang proseso ang aking gagawin para ang unang birth certificate ng anak ko ang kanyang dadalhin?

Maraming salamat po sa inyong tulong

View user profile

2 Re: cancellation of birth certificate on Wed May 18, 2016 10:07 pm

Atty.JB


Arresto Menor
Magandang araw sayo prettyionne,

Kinakailangan mo magsampa ng Petition sa Korte ng "Cancellation of Second Birth Certificate".

Sa Petition na ito, ilalagay mo ang mga pangyayari kung papaano nagkaroon ng pangalawang birth certificate ang anak mo. Kailangan mo din ang original record of birth ng anak mo (sa hospital mo kunin) para patunayan ang tunay na kapanganakan ng anak mo.

Kailangan mo ng abugado para tumulong sayo gumawa ng Petition and irepresent ka sa Korte.

Sana nakatulong ito.

-Atty.JB

View user profile

3 Re: cancellation of birth certificate on Thu May 19, 2016 7:03 am

centro


Reclusion Perpetua
Madugong proceso po ito. Ihayag ko lang na bakit kailangan kilitasin ng korte itong sitwasyon ng dalawang birth certificate. Nagkakaroon ng dalawang record ang tao na maaring magamit sa paglilito o pagtatago.

May mga ibang Office of the Civil Registry recently na nagrerequire ngayon ng Certificate of No Registration bago magpasok ng request ng delayed registration.

Sundan mo ang abiso ni Atty para malinis na ang record lalo't na centralized na ang mga certificates sa NSO.

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum