Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Accussed of rape without evidence

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Accussed of rape without evidence on Fri May 20, 2016 10:15 pm

jeromeh


Arresto Menor
Good day po.

Gusto ko lang po sanang humingi ng advice kung ano na po ang maaaring gawin or kahit po kung ano po sa tingin ninyo ang stand ng case ng pinsan ko.

Naakusahan po sya ng rape ng katulong ng boss nya. Inutusan po sya na pumunta sa bahay ng boss nya kung nasaan ang babae para siguraduhin na ayos ang bahay at doon na din sya pinatulog. Pakiramdam po namin ay frame up ang nangyari dahil karaniwan naman pong sumusunod ang boss nya sa bahay kaya nakapagtataka na hindi ito sumunod sa kanila. Kinabukasan po ay biglang pinadampot ang pinsan ko ng walang kahit na anong warrant of arrest sa bintang na nirape nya ang babae. Sa pag iisip na mas makakabuti kung sasama na lang sya, sumama ang pinsan ko. Nang ipa medico legal po ang babae, wala naman pong nakitang sariwang sugat na patunay na narape sya. Sa pinsan ko naman po, wala naman pong sugat din o gasgas man lang na talagang nanrape sya. Dagdag pa, hindi po tumutugma ang salaysay ng babae sa mga oras na kasama pa ng pinsan ko ang mga kaibigan nya.

Hanggang sa ngayon po ay nananatiling nasa municipal jail ang pinsan ko dahil kapag din naman po may hearing ay hindi naman po umaattend ang babae. Sa huli pong nakaschedule na hearing ay hindi rin po nakaattend. Talaga po bang kailangang mag antay ng buwan para sa panibagong schedule? Yun po sana ang una nilang paghaharap ng formal sa korte. Dagdag pa po nito, pinipilit po syang paaminin ng boss nya at sinasabi pong pag umamain ay tutulungan naman po sya. Neutral

Paano po kaya ang magandang gawin at gaano po kaya ang tinatagal ng ganitong kaso? Gaano po mapapabilis ang usad kung private ang abogado? Sana po matulungan nyo kami. Isang taon na po halos ang pinsan ko na nakakulong

View user profile

2 Re: Accussed of rape without evidence on Sat May 21, 2016 11:58 am

ador


Prision Mayor
Kung hindi nya ginawa, wag nyang aakuin o aminin. lalo na syang matutuluyan pag pumayag siya. Wala ding piyansa yan kaya hihintayin talaga niya yung resolusyon. Hindi din kontrolado ng abugado nya ang schedule ng hearing kaya minsan talagang nagtatagal ang kasunod na petsa. Tyagaan lang ikamo, sa dulo nyan pwede naman syang mag kontra demanda para makakuha ng danyos perhuwisyo.

View user profile

3 Re: Accussed of rape without evidence on Sat Jun 04, 2016 9:07 pm

Sismie


Arresto Menor
Hello, just wanna ask if ang police blotter ba mag aappear sa nbi record? Or could it be the reason na na - hit ka?

2 months ago someone said pina blotter daw nya ako. He' s accusing me na kinidnap ko daw mga anak nya. Lumayas mga anak nya kasi (1) yung 14 year old may black eye tinaponan nya ng plato sa mukha. (2) yung bunso pinapatabi nya sa kanya kasama barkada nya at lasing sila pareho. Pinatakas sila ng mother nila baka kasi ano pang mangyari. He's asking for help saken para mahanap kids nya then i turned him down kasi kung iisipin mo kawawa naman yung mga bata. Kasama ko kasi sa bahay nagrerent ang kuya nila na 18 years old kaya sa bahay sila pumunta at pinsan ko sila. So, ako ang pinag initan ng tatay nila. Yung mga bata mismo ang umalis sa probinsya na yun para makalayo sa tatay nila. Sabe kasi ng mama nila antayin lumabas ang papers for legal guardian bago ipaalam kung nasan ang mga bata kasi natatakot mama nila na kunin nalang sila. Lasengero kasi ang tatay at ofw ang nanay. Sa ngayon nasa auntie na nila ang mga bata.

Pwede ba akong ipablotter kahit walang proof ng kidnapping?
Mag aappear ba sa nbi ang police blotter?
Pag maclear ko na name ko sa blotter na yan mag aappear pa ba yan sa criminal record part ng nbi ?
Yung part na dapat nakalagay no criminal record
o nanjan na yan kahit clear ka?

Please help.

View user profile

Sponsored content


View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum