Free Legal Advice Philippines

Disclaimer: This web site is designed for general information only and does not create attorney-client relationship. Persons accessing this site are encouraged to seek independent counsel for legal advice regarding their individual legal issues.

Log in

I forgot my password




You are not connected. Please login or register

Please help us

View previous topic View next topic Go down  Message [Page 1 of 1]

1 Please help us on Thu Jun 09, 2016 11:02 am

mustlovemitch


Arresto Menor
My boyfriend and I been together for almost 2 years already. Meron po siyang anak na mag grade 4 ngayong pasukan sa dati nya nakarelasyon. Hindi po sila kasal. Nagkahiwalay na po sila ng babae 2012 pa po.

Last week of November 2015 humihingi po ang bf ko ng kasulatan para magkaron na po ng legal na usapan among sides. Since di po kasi sila magkasundo para sa bata. Humihingi ang bf ko ng compromise agreement sa babae.

Ang babae po ay nakatira na sa baguio kasama ang kinakasama nya lalaki na nalaman namin may legal na asawa. At ang bata any nandito sa Alaminos Pangasinan.

Nagmatigas po ang babae at sinabi nya na attorney na lang nya ang kakausap sa bf ko. Nakareceive po kami ng subpoena galing baguio at sinampahan ang boyfriend ko ng R.A 9262. Inaakusahan po nya ang bf ko na di nagbibigay ng sustento sa anak nila simula sa simula. Nareceive po namin ang subpoena mula baguio january 28,2016. Nakasaad po doon na meron kami 10 araw para magfile ng counter affidavit. Feb 4,2016 mismo ang boyfriend ko ang sumite ng kanyang counter sa baguio city.

Mula sa araw na aminf nareceive ang supboena, pagkaraan ng february 10, nakareceive kami ng sulat at meron na po resolution sa aming kaso at nagsasabi na from R.A 9262 naging R.A 7610 na ang kaso at base sa nabasa namin january 29 po naibaba ang resolution. Sa sumunod na araw, meron na ko kami warrant of arrest.
Di na po namin hinayaan na mahuli siya kaya ng bayad po kami ng bail ban na 80,000 pesos.

Ang aming attorney ay gumawa ng motion for reconsideration dahil mukhang di na nila binasa ang aming counter affidavit nakasaad po doon sa aming counter affidavit na, nagpadala ng remittances ang bf ko noong una siya umalis mula qatar na nakapangalan sa mismo ina ng bata. Nakacompile po lahat ng iyon. Pati ang resibo ng pinagbayad sa pag enrol ng bata mula sa eskwelahan hanggang sa ATM na iniwan ng bf ko ng huli siyanh nagibang bansa. Nakasaad lahat doon na di nya pinabayaan ang bata simula pa lang. Mula sa subpoena aming nataggap ni isang dokumento na nagpapakita na pinabayaan nya ang anak nila ay wala. Ngunit puro salita lamang. May nakalakip pa doon na screenshots ng mukha ko na akala nila binigay ng bf ko ang bago kong cp. Dahil siya at tinag ko doon. Pero ang totoo sa online ko yun binili at Cash on delivery mula sa isang site. Pati hikaw ko na akala nila na pasalubong ng bf ko na ng dumating siya na sa katunayan napatunayan na matagal ko bg hikaw iyon. Lahat ng bank statement ay nakalakip saming counter affidavit.



Nadismiss ang kaso dahil sa technicallity. Dahil hi di saklaw ng baguio ang kaso dahil ang bata ay residente ng Alaminos city at dito nagaaral.

Patuloy parin kami nagpadala sa atm ng bata hanggang sa pinalitan namin ito ng bago atm dahil kabayan ang atm at baka ito ay magsarado since nandito na sa pinas ang bf ko.

Humihingi kami ng advise mula sa PAO kung ano ang magiging maayos na paraan. At Compromise agreement ang pinakamaganda. Tinext ng bf ko ang ina ng bata at tila ayaw nya makipag cooperate. Ang gusto nya atty nya gagawa ng kasulatan. Pwede po ba yon?? Na sila lang mag decide. Wala pong trabaho ang bf ko ngyon. At tumutulong lang siya sa ate nya. Sinabi ng bf ko na pwede naman sila magkaron ng kasulatan sa harap bg pao para sa nga terms. Ngunit ayaw nya parin. Ang sabi pa po nya sa DSWD na lang daw po? Paano namin masisigurado na patas po para sa kabilang dalawa.


Lagi po nya tinatakot ang bf ko na humanda siya. Di pa tapos ang kaso. Ano po dapat namin gawin? Gusto na po namin ng katahimikan.

View user profile

View previous topic View next topic Back to top  Message [Page 1 of 1]

Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum